Chapter 83

289 12 3
                                    

Atty. Christine Villeza

"Umupo na muna kayo, Anak Anthony. Dadalhan ko na lang kayo ng pagkain."

Gaya ng sinabi ni Mama, umupo na kami ni Anthony sa isa sa mga bakanteng pwesto dito sa restaurant niya. Bago pa kami makaalis, tinawag muli ni Anthony si Mama, "Pero hindi pa po kami nakaka-order."

Mama smiled and shook her head. "Ba't ko naman kayo pagbabayarin?" natatawang sambit nito. "Ako na ang bahala sa inyo. Ipaghahanda ko kayo ng marami."

Anthony chuckled and nodded. "A'right. Salamat po, Ma."

Ngumiting muli si Mama at umalis na. Hindi na kami naghintay pa kaya agad na muli kaming umupo sa upuan. I placed my bag on the chair on my side while Anthony sat on the chair in front of me. Maraminng tao ang nakain sa loob ng restaurant ni Mama pero hindi naman masyadong maingay. Anthony took out his phone and excused himself for a minute. May tumatawag sa kaniya. "Go ahead." I told him and smiled.

Nilibot ko na muna ang mga mata ko dahil ayaw ko namang mag-cellphone habang nandito kami ni Anthony at kakain. This restaurant was quite big, though not as big as some 5-star restaurants here in Pasig. Pagkatapos ng dalawang taong pagsisikap ni Mama ay nakapagtayo talaga siya ng isang successful na restaurant.

I'm glad for her. Well, she said she was inspired by my little brother when she started this. Kaya ang lahat ng disenyo sa loob ng restaurant na ito ay may kaugnayan sa kapatid ko. An authentic Asian restaurant can be sensed here. Puro lutong Pinoy. Ang sasarap kaya ng luto ni Mama.

After a minute, Anthony came back with my Mom in his full smiles. TInulungan na niya si Mama na magbitbit ng mga pagkaing ihahain sa amin. When I was about to stand up to help him, he immediately shook his head and gestured me to came back to sitting. "No. Let me serve my queen."

Agad na napangiti si Mama habang ako naman ay napairap sa hangin. I have to hide my blushed face so I evaded his piercing gaze. Hindi naman sa kinikilig ako pero parang gano'n na nga. Nang mailatag na nila ang mga pagkain dito sa malaking lamesa, umupo na muli si Anthony sa aking harap at ngumiti. "You shall eat, Christine. Mukhang napagod ka sa exercise natin kanina."

After he said that, I accidentally coughed and almost spilled the water that I was drinking. Dahil nandito pa si Mama ay agad itong lumapit sa akin at hinaplos ang aking likod. Anthony was subtly laughing at me while he was playfully staring at me. "Mama, oh, tingnan mo si Anthony."

Mama just chuckled and tapped my back. "Malaki ka na, Christine. Kumain na kayo." Umalis na to sa aming kinauupuan pagkatapos masiguradong kompleto na ang lahat ng nakahain sa amin.

Sinamaan ko lang ng tingin si Anthony sabay hawak ng tinidor at kutsilyo sa kamay ko. Agad itong napatingin sa akin at pilit na ngumiti. Natawa na lang ako sa reaksyon nito. "Kumain ka na nga lang diyan."

IT WAS ALMOST an hour after we finished eating all the food that were served to us. Pagkatapos naming magpaalam kay Mama ay agad na kaming sumakay ng kotse't nag-drive sa susunod naming pupuntahan. We have so many itineraries today.

Though, ayos lang. Minsan na lang din naman ako makalabas ng bahay dahil sa bago kong trabaho.

"I'm nervous." I told Anthony. Hinawakan nito ang aking kamay habang nagmamaneho siya. "It's been a while since I last saw her."

"It's just two weeeks ago, Christine."

"It's still long." I argued, looking at him at the rearview mirror.

Bahagya lang itong natawa't tinapik ang aking kamay. "Yeah, yeah, I understand you. Unlike those days, you two don't get along together pretty often."

"Ahuh, we both seemed super busy right now."

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now