Pinatay ko na agad ang tawag at nag-pokus na lang sa pagmamaneho. Wala na rin naman akong sasabihin dahil malapit na rin kami sa bahay nina Sandoval. Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na rin kami dito sa bahay nila kaya bumaba na agad ako ng kotse. Alam kong nandito na rin siya, nakapark na rin kasi 'yung kotse niya rito.

"Good morning, Atty. Christine." Doc Ivan Garcia greeted. Ngumiti ako rito't sinamahan ako papunta sa kwarto ni Jayron. Lauraine, sister of Anthony, also welcomed me with a hug. Si Tita Cheska naman daw ay nasa kusina't naghahanda ng makakain namin. Nahiya tuloy ako. "Kumusta naman kayo, Attorney?"

"Okay naman, doc. Medyo busy lang dahil malapit na ang huling paglilitis sa kaso ni Anthony." Ngumiti ako rito't bahagyang tumungo. 'Anthony' talaga ang ginamit kong pangalan ni Sandoval dahil baka ma-misinterpret ni Doc. You know, there are 2 Sandovals here now.

Nang nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto ni Jayron ay pinagbuksan ako ni Doc Ivan ng pinto. Pumasok agad kaming dalawa at nakitang masayang nakain si Jayron ng mansanas. Si Jelsey naman ay nakikipag-kwentuhan kay Mama. Ngumiti ako kay Jayron at dali-dali siyang niyakap. "Aba, guma-gwapo ang kapatid ko ah?"

Natawa ito't huminga ng malalim. "Dati pa akong gwapo, Ate."

"Makulit ka pa rin talaga, Jayron." natatawa kong sambit habang hinahaplos ang noo niya. "Kumusta na ang lagay mo?"

"Ayos naman po, Ate. Tumitibok pa naman ang puso." Bahagya itong ngumiti pero nawala rin 'di kalaunan. "Pero, Ate, congrats po ah! Panalo na naman kayo sa trial niyo kanina."

Ngumiti ako ng mapait at napatingin kina Mama at Jelsey. Kahit anong treatment siguro ang ibigay kay Jayron ay maaalala at maaalala niya pa rin ang mga nangyari bago siya mabagok noong lindol. Pilit akong ngumiti at hinalikan ang kaniyang noo. "Salamat, Jayron."

"Ate, nakapag-I love you na po ba ako sayo?"

°°°

Kanina'y pinakain na kami ni Tita Cheska ng niluto niyang adobo't dinuguan na dinala niya sa kwarto. Naglaway pa nga ako sa sarap ng amoy ng mga niluto niya kaya kumain na kami agad nang magkakasalo. Nagkwentuhan din kaming lahat ng mga bagay na ginagawa namin lately. Marami kaming napagkwentuhan kaya medyo hapon na ako nakaalis doon.

Kaya ito ako ngayon, alas-kwatro ng hapon, nasa isang café restaurant malapit sa Starbucks kung saan kami nag-meeting kasama si Rina. Iniwan ko na lang muna sa bahay ang kotse ko kasama si Jelsey, tapos nagsakay papunta rito. Balak ko rin kasi mamayang maglakad pauwi para naman ma-exercise ang katawan ko.

Lately kasi, palagi na lang kaming nakaupo habang pinapanood ang mga videos ni Sandoval. Balak ko sanang bumili ng mga gym equipments kaso hindi ko naman alam kung paano dahil wala naman ako masyadong alam tungkol doon. Nakakahiya namang magtanong kay Agustus, 'yung bodyguard na binigay sa amin ni Sandoval.

I was just alone here, sitting beside a window, while sipping a cup of tea. The ambiance of the resto made me feel warm. Though, mainit na sa labas talaga, iba naman ang feeling dito dahil sa amoy ng binurong kape.

Kaso hindi katulad ng mga nababasa natin sa libro, hindi naman maganda ang tanawin sa labas. Maulan at traffic sa labas, puro tunog ng mga kotseng atat makalabas. Inialis ko na lang ang tingin ko doon dahil naaalibadbaran ako sa tanawin. Kaso agad din akong nagsisi nang may makita akong mas hindi magandang tanawin.

Isang matangkad na lalaki, naka-puting polo at puting shorts. "Oh, nandito na pala si San Pedro. Susunduin mo na ba ako?" sambit ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Humigop na lang ako ng tsaa at inilapag sa lamesa ang walang lamang baso.

Umupo ito sa upuan sa harap ko at ngumisi. "What a lame joke." he scoffed. "Wala na bang iba?"

"Ikaw? Wala ka na bang ibang color scheme? Kung maka-all white attire ka akala mo ay araw-araw susunduin papuntang langit." Umirap ako't tumingin sa kaniya. "Ano bang trip mo sakin, Prosecutor Bright?"

Ngumiti ito't inilapag sa lamesa ang mga braso niya. Napansin kong suot nito ang palagi niyang gamit na Rolex watch. Naalala ko tuloy 'yung oras na nakita namin siya sa likod ng SM, nakikipag-usap kay Noel Serafica. Hindi dapat niya malaman na nakita namin silang magkasama. Baka mamaya ay may malaman pa kaming ugnayan nilang dalawa.

"Wala naman. Nakita lang kitang mag-isa kaya sinamahan kita."

Napairap ako sa kaniyang sinabi. "Ano ako, bata para kailangan pang samahan? Hindi mo ako mau-ulol, Bright. Anong meron at bakit ka nandito?"

"Wala nga, makulit ka." Um-order muna ito sa lumapit sa aming waiter at muling humarap sa akin. "Anong gusto mong sabihin ko? Na gusto kitang makita?"

Napasinghap ako ng hangin dahil sa kayabangan ng isang 'to. "Kapal naman ng mukha mo." kalmado kong sambit habang nakatingin sa labas. Sumandal ako sa aking upuan at huminga ng malalim. Malas talaga't nagkatagpo pa kami nito.

"For you."

Tumingin ako sa kaniya nang may ilapag ito sa lamesa. Tatlong pulang rosas ang aking nakita na ibinigay niya sa akin. Napakunot ang aking noo't tinitigan siya. "Para saan 'yan, aber?"

Tinitigan ako nito't bahagyang umigting ang panga. Dahan-dahan itong lumunok at napakagat pa sa kaniyang labi pagkaiwas ng tingin sa akin. "W-Wala naman. Para kang tanga eh." mabilis na sambit nito kasabay ng pagpula ng kaniyang mukha.

Ang lakas ng trip ng isang 'to.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon