Pagkatapos niyang kumain ay itinabi na namin ang aming pinagkainan para itapon mamaya. Disposable tupperware lang naman ito kaya hindi ako nanghihinayang. Nag-stay lang ako sa loob at nakipagtitigan kay Sandoval. "Hindi ka pa ba aalis?" tanong ni Sandoval habang nakasalumbaba sa lamesa.

"Gusto mo na bang umalis ako?" nakangising tanong ko kay Sandoval. Agad naman siyang umiling at sumandal sa upuan niya. "Ayaw mo naman pala eh."

"Baka kasi mabagot ka rito." Sandoval said in a concerned tone. "You know, there's no TV here nor radio. Kailangan mo pang makiusap sa labas para lang makanood ka."

I chuckled after I heard what he has said. "Ba't naman ako mababagot eh nakikita naman kita." I said as if it was a pickup line.

Napatitig sa akin si Sandoval kasabay ng pamumula ng kaniyang tainga. Bahagya itong natawa sabay lingon sa likod para mag-muni-muni kuno. "Ulol." 'Yon na lang ang nasambit niya na muntik pang mautal.

"Kinilig ka ba?" inosenteng tanong ko. Tumingin lang siya sa akin nang nakakunot ang noo. "Oh?"

"Pinapakilig mo ba ako?" tangkang tanong nito habang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay ako naman ang namula ang mukha dahil sa lalim ng pagkakatitig niya.

"Kinilig ka naman agad." I retorted and smirked. Ngumisi lang din siya't komportableng sumandal sa upuan niya. "Para kang teenager."

Natawa na lang kaming dalawa habang nakatitig sa kawalan.

ILANG ORAS DIN ang lumipas at nagkwentuhan pa kami sa kung anong nangyari sa amin nitong mga nakalipas na araw. Nabanggit ko rin ang nangyaring nakawan noong isang araw pati na rin ang mga plano namin sa kaso niya.

"Oo nga pala, Sandoval. We've already prepared the pieces of evidence that we might use to defend you. As well as the countermeasures to invalidate all the prosecutors arguments to provide reasonable doubt." I updated him and smiled.

Napatingin ito sa akin at ngumiti. "Thank you, Christine."

I smiled and chuckled. "Well, this wouldn't be hard for the both of us kung hindi lang sana nag-glitch ang mga footages ng hidden cameras sa oras ng krimen. You know, we might have seen the evidence already if that didn't happen."

"That's weird." he commented. "Grabeng coincidence naman 'yon."

I nodded to agree. "Yeah. May iba pa bang nakakaalam ng access sa hidden computer room niyo?"

Sandoval shook his head and smiled. "Bukod sa amin ni Charisse, wala na. Kahit kay John ay hindi namin sinabi ang tungkol sa mga hidden cameras na 'yon pati yung hidden computer room."

Naningkit ang aking mga mata nang mabanggit niya ang pangalan ni Charisse. Nang mag-kwentuhan kami kanina ay hindi ko nabanggit sa kaniya ang pag-uusap namin ni Charisse sa hospital. Pero kahit na gano'n, sigurado naman akong alam niyang gising na ang fiancé niya dahil sinabi ko sa kaniya 'yon noong araw na ring iyon.

"Speaking of Charisse, did you already talk to her?" I asked casually.

He shook his head and smiled.

"Ako, oo. Nakausap ko na siya."

His eyes turned into slits and looked at me as if he's reading my mind. "Did you meet her that day?" he asked.

I nodded. "I asked her to testify against the prosecution. She even said that you're innocent."

Napaisip si Sandoval sa aking sinabi. "So she knew. Yet, she reclined your request to be the defense's witness?"

Dahan-dahan akong napatango dahil sa talas ng pag-iisip ni Sandoval. Well, I bet that he'll know it because if Charisse approved my request on the first place, we wouldn't be talking about the investigation right now. Kaso hindi pumayag si Charisse, kaya kailangan pa rin naming humanap ng ibang paraan para mapawalang-sala si Sandoval.

"And guess what?" Nakuha ko ang atensyon ni Sandoval mula sa pag-iisip nito nang malalim sa kawalan. "We also fought over you."

Nginitian ako nito't umayos ng kaniyang pagkakaupo. "Well, that was reasonable since you're my attorney and she's a possible testifier—!"

"No, not about the case." I halted him which made him looked at me straight. "Nabanggit ko sa kaniya ang relasyon na meron tayo ngayon."

Bahagya naming nahigit ang aming mga hininga dahil sa aking sinabi. This is an awkward situation though. Kahit hindi pa sila kasal ni Charisse ay parang may kasalanan pa rin kami sa batas. . . na nangabit si Sandoval at ako ang kabit. But since they weren't married, they can't take this in legal terms.

Kaso syempre, nako-konsensya pa rin ako bilang babae. Charisse has all the rights to be angry, though. May relasyon at ugnayan pa rin silang dalawa ni Sandoval pero ito kami ngayon, nag-iisip kung anong susunod na mangyayari sa amin.

"W-What did she say?" Sandoval asked. He started tapping the table as it is his way of meditating.

Hinayaan ko na lang siya't sinagot ang tanong niya. "She refused to testify because I argued that you were mine." I replied with courage and braveness. Inilapag ko ang kamay ko sa lamesa dahil bahagya na itong nanginginig sa ibabaw hita ko.

Sandoval looked at my hand and held it. Napatingin ako sa kaniyang kamay hanggang sa makita ko ang nag-aalala niyang mga mata. "Ipaglalaban kita, Christine."

Napailing ako nang maalala ko na naman ang ginawa ko, na nakapagpapa-guilty sa akin ngayon.

"Pero fiancé mo pa rin siya, Sandoval. Kahit anong gawin natin, ako pa rin ang third party!" Pinilit kong kumalma at unti-unti ko namang nagagawa kasabay ng pagpapakalma sa akin ni Sandoval.

"H-Hindi ko siya minahal gaya ng pagmamahal ko sayo, Christine." Sandoval said firmly. "That was an arranged marriage just to pay my debt. Pinakisamahan ko naman siya pero wala talaga eh. I only love her as a housemate, partner in business, partner in goal! I never thought of having an intimate relationship with her because I'm always thinking about you. About us!"

Nahigit ko ang kamay ko mula sa kaniya at ipinatong na lang ulit sa hita ko. I know I was trembling, but it doesn't really matter anyway. The damage has been done and Charisse will not be testifying anymore. "I felt guilty for what I've done."

Napakunot ang noo ni Sandoval. "Guilty that we have this relationship, Christine?"

"No." I shortly said. "I love this relationship. I love you! I just felt guilty na ipinamukha ko pa sa kaniyang hindi mo maibabalik ang klase ng pagmamahal na binigay niya sayo. . . at pinakisamahan mo siya para na rin mabayaran ang mga utang mo."

Sandoval stood up and brought his chair beside me, then sat here and hugged me. I tried to keep my cool and with the straight face that I have.

"I'll fix everything, Christine. I'll talk to her soon and even if I'm convicted or not, I'll get her treated to a psychologist and a psychiatrist for the better. I'll talk to his other half-brother to stop the arranged marriage and just pay my debt in cash. I'll get everything fixed, Christine. For us. . ."

I glanced at him with my teary eyes. Kahit kailan na lang talaga ay napaka-iyakin ko pagdating sa pag-ibig. "P-Promise?"

He smiled at me as if I was a child asking for a candy next time. Niyakap ako nito't hinaplos ang aking likod. I felt his warm hug and it was kinda soothing me. At this moment in time, I'm sure that he'll do everything what he has said and this whole mess will be fixed. Maaayos ang relasyon naming lahat at wala nang damdamin at pusong aasa sa wala at isang pusong aasa kung mayroon pa ba.

Napangiti ako kasabay ng pag-asa na maaayos rin ang lahat ng ito. Na wala ng inakusahan, wala ng paglilitis, wala ng arranged marriage, wala ng problemang iisipin. Sana ay maging maayos na ang lahat ng ito. Maaayos rin namin ito nang magkasama.

"Pinky promise." Sandoval muttered and hugged me tighter.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon