Chapter 38

604 24 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"I told you, she's great." sambit ni Jeffrey habang inihahanay lahat ng hidden cameras na nakuha namin. "I've seen her work before. Naging mag-partners-in-crime rin kami."

Jelsey chuckled while I smirked. "Malakas ang loob mo na magbanggit ng partners-in-crime sa harap ng dalawang abogado, ano?" Hindi ko ito tiningnan habang sinasabi ko 'yon. Busy kasi ako sa panonood ng ibang videos ni Charisse at andoval.

"Hey, hey, I didn't mean that literally. Naging mag-partners lang kami. Walang crime, okay?" Jeffrey rebutted. Natawa si Jelsey na nasa kaniyang tabi.

"Whatever. Just shut up and do what you were doing."

We are here at Sandoval's secret computer room, but I think this is not secret anymore for we already found it. Nagsimula na kaming maglipat ng mga videos papunta sa dala naming hard drive para mapag-aralan at mapanood sa bahay. Kailangan pa namin 'tong imbestigahan dahil baka may makuha pa kaming ibang impormasyon na magagamit din namin sa kaso.

Ako ang nag-ooperate ng mga computer samantalang si Jeffrey at Jelsey ay naglalagay ng label sa mga camera na nakuha namin. Nilalagyan nila ng pangalan kung saan nila nakuha ang mga camera. Hindi naman sila nahirapan dahil tanda naman nila kung saan nila nakuha 'yon. Nang matapos na sila ay tinulungan na rin nila kong mag-copy ng mga videos ni Sandoval.

"Wala ba silang hidden camera sa CR?" inosenteng tanong ko habang nakatingin sa kanila.

Natawa si Jelsey samantalang si Jeffrey naman ay napangisi. "Ba't mo naman natanong ha?"

"Bakit, bawal?"

Natawa ito nang bahagya at tinapik pa ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin at napataas ang kilay. "Wala eh. Nadismaya ka ba?"

Inirapan ko lang ito't hindi na sumagot. Nagtanong lang naman ako, walang meaning 'yon. Duh? As if namang gusto kong makitang nakahubad si Sandoval sa CR.

Eh nakita ko na nga 'yong lahat ng sa kaniya.

Ay! Ano ba 'tong nasa isip ko, aba?

"Patapos ka na ba d'yan sa pinapasa mo? Kanina ka pa d'yan, 'di mo matapos-tapos." tanong ko sa kaniya na ikinangisi naman ni Jeffrey. Hindi pa kasi niya natatapos ipasa lahat ng video samantalang ako'y nakailang palipat-lipat na. Si Jelsey naman ay nanonood na rin ng mga videos ni Sandoval habang nagpapasa.

"Malapit na, Attorney, h'wag ka masyadong mainip."

Inirapan ko ito't itinuon muli ang aking atensyon sa ginagawa ko. "Whatever. Kanina pa kaya tayo rito. Malapit na nga mag-alas-dies oh."

"Oo na. Patapos na nga."

"Christine, come here. Look at this." seryosong sambit ni Jelsey kaya napalapit naman ako agad. Inatras niya ang video at pinanood sa amin ang kaniyang sinasabi. "The camera was located under their bed, placed on the wall. We will only see their feet."

"I love you, Hon." rinig ko ang paghahalikan nilang dalawa kaya bahagyang napakunot ang noo ko.

Ngumisi naman si Jeffrey at napatingin sa akin. "Ano 'to? Bold?" tanong niya pa kay Jelsey.

"Tanga ka ba? Naghalikan lang, bold agad?" sinamaan ni Jelsey si Jeffrey ng tingin kaya bahagya akong natawa. Hindi ko na lang muna sila pinansin dahil natuon ang pansin ko sa aking pinanonood.

Nagpatuloy lang silang naghalikan hanggang sa umakyat na sila ng kama. The camera has a voice recorder so we could still here them even though we can't see them. Umupo silang dalawa sa kama at nagpatuloy sa kanilang ginagawa. Hanggang sa isang malakas na sampal ang aming narinig.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon