Simpleng egg sandwich at corndog lang ang niluto ni Andy kanina pero ang lasa non ay parang 'yung mga nasa restaurant. Kapag dito ka sa bahay kumain para ka na ring kumain sa five-star resto dahil sa galing magluto ni Andy.


Nang maihain ko na ang pagkain ng mga bata ay mga tuwang-tuwa ito habang patuloy pa rin naglalaro. Binigyan ko sila ng fresh strawberry shake at nagustuhan rin naman nila.


Hindi na bago na ipagmalaki ni Faye ang luto ng Papa niya kaya sa tuwing naririnig ko na kinukwento nya sa mga kaibigan nya  kung gaano kasarap magluto ang Papa niya ang natatawa na lang ako. Sobrang inosente pa niya at ayaw kong mabahiran ng maduming nakaraan ang magandang pagtingin niya sa mundo.


Gusto ko na ngang sundan sa kwarto si Andy pero walang magbabantay sa mga bata, mahirap na baka lumabas sila ng bakuran at maglaro sa kalsada. Nasa bahay ko ang mga bata at responsibilidad ko sila, pananagutan ko ang kung ano mang mangyayari sa kanila.


Nakaupo lang ako sa hammock sa terrace at pinapanood ko ang mga bata na naglalaro. Sobrang saya nila lalo na si Faye na humahagikgik pa at hindi mawala ang ngiti.


Napangiti ako nang kumaway siya sa akin at nag-flying kiss pa. Napatawa rin ang ng mahina dahil ginaya sya ng mga kalaro niya at kumaway rin sa akin.


"Dahan-dahan lang! 'Wag takbo ng takbo at baka madapa kayo!" Sigaw ko dahil naghahabulan sila habang hawak ang kani-kaniya nilang mga laruan.


Siguro kung nabubuhay si Fionna ay kasing likot at kasing talino rin sya ni Faye. Baka puno na ng laruan ang buong bahay kung nagkataon. Ano kaya ang pakiramdam na mapanood ko ang kambal ko na naglalaro at naghahabulan? Ang saya-saya siguro...


Ang sarap siguro sa pakiramdam na dalawang magkaparehong pares ng damit ang bibilhin ko tapos pareho kong ipapasuot sa kanilang dalawa. Mas nakakawala ng pagod siguro kung makikita kong dalawa silang sasalubong sa akin sa tuwing galing ako sa trabaho. Sobrang saya siguro ni Faye kung masama nyang naglalaro ngayon ang kakambal nya...


"Fana, hindi naman ako nagalit, bakit ka umiiyak?" Naupo siya sa tabi ko, maluwag naman itong hammock at kasya pa nga kung uupo kasama si Fionna at Faye.


"Hindi ko naman sinabing galit ka ah." Pabalang na sagot ko. Mahina siyang natawa at pinunasan ang mga luha na hindi ko na namalayan kaninang pumapatak na pala.


"Si Fionna ba?" Tumango ako at sumandal sa dibdib niya. "Sigurado ako na kung nasaan man si Fionna, masaya na sya ngayon. Malay mo mas marami palang kalaro ang baby natin doon." Alam kong pinapagaan lang nya ang pakiramdam ko kaya tumatawa siya pero alam ko rin na maging siya ay nalulungkot rin na wala na si Fionna.


"Kung nandito si Fionna hindi na kita mayayakap sa gabi." Sabi pa niya at nakatitig kay Faye habang naglalaro.


"Bakit naman?" Walang kaide-ideyang tanong ko.


"Eh paano naman kaya, kung si Faye pa lang nahihirapan na akong sumingit paano pa kung dalawa sila?" Tumawa siya at maging ako ay natawa rin dahil totoo naman ang sinasabi niya. Oo nga't matutulog kaming magkatabi ni Andy at si Faye ay doon sa sarili nyang kama pero tuwing kalagitnaan ng gabi ay magigising si Faye at papagitna sa amin ni Andy.


Nakayakap si Andy sa'kin tuwing matutulog kami kaya s tuwing gigitna si Faye sa akin ay wala na syang magagawa kung hindi ang yakapin ang unan o hindi naman kaya ay hihintayin nyang makatulog si Faye at iuusog nya para makalipat sya ng pwesto sa kabilang gilid ko para makayap rin sya.


"Mas gugustuhin ko naman na nandito silang dalawa, bahala ka sa buhay mo kung paano ka sisingit basta ba dalawa silang yayakap sa'kin kahit sa sofa ka na matulog okay lang." Pagbibiro ko.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now