Chapter 22

657 23 0
                                    

Atty. Christine Villeza

I hope there will be better morning for us. 'Yon bang gigising ka na lang na wala kang problemang dala-dala. Sa tingin ko kasi'y hindi na ako nagkakaroon noon. Pero malay natin, baka soon. Sana ay magdilang anghel ako.

But honestly, a better morning will just be reflected by our own perceptions in life. If you had a nice morning, some will say that it was a better morning. Kung maiisip ko lang siguro ang positivity sa umaga ko ay baka maisip kong better morning ito.

But I can't. I don't know why.

"Jelsey, what's the catch?" Bungad ko kay Jelsey nang tumawag ito sa akin. Nandito pa rin ako sa aking higaan, nakaupo, hawak ang aking cellphone dahil kagigising ko lang. It was a bright, sunny day. I hope that there will be good news for us.

Despite what happened yesterday.

"Open your TV." she seriously ordered. Dahil nakapatong lang naman sa lamesa malapit sa akin ang remote ay madali ko itong nakuha at binuksan ang TV. Medyo nanlabo ang mata ko, pero na-adjust rin naman at unti-unti ko nang nakilala kung sino ang nagbabalita. "It's The Times. And the Pasig General Hospital."

"Thank you, Ysa. We are now here at the collapsed building of the Pasig General Hospital, which costs approximately millions of damages. This is due to the 6.5 magnitude earthquake that occured yesterday 2:03 pm which happened to struck here in Metro Manila.

"Many people specially the patients, nurses, doctors, and staffs were rescued today after the whole building collapsed when the aftershock occured. Most are severely injured while some had trauma so they were brought to the nearest hospitals across Metro Manila.

"Also, Pasig City Mayor Jose Antonio already made a task force Search and Rescue to save other people around Pasig City and its neighbors. Plus an investigation team that will find the contractor and the owner of the poorly-constructed hospital.

"This is Jeffrey Skyler of SBS News. Back to you, Ysa!"

Pinatay ko na agad ang TV pagkatapos ni Jeffrey magsalita at binalikan ang tawag ni Jelsey. "What the hell, nasira rin 'yung buong PGH?"

"You heard him right, Christine. Maging ako'y 'di makapaniwala. Swerte pa rin kayo dahil nakalabas agad kayo bago gumuho ang buong building."

Hindi na ako nakasagot at natulala na lang sa labas. Umalis na ako sa aking upuan at iniwan na ang cellphone ko sa lamesa. Bahala na siya kung ibaba niya ang tawag. Tumitig na lang ako sa bintana at sinilip ang maliwanag na paligid sa labas.

All I can see here is a playground. Tirik na tirik ang araw pero sobra maglaro ang mga bata dito. Hindi nila iniinda ang init, maging ang pawis sa kanilang katawan. Masaya lang sila. Walang problema.

Na-miss ko tuloy noong bata pa ako at walang ibang ginagawa kundi maglaro. Pa-slide-slide lang ako habang nakikipaglaro sa lahat ng batang makita ko. Masaya noon, wala masyadong problema. Hindi tulad ngayon na kabilaan ang nangyayari sa amin.

Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto nang bumukas ito dahan-dahan. It was Doc Ivan, peaking inside. "Atty. Christine, gising ka na pala."

"Anong atin, Doc?"

"You need to see Jayron."

Hindi na nito hinintay ang sagot ko at tuluyan na akong iniwan sa kwarto. Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa nakasaradong pinto. Mabuti na lang ay dinalhan ako ni Mama kagabi ng damit kaya may pamalit ako. Nang makapagbihis na ako'y lumabas agad ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ni Jayron.

Nandito rin pala si Mama, si Doc Ivan, at si Doc Rachel, ang assistant ni Doc Ivan. There were looking sad while I entered the room. Nang tingnan ko naman si Jayron ay masaya ito't nakatingin sa akin. "Hello, Ate Christine!"

Napangiti ako't umupo agad sa tabi niya. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang, Ate, wala namang nagbago. Pogi pa rin." nakabungisngis nitong sagot. Piningot ko ang ilong nito na ikinatawa naman niya. "Oo nga pala, Ate, congrats nga po pala!"

Higit na kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Congrats dahil nanalo kami sa trial ni Sandoval? Nabati mo na ako kahapon, Jayron." Natatawa kong sambit.

Siya naman ang napakunot ang noo at nagsalita, "Paanong kahapon, Ate, eh kanina mo lang nabanggit sa'kin 'yon?"

"Ha?"

"Opo! Kaya congrats, Ate, ah. Ang galing mo talaga." Niyakap ako nito't nginitian ako. "Bakit parang malungkot ka?"

Napatingin ako kay Mama at kay Doc Ivan. Naguguluhan ako sa nangyayari kay Jayron. Lumabas agad ako ng kwarto at sinenyasan si Doc na sumunod sa akin. Sumunod naman ito kaagad at hinarap ako sa labas. "Anong nangyayari kay Jayron, Doc?"

"Anterogade amnesia." maikling sagot nito na ikinalaki naman ng mga mata ko. Marahang bumilis na naman ang aking paghinga pero patuloy kong pinakakalma ang aking sarili. Napatakip ako sa aking bibig nang ma-realize kung anong nangyayari. "Jayron has a short-term memory loss."

"Short-term what?!"

"Anterogade amnesia is a subset of amnesia where a person has a difficulty of retaining new memories after the onset of amnesia. Meaning, hindi na niya naaalala ang mga nangyari pagkatapos niyang mabagok sa kama nang lumindol."

Napakunot ang aking noo. "What the hell are you saying?"

"When the accident happened, a part of his brain has been damaged and affected by the huge blow. That part of his brain retains all his short-term memory. Nang masira 'yon, nahihirapan na siyang makaalala ng mga bagong pangyayari."

"What the fvck?"

He didn't mind me. "Anong pinag-usapan niyo bago mangyari ang aksidente ni Jayron?"

"Nag-uusap kami tungkol sa pagkapanalo ko sa trial, Doc."

"At hindi siya nakabati sa pagkapanalo, tama ba? Something like congratulations or you did great?"

Mariin akong napaisip sa kaniyang sinabi. "Nasabi niyang magaling ako, pero hindi siya nakapag-Congrats or something."

"That might be the key word. . . Congrats or Congratulations. Mukhang sasabihin niya dapat 'yon sayo kaso biglang lumindol at nabagok siya, tama?"

"S-Sort of. Makes sense."

"Sa kaso ng kapatid mo, Attorney, naaalala niya lang ang mga nangyari bago mangyari ang aksidente. And sadly. . ."

Tumigil ito't huminga ng malalim. "Sadly what?"

"Sadly, all the information that he might retain today. . . will be lost when he sleep this evening. We conducted all the tests and interviews. Tama lahat ng mga sinasabi ko sayo ngayon, Attorney."

Tumulo ang mga luha ko habang nakikinig kay Doc Ivan. Kung masakit ito para sa akin, malamang ay mas masakit ito para kay Mama. "So, ang ibig-sabihin mo ba, Doc, lahat ng malalaman niya ngayon ay makakalimutan niya rin? Tama ba ako?"

He nodded.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ni Jayron habang humahagulgol. Hindi ko alam ang gagawin ko. P-Paano ang future ni Jayron? Paano ang buhay niya sakaling gumaling siya sa sakit niya sa puso? Paano siya?

"Ate, bakit ka umiiyak?" malungkot na saad ni Jayron pagkaupo ko sa kaniyang tabi. Pagkatingin ko kay Mama ay napaiyak na rin ito't pinunasan ang luha niya. Tumingin muli ako kay Jayron at ngumiti. "Ayan, Ate, smile ka lang."

"B-Basta nandito lang s-si Ate Christine para sayo ah?" Hinaplos ko ang ulo nito't hinalikan siya sa noo.

Ngumiti ito't may tumulong luha sa kaniyang mga mata. "Nakapag- I Love You na ba ako sayo, Ate Christine?"

Ngumiti ako't napaluha.

"I love you, Ate!"

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon