Chapter 62

486 16 8
                                    

Atty. Christine Villeza

"No, the police didn't assault me in any way." maikling sagot ni Sandoval at ngumiti.

Nandito na kami ngayon sa waiting room kung saan kami pina-upo muna bago pumunta sa mismong court room. This room was the same as with the room we first use to prepare before Sandoval's arraignment. Pagkatapos namin pumasok kanina dito sa Manila RTC ay naghiwalay kaagad kami ng landas nina Prosecutor Bright at Dark. Nagpunta agad sila sa courtroom kasabay ni Jeffrey, na siya namang kailangan ring maghanda para sa iko-cover niyang trial. Si Rina naman ay nasa restroom muna dahil may kailangan daw siyang tawagan.

Kami ni Jelsey ay pumunta agad sa kwartong ito para salubungin si Sandoval. I looked at him and smiled as well. "Good. Ayokong mamatay ka bago makalaya." I responded.

"Ang ganda niyong dalawa ngayon, Christine, Jelsey." Sandoval complimented. Sumandal ito sa kaniyang kinauupuan at ngumisi. "But where's Rina? I bet she's more beautiful—!"

"Who's more beautiful, eh?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya kaya bigla akong napatanong. "Sinong mas maganda sa'kin?"

His eyebrows furrowed then followed with a nervous chuckle. "W-Wala! Ikaw kaya ang pinakamaganda." Alangan itong tumingin at umiwas pa ng tingin.

Napangiti ako dahil sa reaksyon nito. I wonder how this billionaire became so cute. "Ayan. Mabuti na't malinaw." natatawang tugon ko.

"Nag-text sa'kin si Agustus, Christine." Jelsey butted in. Nasa tabi ko ito ngayon na nakatingin sa akin. "You asked him to buy you cucumbers? Anong gagawin mo do'n?"

"Why? I was craving for cucumbers! Ano pa bang ginagawa sa pipino? Edi kakainin." I instinctively retorted and raised my eyebrows. "May naisip ka pa bang iba?"

She pouted and and rolled her eyes. Hindi na siya sumagot pero si Sandoval ay umepal pa. "Ako meron. May alam akong pwedeng gawin ng babae sa pipino."

I gave him a questioning look and twitched my lips. "Ano? Baka kalibugan na naman 'yan ah!"

He just have me a mischievous grin while Jelsey suddenly chuckled. Nagkatinginan lang sila't nagtawanan. They're so weird. Sila lang nakakaintindi ng sinasabi nila.

Napailing na lang ako ng ulo ko't tumayo na para lumabas. Mainit din naman kasi dito sa loob kaya gusto ko munang magpahangin sa labas. Not really 'outside this RTC' but just outside this room. Hindi sila natigil sa pagtatawanan at bahagya lang nagbulong-bulungan habang naglalakad ako sa labas.

Pagbukas ko ng pinto ay nakarinig agad ako ng isang malakas na sampal at bahagyang paghikbi. I stepped outside and found who the hell are fighting. Nagulat ako sa aking nakita at napatago na lang sa isang pader para hindi nila ako mapansin. "R-Rina—?"

"THAT'S BULLSHIT!" isang malakas na sampal ang muling natanggap ng kausap ni Rina mula sa huli. Nang silipin ko kung sino ito ay mas lalo akong nagulat.

It was Prosecutor Bright for god's sake.

Bakit sila nag-aaway? May koneksyon ba silang dalawa?

Nagsisinungaling din ba si Rina sa'min?

"Rina, calm yourself! You're a well-known model and your reputation is at stake on what you were doing right now—!"

"SHUT THE FUCK UP!" Lalong lumakas ang boses ni Rina at halatang nanginginig na ang kaniyang mga kamay. "Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa'min, Prosecutor Bright. Hindi ka mananalo sa kasong ito at ang reputasyon mo ang masisira!"

"Go and do it, bitch!" Bright said in a hostile manner. Tumawa ito nang malakas na animo'y walang ibang tao na makaririnig sa kanila. Well, ngayon ay ako lang siguro ang nakaririnig dahil tago ang lugar kung saan sila nag-uusap. "Sa mga kaibigan mo siguro wala nang masamang mangyayari 'pag ginawa mo 'yan. Pero ikaw. . . sa tingin mo ligtas ka?"

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang