Chapter 11 What's In A Kiss

515 8 0
                                    

"All I want is to hold you forever.  All I need is you more every day."
                      - Jim Brickman

Pagkatapos makapagbihis si Will, nagsipasok ng mga matutulog sa kwarto niya. Yung tatlo sa kabilang kwarto nakatulog na.

Nagkwentuhan pa kami nina Louise. Inantay nila kong matapos makapag-shower. Nang matuyo ng buhok ko, natulog na din sila. Nagpaalam ako na pupuntahan ko lang si Will kung kumportable saka baka hindi nga matulog sa pagrereview.

Nakita ko si Wilber, nakatungo at nagsusulat. Hindi niya namalayan ang pagdating ko. "Sweetheart, okay ka lang?" malumanay kong tanong.

"Halika, umupo ka dito sa tabi ko!" yaya niya sa akin.

"Hindi ba ako magiging istorbo?" tanong ko.

"Never kang magiging istorbo. Remember, pinilit kong dito kayo magstudy group kasi gusto kitang makasama," palambing niyang sabi sa akin.

"Gusto mo bang ikuha muna kita ng gatas?"

"Mamaya ng gatas. Dito ka na sa tabi ko. i miss you already!" Namula na naman ako at siyempre kinilig.

Umupo ako sa tabi niya at sinandal kong ulo ko sa kaliwang balikat niya, "Hanggang anong oras ka?"

"Hindi ko pa alam.  Panay narratives kasi ang exams namin. Do you want to go to sleep? Pwede mo na akong iwan," himok niya sa akin sabay akbay, kaya sa balikat na niya nakasandal ang ulo ko.

May kakaibang kasiyahan akong naramdaman. Ayoko ng umalis doon. Gusto ko na lang doon forever. "Maaari bang dito lang muna ako?" malambing kong nirequest.

"Masaya kong andito ka. Nag-enjoy ba sila?'
he's making conversations.

"Mas marami pa nga ang pagloloko kaysa mag-aral," tumawa ako. Nang bigla kaming nagkatinginan, nginitian ko siya saka binalik kong ulo ko sa dibdib niya.

"Alam mong mahal na mahal kita, di ba sweetheart? Wala akong gagawin na ikagagalit mo. Pangako yan sa iyo," seryosong sabi niya saka niya hinawakan ang bumbunan ko.

"I know. I trust you, sir!" nadulas na sabi ko.

"Really, sir, kahit dalawa na lang tayo?" umaarte siyang na-offend.

"Sorry, force of habit," sabi ko lang yun. Gusto ko kasi siyang mapikon.

"Matulog ka na! Ayokong mapuyat ka. Maaga pa kayo bukas."

"Hindi ako makakatulog habang hindi ka natutulog. Ayoko ding mapuyat ka."

"Gusto mong matulog dito sa tabi ko habang nag aaral ako. Ilalatag ko etong sofa para magkasya tayo."

"Sige pero pag nakatulog ako. Gusto ko, matulog ka na din,." Tumango siya. "Promise?"

"Scout's honor!" ang sagot niya. Nilatag niya ang sofa at nilagay ang mga unan sa ulunan.

Noong una, nasa dibdib pa niya ako pero hindi ko namalayan, naka-stretch na ako sa sofa. "Sleep tight, sweetheart!" bulong niya sa akin. Akala niya hindi ko naramdamang dumampi ang labi niya sa noo ko.

Nagising ako ng past midnight, nakatulog na rin si Wilber sa tabi ko. Ang mga bisig niya nakayakap sa akin. Sinandal kong likod ko sa dibdib niya at panatag akong natulog na uli. Masarap matulog dahil nararamdaman ko yung warmth ng katawan niya at hininga niya na tumatagos sa batok ko na naka- expose.

Nauna kaming nagising ni Wilber kaya nagtulong kami sa paghanda ng breakfast na bread, sinangag, bacon, hotdog, ham, pancakes at juice. Hindi namin pinag usapan ang naging sleeping position namin. I acted normal. Ganun din siya para siguro hindi ako ma-awkward.

Pag gising ng anim, sabay-sabay na kaming kumain. Nang maligpit ng mesa, nagsipaligo ng lahat. Wala ng nagswimming para derecho ng mag-aral.

Pagdating ng 3:00, nagsipaghanda na ang lahat para umuwi. Kinausap ako ni Wilber sa harap ng grupo  kung maaari akong mag-stay hanggang 5,:00. Hindi pa ako nakapag-decide, sumagot ng anim.

"Of course, sir. Alam naman namin na nawalan kayo ng privacy."

Ngumiti lang ng pasasalamat si Wilber sa kanila. Pinasakay sila ni Wilber. Pagbalik niya, nakahanda na din akong pauwi.

"Hindi ako ang umoo sa iyo. Ayokong mapahiya ka. So ngayon, wala na sila uuwi na rin ako," payamot kong sinabi.

Imbes na sagutin niya ako, lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga bisig ko. Saka pa lang siya nagsalita, "Sorry sweetheart, gusto ko lang naman masolo ang girlfriend ko."

"Pero tayo na lang dito," protesta ko.

"I thought you trust me enough," ang malungkot niyang sabi. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Para akong nalulusaw. Hindi ko maamin na sa sarili ko na walang akong tiwala sa sarili ko.

"Of course, may tiwala ako kaya lang hindi ako sanay mag isa kasama ang isang lalaki sa isang private residence." nagtatumbling ang mga salita ko.

"Wala naman akong gross na gagawin sa iyo," Hinalikan niya ako sa noo. "Gross ba yan?" Pagkatapos sa mga mata, "Hindi naman gross, di ba?"

"Will, nangangatog ng tuhod ko, maaari bang hold na natin. Hindi ako sanay na hinahalikan," nangangatog pa ring sinabi ko.

"Sige kung ayaw mong halikan kita, ikaw na lang humalik sa akin katulad ng halik mo sa noo ko kagabi," tuwang-tuwa niyang sinabi.

"Gising ka? Bakit hindi mo sinabi?" akusa ko sa kaniya.

"Para ano ma-spoil ko ang moment na hinalikan mo ako at sinandal mo ang likod mo sa akin, oh no sweetheart," nakangisi niyang sabi.

"Pero nandaya ka!" mahinang sabi ko.

"Sweetheart, let's not waste our time. I assure you kissing won't make you pregnant." Sinukbit niyang baywang ko.

"Alright!" Hinalikan ko muna ang noo niya. Pumikit siya para mahalikan kong mga mata niya. Sinunod kong tip ng nose niya then mga pisngi. "Sweetheart, hindi pa kumpleto!"

"Hoy mama! kumpleto na po yun," pairap kong inusal.

Tinuro niyang mga labi niya. "But, I don't know how to kiss your lips." ang diin ko.

Walang warning, dinampi niya ang mga labi niya sa labi ko. Kinakagat-,kagat niya ng dahan-dahan ang mga ito. In between our teeth, sinabi niyang, "Open your mouth slightly, sweetheart."

Nang binuka kong labi ko, parang ininvade ito ng kanyang dila at hininga. Halos hindi ako makahinga.  Ang mga mata ko''y hindi ko mabukas. Pero habang lumalalim ang halik niya ay may kakaiba akong nararamdaman. Parang may kulang na gusto kong hingin kaya lang hindi ko alam.

Noong huminto siya sa paghalik, parang something is amissed kaya bumukas ang mga mata ko, parang nagtatanong sa mga mata niya na noon ay matamang nakatitig sa akin. "See, hindi ka mabubuntis sa halik at kahit saan pa kita halikan. Pero that's a lesson for another day."

Ano ba iyan pati halik may lesson plan? Parang nabasa niya ang isip ko. "Sweetheart, you need to help me too para ma-reach natin ang goals mo. Pag ganyan ka tumingin sa akin, to hell with your goals."

"Ha? Hindi ko maintindihan sinasabi mo. Ano naman kinalaman ng halik sa mga goals ko?" inosente kong tanong.

"Makinig ka na lang sa akin, sweetheart. Gusto mo na bang umuwi?"

"Alright pero pwedeng isa pang halik?" Natawa si Wilber.

Kaya tinaas niyang ulo ko to meet his. Sinimulan niya kong halikan ng dahan-dahan sa noo, sa mga mata, ilong, mga pisngi, sa baba and finally sa lips.

Napakatagal ng halik na iyon at masyado akong nakakaramdam ng euphoria, nanghihina mga tuhod ko kaya kinakailangan kong iangkla ang aking mga bisig sa leeg niya at idikit ng husto ang aking katawan sa katawan niya. Nararamdaman kong naninigas din ang mga nipples ko and i'm sure nararamdaman din niya yun kasi manipis na t-shirts lang ang suot namin. Ramdam ko rin kung paano hagurin ng mga kamay niya ang likod ko, mga tagiliran ko pati na rin ang butts ko kaya nag iinit ako na parang kumain ako ng isang baldeng sili. And the more na tumatagal ang halik na iyon lalong lumalalim,, pati dila ko ay hinihigop na niya hanggang sa sarap na nararamdaman ko parang pati kaluluwa ko nahihigop na rin ng halik na iyon.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now