Chapter 68

651 15 8
                                    

Atty. Christine Villeza

"Prosecution, do you still have something to present?"

Katatapos lang ng presentasyon namin kanina kaya ang prosecution na ulit ang magpapakita ng mga ebidensya nila. I was waiting for their ace and I think this is it. Bright stood up and confidently spoke on their side. Hindi ito nagpunta sa gitna kagaya ng ginawa ko kanina habang nagpe-present ng mga ebidensya.

I guess, he'll invite a new witness.

"Your Honor, we made a mistake about a thing from our first trial."

Halos lahat ng tao sa loob ng courtroom ay nagbulong-bulungan samantalang si Judge Magnaye ay napakunot ang noo. Lahat din ng mga reporter na tahimik na nakaupo ay biglang napatitig kay Bright dahil sa gulat. Yung iba'y pandalas ang type sa kanilang mga laptop samantalang si Jeffrey ay nanatiling natingin kay Bright. Jelsey, Sandoval, and I were just sitting pretty and observing the reactions of all the people in the court.

Alam na naming mangyayari ito. Isasakripisyo nila si Maria Baraña para isalang ang bagong tetestigo.

"The supposed key witness that we presented, Maria Baraña, had said a false testimony. Hindi siya naging parte ng mga krimeng ipinararatang sa inakusahan. Nagsinungaling siya sa harap ng korte!"

As if on cue, the huge door of the courtroom swung open. Pagkalipas ng ilang segundo ay isang pamilyar na mukha ang pumasok sa loob.

Mario "a.k.a. Maria" Baraña is here.

"WE WOULD LIKE TO SUE HER OF PERJURY!"

"Your Honor, it is not acceptable to charge her with anything!" sabat ko't napatayo nang sabihin 'yon ni Bright. I know that we're expecting this pero napaka-kapal talaga ng mukha nito eh!

Nanatiling nakatayo si Maria sa may harap ng pintuan dahil siguro nagulat siya sa biglaang sagutan namin ni Bright. I looked at Judge Magnaye and composed my features. "Hindi niyo siya pwedeng kasuhan, Your Honor."

"But she lied to the court even though she took the oath! Ang pagsisinungaling sa korte ay dapat masampahan ng kaso't maparusahan!" Bright argued, pointing the papers that he was holding to me.

Kahit gusto kong sabihin na napaka-hipokrito niya para sabihin 'yon ay hindi ko magawa. Kailangan kong mag-focus para ipagtanggol din ang karapatan ni Maria Baraña. "She was forced to lie to the court, Bright. She's intimidated and traumatized, thus, she was not in the right state of her mind to testify back then!"

I stared at Judge Magnaye with determination and spoke, "WE WOULD LIKE TO BRING HER AS OUR WITNESS."

°°°

Alam ng lahat na tapos na ang oras namin, defense counsel, para magsalita pero hinayaan kami ni Judge Magnaye na gawing testigo si Maria at i-presenta siya ngayon. We need to hit two birds with one stone here. Malilinis namin ang mga kasinungalingang sinabi niya laban kay Sandoval, malilinis rin namin ang nadungisang pangalan niya.

It's now Jelsey's turn to shine again. She's the one who will examine Maria Baraña.

"State your name." Judge Magnaye ordered.

"Mario Baraña." Bahagya itong lumunok para linisin ang lalamunan niya at nagsalitang muli. "You can call me Maria."

Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap habang ako ay napakapit sa aming lamesa dahil bahagya akong nahilo. Ilang segundo lang naman ang itinagal no'n kaya nanumbalik na muli ang paningin at pakiramdam ko. Mabuti na nga lang at hindi napansin ni Sandoval, na katabi ko lang dito sa pwesto namin, dahil ayoko nang mag-alala siya.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now