Chapter 4 To Sir, Goodbye

663 12 0
                                    

"My life has been such a whirlwind since I saw you. I've been running 'round in circles in my mind."
              - REO Speedwagon

Pagdating ko sa bahay, dali-dali akong dumerecho sa kwarto ko. Buti na lang nasa office pa si Ate. At abala naman mga magulang ko sa kusina. Mayroong quiet time ako to think and reinforce myself. Mali itong nararamdaman ko. Unang-una, he's years older than me. Secondly, professor ko siya, estudyante pa lang ako. And most importantly hindi dapat majeopardize pag-aaral ko. Hayun lang ang wish ng pamilya ko para sa akin.

Bigla akong natawa. Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko? Tinignan lang niya ko, eh malayo ng tinakbo ng imagination ko, as if nanligaw na siya sa akin. Hindi natin alam mamaya nakikipag-flirt lang siya tulad ng eksena nila ni campus queen. Sino ba naman ako kumpara sa kanya?

That night, nakapagdecide na ako. Idadrop ko ng Polsci at sa 2nd sem ko na lang siya uli kukunin. Better safe than sorry. Iexplain ko na lang sa mga friends ko ang reason ko, but of course, not the truth, na masyado akong naapektuhan ni Wilber. Patay ako sa kantyaw lalo na kay Louise pag sinabi ko. I have almost 48 hours para makapag-isip ng valid reason.

Thursday, 8:30 pa lang nasa Registrar na ako. Kinausap ko si Leo, ang boyfriend ni Gabbie,  para mapabilis ang pagdrop ko sa Polsci. Inabot din kami ng 20 minutes. Noong inabot ni Leo sa akin ang officially signed dropout form ko, ni-remind niya ako na yung isang copy ibibigay sa professor. "Alam na ba nina Gabbie na nagdrop ka?"

"Ngayon pa lang. Andito na ba sila?" Ginawa ko muna ang pagdrop bago ko sasabihin sa kanila sa ganoon wala na silang magagawa para mapigilan ako.

Kumpleto na sila. Good. Isang bagsakan na lang sa pag explain.

"Friend, paano ng mga assignments namin?" Siyempre yan talaga ang main concern ni Geri.

"So, ano'ng suggestion niyo? Out na yong mag attend ako ng class. Dropped out na ako." Binato ko sa kanila ang problema. At kay Leih binilin ko ang Dropped Out form ko, "Friend, pakibigay mo na lang kay Wilber. Bahala ka na. Thanks!"

"Parang mas mabigat ang problema ko ah. Paano kung ako mapagbuntunan nung terorista na yon?" protesta niya.

"I don't think so. Wala na siyang magagawa. Good luck na lang!"

"Wala pa tayong plan of action para sa assignments," remind ni Gabbie.

"Alam na ba sa inyo na nagdrop ka na?" tanong ni Louise.

"Oh no! Hindi ko pa pala nasabi. Magdaramdam mga yon lalo na ang nanay. Sasabihin na naman niya na nag-aksaya ko ng pera sa wala." malungkot kong sambit. (Ang selfish ko naman at hindi ko sila naisip bago ako nagdesisyon).

"Hindi naman sa pinepressure ka namin, ano ng plano mo?" hindi daw ako pinepressure, very pushy lang si Cheska.

"Okay, okay! Papasok pa din ako. Yong assignment niyo sa morning, iuuwi ko para sa bahay ko na gagawin. Yung para sa afternoon, yun ang gagawin ko sa umaga. Pumili tayo ng shed na tago para walang makakita sa akin."

"So for now, antayin ko kayo dito para maiuwi kong assignments niyo. O, Leih, ikaw ng bahala diyan sa form ko."

Mag-iinat sana ako pero nahuli na kaagad ng mga mata ko si Wilber, nilalock ang kotse niya. Hindi ako safe sa shed na ito. Kaya habang nasa klase ang mga kaibigan ko, naghanap na ako ng tagong shed. Ang nakita ko ay sa likod ng ecumenical chapel. Nag-iisa lang ang shed na yon.

Bumalik ako sa dating shed para hintayin ang mga friends ko at maituro ko na sa kanila ang bagong hang out namin. Pagkaupo ko, dumating si Wilber. Nagtataka ako saan siya nanggaling at hindi ko man lang napansin. "Ms Labrador, bakit?"

"Sir, if you mean sa kung bakit ako nagdrop out, kailangan ko lang ang maraming free time to relax kasi next school year, magiging tedious ng time namin. If that is any of your business, sir?" ang matapang kong pahayag.

"Relaxing time ba talaga ang reason mo at hindi ako?" pabulong niyang sinabi.

Nanlaki mga mata ko. Ang arogante naman nito. "At bakit naman kayo ang magiging dahilan, sir, eh one day ko pa lang kayo naging prof?"

"Don't deny it. You can feel it, too. I know. I can see it in your eyes.  Something is binding us together. Something na kinakapa pa nating dalawa."

"What are you saying, sir? Huwag kayong assuming or shall we say delusional?" habang sinasabi ko yon parang umiikot ng mundo ko at kami lang ang nasa gitna nito. No, no, no. Hindi pwede.

"Am I? You're lying or you are denying yourself." ginigiit pa rin niya ang kanyang ideya.

"I don't know what you're saying, sir. I'd better leave. Naghihintay na rin ang mga estudyante niyo."

"Alright, I'll give you time. Sooner or later you have to face that our fate are intertwined." sabay alis.

Confused na ako. Bakit nangyayari ito? Sa mga sinabi niya parang sinasabi niyang may gusto siya sa akin. This can't be true.

Inayos kong sarili ko ng makita ko ang parating na si Leih. "Bakit ang aga mo?"

"You wouldn't believe it, noong inabot ko yung form kay sir, pagkabasa niya, lumabas siya ng kwarto. Siguro mga 15-20 minutes din siyang nawala. Pagbalik niya nakakunot ang ulo. Dinismiss na kami. Kaya eto, andito na ako. Weird, di ba?"

Sa isip-isip ko, mas weird kasi yung 15-20 minutes niya ay ako ang kausap niya. Ako ang pinagkaabalahan niya. "Hayaan muna siya. Oo nga pala, nakakita na ako ng shed natin."

"Good, good!" ang tanging nasabi ni Leih sa akin na para bang may bumabagabag sa kanya. Nang bigla niya akong tanungin, "Friend, hindi ba dito nanggaling si sir?"

Parang nagtaasan mga tutsang ko sa ulo. "Bakit naman siya magagawi dito?" paiwas kong sagot.

"Just a hunch! Hindi mo tinatago sa amin yan, friend, ha?" pangungulit pa niya.

"Hay ewan ko sa iyo," at sabay tawa.

Natigil na lang ang diskusyon namin ng nagdatingan na ang iba.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now