Chapter 39

653 23 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"Surprise!"

I never thought that I will be having a get-together with other people like this again. I mean, matagal-tagal na rin akong nakapag-party o nakapunta sa mga club para makapag-walwal. Huling labas ko para magpakasaya't magpakalasing ay 'yung araw bago ko tinanggap ang kaso ni Sandoval. Everything changed when I started to defend that freaking billionaire.

But who knows? I even started to love him more than the way I loved him before. Dang that Sandoval! Ang gwapo kasi eh.

"Ang dami mo nang naipong chocolates, Christine. Ba't hindi mo 'to ilako sa labas nang mas dumami pa 'yang pera mo?" nakalolokong tanong ni Rina habang binubuksan 'yong wine na dala niya. Nandito kami ngayon sa sofa sa harap ng malaking lamesa para raw magsaya't mag-inuman.

Epal naman itong si Jeffrey, sumama pa. Dapat girl's time na lang namin 'to eh.

"Eh 'di ikaw ang mag-lako. Ikaw ang nakaisip eh." pambabara ko rito't umirap. Natawa naman siya nang bahagya at hinampas pa ako ng pabiro. Napakamot tuloy ako sa braso ko dahil masakit 'yong pagkakahampas niya. "Aray ha."

Si Yaya Sising lang ang nandito sa bahay kanina dahil si Mama ay nasa hospital at nagbabantay sa kapatid kong si Jayron. Tinanong ko nga si Yaya kung bakit 'di niya pinagbuksan si Rina kanina, kaso ang sabi raw ni Rina sa kaniya ay maghihintay na lang daw ito sa labas. Pinaghanda niya lang kami kanina ng mga makakain kasama 'yung dalang wine ni Rina. Nagbihis na muna kami ni Jelsey ng pambahay bago umupo rito sa sofa kasama sila.

"Teka, para saan ba 'to?" Jelsey asked while eating banana chips. Kumuha rin ako ng banana chips mula sa plato niya dahil sinolo niya lang ito kanina. "I mean, why all of a sudden?"

Ngumiti si Rina at sinalinan kami ng wine. Ang sabi niya sa amin ay nakalalasing daw ito pero gusto niya pa ring maubos. Sumang-ayon na lang kami ni Jelsey dahil gusto rin naming malasing ngayon. Si Jeffrey naman na nakisali lang ay hindi namin pinakinggan ng opinyon. Epal kasi, kanina pa ako inaasar niyan. Akala mo naman gusto ko ng kayabangan niya.

"Wala lang. These past few days, we're all stressed out. Watching Charisse's vlogs and investigating too much were a bit boring when repeated over time. Ito, magpakalasing na lang muna tayo." Rina said and gave me a glass of wine. Marami agad siyang nilagay dahil nabanggit ni Yaya kanina na marami pang ganyan sa kusina. Natuwa naman si Rina.

"Baka may balak ka sa'min ah?" biro ni Jelsey habang umiinom ng alak. ''You know what I mean."

Malakas na natawa si Jeffrey samantalang si Rina ay natawa't umiling. "Gaga, straight ako. Baka si Jeffrey pa ang gumawa sa'tin ng masama."

Bahagya akong napaubo at natawa sa sinabi ni Rina. "Actually, may dala na rin akong cutter dito sa bulsa kung sakali mang pagsamantalahan tayo ng kumag na 'yan. You know, para diretso putol agad ng pinagmamalaki niya." Ngumiti ako pero sinamaan ng tingin si Jeffrey. Nabu-bwisit talaga ako sa pagmumukha ng gagong 'yan.

"Let's get started," Natapos nang magsalin si Rina sa mga baso namin kaya itinaas na nito ang kaniya at sumigaw, "Cheers!"

"Cheers!"

Itinaas na namin ang mga wine glass namin at nag-kampay. Ngumiti ako sa kanila't ininom na ang laman ng aking baso. I drank it straight until the wine is gone. Nagsalin ulit ako ng isa pa at ininom na parang tubig. "Grabe makainom, Christine, ah? May problema ka?" tanong ni Jeffrey habang nagsasalin din sa baso niya.

"Wala naman. Work problems. Marami pa akong long overdues sa laptop ko." Inilapag ko na muna ang baso ko sa lamesa at kumain ng potato chips. Ngayon ko lang din napansin na puro chips lang pala ang pulutan namin. Si Yaya Sising kasi'y nagluluto pa ng sisig para sa'min at ulam na rin mamaya.

"By the way, how did you know the hidden cameras, Rina? Imposible namang hinulaan mo lang 'yon." Jelsey asked and gave Rina a plate of banana chips.

The latter smiled and thanked her. "Napanood ko 'yong video na ginamit niyo para makuha ang camera na ebidensya ng prosecution sa nakaraang trial. Sandoval said that Charisse's filming everything, and Attorney Christine took note of that. Alam kong makukuha niyo rin 'yon." Ngumiti ito sa amin at uminom ng alak.

"Thankful din talaga kami kay Jeffrey na ini-refer ka niya sa amin. You're a great investigator, Rina. Good job." Jelsey remarked and smiled. Pandalas ang kain nito at parang ginawa nang kanin ang mga chips sa lamesa. Mabuti na lang at marami-rami ang mga ito. May mga tsokolate rin na galing sa mga bigay ni Sandoval.

"Thanks, Attorney. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko."

Uminom muli kaming lahat at nagtawanan nang matapos ang halos kalahati ng alak ni Jeffrey. Nahilo ata't hindi na makagalaw ng maayos. Paano ba naman, ginawang tubig 'yung alak dahil uhaw na uhaw na raw siya. Bahala siya d'yan. Mas maganda ngang una na siyang makatulog.

Ilang oras pa kaming nag-inuman hanggang sa umabot na kami ng ala-una ng umaga. Nakatulog na nga si Yaya Sising pagkatapos niya kaming ipagluto ng sisig. Nakatulog na rin si Jeffrey sa sulok ng sofa samantalang kaming tatlo nina Jelsey at Rina ay stay strong pa rin. Marami na rin kaming napag-usapan at napag-kwentuhan lalo na noong mga nangyari kanina. "Eh ikaw, Christine. Mahal mo na ba si Sandoval?"

Malakas akong natawa sa tanong sa akin ni Rina. Uminom muli ako ng alak bago siya sagutin. "Oo, sigurado na ako. Malakas ang tama sa'kin ng gagong 'yon. Malaki ang ano eh."

Natawa rin ng malakas si Jelsey at Rina at nagawa pa akong hampasin. Ginantihan ko sila kaya sila naman ang napakamot sa sakit. "Aray! 'Yong totoo nga! Anong dahilan? Bakit mo minahal ulit?" pag-uusisa pa ni Rina at kumain ng sisig na nasa plato niya.

"Eh mahal ko eh. Siguro dahil hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kaniya? Natabunan lang siguro ng galit na wala namang katuturan dahil hindi ko nalaman ang istorya niya. Mahal ko pa nga ang gagong 'yon. Hindi naman siguro nawala----!"

Tinakpan ni Jelsey ang bibig ko at tumawa. "Tama na, Christine. Inuulit mo na 'yung sinabi mo." Inirapan ko lang ito't uminom muli ng isang baso. "Eh, ikaw, Jelsey? Why are you so hostile to Rina when you first met her."

Natawa si Rina na nasa aking tabi. Ako kasi ang nasa gitna nilang dalawa kaya ako ang nagiging punching bag nila 'pag natatawa sila. Ngumisi si Jelsey at uminom ng alak. "I thought she was my competitor over Jeffrey's heart."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. I knew it, she's jealous and insecure of Rina when they first met. Bahagyang natawa si Rina at tinapik pa si Jelsey sa hita. "Pero sinabi ko naman sayo na sayong-sayo na ang kupal na 'yon. I didn't even love him at once. He was just a friend to me."

Jelsey smiled and looked at the sleeping Jeffrey. "I don't know why did I fall for that fvcking Jeffrey. I mean, napakayabang n'yan eh. Pero nagustuhan ko pa rin."

"Baka dahil malaki rin 'yong ano." biro ko na ikinatawa naman nila.

"Adik! Hindi ko pa nga nakikita ang pinagmamalaki niyan, haha!" natatawang sambit nito. "Pero malay mo, soon."

Lasing na nga ang gaga. May naiisip nang ganiyan kay Jeffrey eh. "Oo nga, makukuha mo rin 'yan pagdating ng panahon." dagdag pa ni Rina habang kumakain ng sisig. Napailing na lang ako sa pinaguusapan nilang dalawa.

Magsasalin pa sana ako ng alak sa baso ko kaso wala na palang laman ang bote na nasa harap namin. "Wait, kukuha lang ako." Bahagya akong nahilo pagtayo ko, pero nagawa ko pang makaalis sa harap ng sofa. Kinuha na muna ni Jelsey at Rina ang bote na hawak ko para makuha ko raw ng dalawang kamay ang alak na kukuhanin ko.

I was about to walk but my vision suddenly went blurred. Natumba ako't bumagsak sa malamig na sahig yakap-yakap ang sapatos ng kung sino mang nilalang ito. Hindi ko na maimulat ang mga mata ko't tumihaya na lang para mas lalo pang damahin ang lamig ng gabi. It was the perfect temperature to rest and sleep. Bahala na sila diyan.

"Nakatulog na yata si Christine." rinig kong sambit ng isa.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon