Chapter 53

421 11 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"Sigurado kayong hindi niyo dadalhin 'to sa korte?"

Nagkatinginan kaming apat nang itanong 'yon muli ni Sir Richard. Sinabi kasi namin ni Jelsey na hindi na naman 'to paaabutin sa korte dahil wala naman kaming mapapala kung makulong sila. Kung sina Bright at Dark mismo ang nagnakaw ng ebidensya, malamang may posibilidad na ilaban namin 'to.

But it's not the case. May inutusan sila para gawin ang trabaho kaya mahihirapan kaming alamin at hanapin ang mga ebidensyang makapagtuturo na sila Bright at Dark ang may pakana. We will not increase the burden of our plates just for this distraction. Tutal, hindi rin naman kami sigurado kung nagawa na ng mga pulis na nandito ang trabaho nila nang maayos.

"Yes, Sir Richard, we're very sure." I affirmed then glanced at Jelsey.

"Yes, Sir. Siguro, kayo na lang ang magsampa ng criminal charges sa kung sino mang mahuhuli niyong may gawa nito. Kayo na ho ang bahala sa lahat. Malapit na ang last trial ng kaso na hinahawakan namin at hindi na namin kakayanin pang isabay ito." dagdag ni Jelsey at tipid na ngumiti.

Dahan-dahang tumango si Sir Richard at ngumiti sa amin. "Ang Pasig City Police na ang bahala sa kasong ito." Itinabi na nito ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at tumingin sa aking mga mata. "Gaya ng ni-request mo, Attorney Christine, we preserved the crime scene even after we investigated."

Ngumiti ako't tumango rin. "Thank you, Sir. Kami na ho ang bahala na mag-ayos ng mga gamit sa loob."

As if on cue, Richard left us four together with his team. Tapos nang mag-imbestiga ang mga pulis at mga detectives kaya kami na lang ang naiwan rito sa loob ng mansyon. Lumabas si Yaya Sising at isinara ang gate. As soon as she made sure that the gate is locked, she went straight to us and asked how we are.

"Ayos lang po kami, Yaya. Kayo po ang dapat tanungin namin niyan. Naiwan pa po kayo rito nang nag-iisa." sabi ko sa kaniya sabay ngiti.

"Nako, ayos lang din ako, Anak Christine. Ligtas na rin daw sa loob ng bahay kaya pumasok na kayo. Ipaghahanda ko kayo ng pagkain."

Bago pa maunang umalis si Yaya Sising ay hinabol ko ulit ito't nagsalita. "Yaya, may kilala po ba kayong pwedeng mag-trabaho bilang security guard dito? 'Yung mapagkakatiwalaan po sana natin."

Hindi na kasi pwedeng maulit ito lalo na't iniisip ko rin ang kaligtasan nina Yaya at Mama kung sakaling sila ang maiwan dito. Mabuti na nga lang at hindi umuwi si Mama dahil kung oo ay baka nadamay pa siya rito. Tinawagan na rin ako ni Mama kanina at kinumusta. Sinabihan ko siya na h'wag nang mag-alala dahil magiging ayos din ang lahat.

Napaisip naman ito nang mga ilang segundo pagkatapos ay ngumiti muli sa akin. "May kakilala naman ako, Anak. Ako na ang bahala, maghintay muna kayo't magluluto lang ako."

Tuluyan na nga itong umalis at naiwan muli kaming apat na nakatayo dito. Napatingin kami kay Jeffrey nang tumikhim ito. "Sorry, but I have to go now to the SBS News Center. Pinatatawag na talaga ako ng boss ko." nakangiwing paalam ni Jeffrey.

Ngumiti at tumango kaming dalawa ni Rina samantalang si Jelsey ay inihatid na si Jeffrey sa labas. "Ihatid na kita." sambit ni Jelsey at nagsimulang maglakad paalis kasama si Jeffrey.

"Shall we start our investigation?" Rina asked as if she was excited.

Ngumiti na rin ako dahil wala naman akong magagawa ngayon. After this, I swear, I'll sleep 'til afternoon tomorrow. "Let's go."

Pagpasok namin ng bahay ay bumungad pa rin sa amin ang gulo-gulong mga gamit. Nakita ko na ito kanina pagkadating ko pero nanghihina pa rin ako kapag iniisip na aayusin pa namin 'to. We have to do this fast. Gusto ko na talagang matulog.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now