Chapter 40

658 22 5
                                    

Atty. Christine Villeza

"Kumain ka na nga, Jelsey. Nasa kusina 'yong niluto ko." sigaw ko sa kaniya mula sa sofa. Kabababa at kagigising pa lang kasi niya mula sa kwarto niya sa second floor. Humikab muna ito bago ako samaan ng tingin.

"Ano bang niluto mo? Pancit canton na naman?" tanong nito at nagpuntang kusina. Hindi ko na lang siya pinansin dahil busy ako sa panonood ng mga video mula sa hidden cameras ni Sandoval. Kung ayaw niya ng niluto ko, edi magluto siya ng kaniya. Marunong naman 'yan eh.

Tatlong araw na rin ang nakalipas noong nag-lasing kaming apat nina Jelsey, Jeffrey, at Rina. Una raw nagising si Jeffrey pero pinabayaan lang nila akong nakahiga sa sahig. Si Yaya Sising naman ay kinontrata nila para hindi ako tulungan. Ang gagaling 'di ba? Pero kinalimutan ko na ang katarantaduhang ginawa nila dahil friends naman kami.

Mga 8:00 am ako nagising ngayon dahil marami pa akong kailangang gawin. Marami-rami na rin ang mga napanood naming mga videos ni Sandoval pero marami pa rin kaming panonoorin ngayon. Kaso gusto ko munang magbasa ng iba pang mga court cases dahil baka may makita pa akong katulad na kaso nito. Tapos pupuntahan din namin si Jayron sa hospital pagkatapos ni Jelsey kumain.

"Jelsey, sasamahan mo naman ako kina Jayron 'di ba?" Lumingon ako sa likod at nakitang kumakain siya ng niluto ko. Napangiti ako dahil mukhang nasasarapan ito kahit inaantok pa. "Hoy."

"Oo na, Christine. Nakain ako. Shut up ka muna d'yan." Nagpatuloy lang ito sa pagkain nang hindi tumitingin sa akin. Natawa na lang ako't bahagyang napailing. Badtrip talaga kausap 'yan 'pag bagong gising.

Siguro aabutin talaga kami ng ilang araw bago pa namin matapos panoorin lahat ng 'to. Kailangan talagang pagpuyatan ang lahat ng 'to para matapos namin bago pa dumating ang huling paglilitis sa korte. Kung tutuusin ay wala pa kaming magagamit na ebidensya laban sa kanila kaya kailangan pa naming pagbutihin at mag-doble trabaho para rito. Nasabihan ko na rin si Rina na ilang linggo na lang ay final trial na ni Sandoval.

Nang matapos na si Jelsey kumain ay nag-ayos na rin kami ng mga sarili namin para sa pag-alis. Nagsuot ako ng plain white tee shirt at yung blazer ko samantalang si Jelsey ay naka-formal attire. Sumakay na agad kami sa kaniya-kaniya naming kotse at nagtawagan na lang sa telepono. "Jelsey, may iba ka pa bang pupuntahan?"

"Huh? Pa'no mo naman nasabi, ha?" Pinaandar na namin ang mga kotse namin.

"Formal attire sa hospital?"

"Ah, yeah. I have to go somewhere else after we go to Sandoval's hospital. Sabay na rin tayo umalis do'n." As usual, nauna na ang kotse nito sa akin dahil sa bilis niya magpatakbo. Hinayaan ko na lang. Ayoko namang makipag-unahan.

"Saan ka naman pupunta?"

"Secret."

"Bawal ba ako sumama d'yan?" Wala rin naman kasi akong pupuntahan pagkatapos kong dumalaw kay Jayron. Ayoko namang mag-stay doon dahil madi-distract lang ako mula sa trabaho ko. Kung trabaho man ang pupuntahan ni Jelsey, malamang ay doon makapag-po-focus ako.

"Bawal."

Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa bilis ng kaniyang pagsagot. "Edi h'wag. Malamang makikipag-date ka."

"Tamang hinala ka na naman, Christine. Naka-formal attire nga ako oh. Paanong makikipag-date?

"Basta h'wag kang magpapahuli sa 'kin na may ka-date ka ah. Aasarin talaga kita maghapon."

"Whatever."

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن