Chapter 28

611 20 2
                                    

Atty. Christine Villeza

Warning: Strong Language ahead!

"Luh, epal!" Jelsey rolled her eyes and chuckled. Inaasar ko kasi siya na ligawan na si Jeffrey para sa kaniya na talaga. Ayaw niya raw. "Siya ang manligaw, 'no! Hindi ko nga sure kung gusto niya rin ako."

"With that word 'rin', does that mean that you really like him?" I asked. Medyo malapit na rin kami sa parking lot na pinagparadahan namin ng kotse ni Jelsey.

"Not that much, but I somehow do." Ngumiti ito sa akin at bahagyang natawa. "Ikaw ba? Mahal mo na ba ulit si Sandoval?"

Ako naman ang bahagyang natawa sa kaniyang sinabi. "Sa totoo lang, hindi ko sigurado. Minsan oo, minsan hindi."

"O baka hindi mo lang maamin sa sarili mo, Christine." Jelsey seriously said. Tinapik ako nito sa balikat at ngumiti. Nandito na rin kami sa loob ng madilim na parking lot kaya medyo tumahimik na kami.

"Baka nga----!"

"TAAS ANG KAMAY MGA GAGO!" Isang malakas na sigaw ang nakapag-patigil sa amin ni Jelsey sa paglalakad. We both looked at each other with the worries in our eyes. Nang tumingin kami sa likod ay tatlong lalaki na may takip sa mukha ang tinututukan kami ng baril. "Katapusan mo na, Attorney!"

Nangatal lalo ang mga tuhod ko nang itutok nila sa aking sentido ang baril ng isa. "S-S-Sino ba kayo?" Inipon ko na ang lahat ng aking lakas para lang makapagsalita. Dalawang baril ang nakatutok sa'kin samantalang isa naman kay Jelsey.

I think I know them for a little. "Hindi na importante kung sino kami, Attorney. Ang importante ay tanda mo pa ang atraso mo kay Congressman Heubert Marquez!" sigaw ng lalaking nasa harapan ko na siyang tinututukan ako ng baril sa aking dibdib.

"Tarantado ka, lakas ng loob mong ipakulong si Congressman, ha!" sigaw naman ng lalaki sa aking tabi na idiniin pa ang baril sa aking sentido.

Mas humigpit ang hawak ni Jelsey sa aking kamay. "EH PUTANG*NA NIYO PALA, CORRUPT 'YANG CONGRESSMAN NIYO 'DI BA? KAYA IKINULONG!" Nanlaki pa lalo ang aking mata nang duraan ni Jelsey ang isang lalaki sa tabi niya pagkatapos nitong sigawan.

"KINGINA KA, TAHIMIK!" Isang malakas na putok ng baril paitaas ang aming narinig kaya halos napayakap na kami ni Jelsey sa isa't isa. Galit na galit nilang itinutok sa amin ang kanilang mga baril.

"Alam niyo, maganda sana kayo eh. Masyado lang pakialamera." Lalo pang idiniin sa aking sentido ang baril ng aking katabi. "Sayang, mamamatay na ata kayo ngayon."

"Eh kung h'wag kaya muna natin sayangin ang mga ganda niyo?"

"A-Anong ibig niyong sabihin?" takot na takot kong sambit. Hinawakan ng lalaki sa aking tabi ang aking balikat at likod. Ang isa nama'y hinipuan si Jelsey sa kaniyang dibdib. "Mga bastos!"

"May magagawa ba kayo kung gagahasain namin kayo?!" Mabilis na tinanggal nila ang kanilang mga panakip sa mukha. Ang isa'y sinunggaban agad ng halik ang aking leeg kaya isang malakas na sampal ang inabot nito sa akin. Tinutok niya ang kaniyang baril sa aking ulo at ngumisi. Sinimulan ulit nitong dilaan ang aking leeg habang ako'y walang magawa kundi magpaubaya.

Hindi! Dapat may gawin kami! "PUTANG*NA NIYO!" Isang malakas na paghampas sa mukha ang aking nagawa gamit ang sandals ni Jelsey. Tumayo agad ako nang mabilis at tinadyakan ang isang lalaki na nakapatong kay Jelsey.

Kinuha ni Jelsey ang mga damit niya at mabilis na isinuot habang patakbo kami mula sa kanila. Akala ko'y makatatakbo na kami nang tuluyan, kaso hindi pa pala. "Fvck!" Jelsey suddenly shouted while clutching her arms.

"W-What happened?!"

"Ahh!" Hindi nito nasagot ang aking tanong at ipinakita lang sa akin ang nagdudugo niyang balikat. Isang malakas na putok ng baril na naman ang aming narinig kaya napatigil na kami sa pagtakbo.

"MAMAMATAY NA KAYO!"

What will we gonna do?

Is this the end? Mariing napapikit ang aking mga mata nang mapansing kakalabitin na nila ang gatilyo.

We'll be dead.

Ang unang pumasok sa aking isipan ay ang aking pamilya. What will happen to them if I will be dead? Paano sila mabubuhay nang wala ako? Hindi ko pa naman pinaghahandaang mawala sa mundong 'to eh.

But then, I also thought of Sandoval protecting me with all his heart. Yung mga panahong binibigyan niya ako ng jacket 'pag naulan, yung oras na isinangga niya ang kaniyang sarili sa talsik ng putik, yung panahon na palagi niya akong inaalagaan.

I wish that he'll be here to save me again. I wish that he'll be here to hug me again. I wish that he'll be here to kiss and protect me again.

I wish that Sandoval will be here again.

"HEY, MOTHERFVCKERS!" another manly voice was heard while we were closing our eyes. Biglang napamulat ang aking mga mata nang mawala ang mga baril na nakatutok sa amin. The next thing I knew, the goons were now fighting with a man.

His towering figure can still be seen even if the place was dark. I can see his white suit swinging around while he was giving them a flying kick. I can see all the splattered blood from their faces all over that man's clothes. Kahit madilim ay kita ko ang kagwapuhan ng isang 'to. "W-Why are y-you doing here?" I muttered in the void.

Napatakbo kami ni Jelsey sa isang kotse na malayo sa kanila. Bahagyang nanikip ang aking paghinga habang nakatingin sa nagaganap na bugbugan. Jelsey and I were panting while we were hiding. Bahagya akong nahilo pero nagawa ko pa namang tumayo at tingnan ang mga nangyayari.

Malalakas na mga suntok at sipa ang tumalo sa mga muntik nang pumatay sa amin. Bumagsak lang sila sa lupa at tila sakit na sakit sa mga natamo nila. Sinipa naman ng lalaking nagtanggol sa amin ang mga baril palayo sa mga 'yon. "The police are coming, I already called them." malamig na sambit ng nasa likod namin ni Jelsey.

Mabilis kaming napaharap samantalang si Jelsey naman ay nasampal pa ang lalaki. He was wearing an all black suit while coldly staring at us. When our visions started to adjust, tsaka lang namin nakilala ang isang 'to. "Prosecutor Dark Alvarez?" Jelsey asked while hardly grasping her arms.

She's bleeding!

"Sampal ba ang paraan ng pagpapasalamat niyo?" Napatingin ito sa balikat ni Jelsey at tsaka ito binigyan ng panyo. "Tie that."

Hindi ko na napansin ang mga susunod nitong sinabi dahil narinig kong paparating na ang mga pulis sa aming kinatatayuan. Lalong nanginig ang aking mga tuhod nang makitang pinoposasan na ang mga lalaking nanakit sa amin. My knees almost gave up, but a man caught me before hitting the ground. "W-Who the f-fvck are you?"

Pinilit kong imulat ang mga mata ko para makilala ko ito. Una kong nakita ang puti niyang suit. Sunod ang kaniyang mukha at ang magaganda nitong mga mata. Inilapit nito ang kaniyang gwapong mukha at---- WAIT FVCK!

"PROSECUTOR B-BRIGHT?!"

Bigla ko itong naitulak kaya tuluyan na ngang tumama ang pwet ko sa sahig.

Gago, ang sakit!

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now