Mas hinigpitan ko ang hawak ko kay Claire ng maramdaman kong nasa tabi ko na siya. Note! Kahit anong mangyari humawak ka lang kay Claire.


"Claire...."


"Yes Chief?"


"Ako muna hahawak kay Winter. Pwede ba?" kaya humarap naman ako kay Claire. Tinignan ko siya like wag-kang-papayag.


"Sure Chief. Sorry Winter, ayaw kong maparusahan." T*ng*na.


Tinulak na ako ni Claire pero hindi parin ako bumitaw. Mas hinigpitan ko pa kapit ko kay Claire kaya nahirapan siyang itulak ako.


"No you can't." kaya tumawa naman sila.


"Oh? Sila Alexis at si Samantha oh." sabay turo sa likod ko kaya wala sa sarili akong napabitaw kay Claire.


"It's a prank!" sigaw ni Claire sabay tulak sakin papunta kay Chief. P*t*ng*na, naisahan nila ako.


"Thanks Claire."


"Take your time Chief. No problem."


"Hoy Claire! Hintayin mo ako!"


"And where do you think your going?" nakangising tanong niya. Nakahawak siya sa braso ko ngayon. Letche!


"Kay Claire bakit?"


"At sa tingin mo ba palalampasin ko yung ginawa mo kanina?" sabay hila sakin papalapit sa kaniya. Bwisit!


Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.


"And the punishment of that violation by tricking me is to stay by my side everywhere and anytime. You will allow me to hold you anytime and anywhere." hawak niya ngayon ang bewang ko kaya hindi ako makagalaw. Aba! Ang bigat naman ata ng parusa niya.


Magsasalita sana ako dahil sa parusang binigay niya pero nilagay niya ang index finger niya sa lips ko para patahimikin ako. Masyadong mabigat!


"You're not allowed to protest and your also not allowed to avoid it. Bawal mo ring iwasan yung ayaw mong gawin, walang reklamo walang aangal. Kung isa diyan ay di mo sinunod madadagdagan talaga ang parusa mo. The punishment is only for 5 days and it's already settled by Kairon Hunter Castro. Ranger's Leader and also the Chief, Period." kaya napalunok naman ako sa sinabi niya.


Mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko kaya wala akong choice kung di ang tumango. Nakita ko naman siyang ngumiti tsaka binitawan ang bewang ko.


Lumayo ako sa kaniya dahil sobrang lapit namin. Kami na lang rin ang nandito siguro nauna na sila doon sa Gym.


Iniwan ko na lang siya doon at papasok na sana sa loob ng biglang may umakbay sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero binigyan niya lang ako ng ngisi.


Wala akong laban eh. Punishment ko to. Kung alam ko lang na ganun pala kabigat ang binibigay niyang parusa ay sana di ko na lang ginawa. Letse!


Pagpasok namin sa loob ay busy sila sa pakikinig kay Ms. Flores kaya walang nakapansin samin except sa Rangers na ang lawak ng ngiti.


Hinayaan ko na lang ang nanunuksong tingin ni Claire at nakinig na rin kay Ms. Flores. May sinasabi kasi siya about sa magiging klase namin.


Pag oras na pala ng Adviser niyo ay dalawang oras sila sa inyo tapos every Friday ay may tinatawag na Adviser's time buong araw namin siyang makakasama.


MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressWhere stories live. Discover now