Chapter 10 Are We Official Now?

493 7 0
                                    

"It feels like I'm falling deeper into the unknown. I'm losing the fight to stay alone.
I'm falling, falling for you."
                         - Donna Lewis

Kinabukasan, lahat sila kasama si Wilber, nag-aantay nasa akin sa shed. Siksikan uli kami sa kotse.

Nang makarating kami sa unit ni Wilber, humanga kami kasi masculine na masculine ang buong kapaligiran, combi ng white and black. Kumpleto sa mga appliances. Two bedrooms ang unit niya pero tig-isang bathroom. May heater ang bawat shower. Siyempre ang pinakamalaking kwarto ay kay Wilber. Sabi niya, ang guest room, usually mga kapatid niya ang nag-ooccupy pag may case sila na ang courthouse ay malapit sa condo. Kaya pala ang guest room ay color yellow para neutral.

"Sa kwarto ko na kayo matulog kasi malaki ang kama ko. Pwede din naman, apat dito sa kwarto ko tapos tatlo sa kabilang kwarto. Pwede na ako sa sofa bed." suggestion niya.

"Nakakahiya naman, sir, kung ieject ka namin sa sarili mong kwarto," pinagdiinan ni Geri.

"Hindi okay lang kasi magrereview din naman ako kaya baka hindi rin ako makatulog," napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"Sige, sir, if you insist. O, draw lots tayo kung sino-sino ang roommates," sumabat na ako ng hindi tinitignan si Wilber. Alam ko nainis siyang marinig na tinawag ko siyang 'sir'.

Pero may sagot na tingin din siya sa akin, tingin na nagsasabing I'll get back at you later.

Sa kwarto ni Wilber, ang magkakasama ay kami nina Louise, Geri at Chloe. Sa kabilang kwarto, sina Leih, Gabbie at Cheska. Nang makapag-settle in na kami, nagstart na kami ng session sa kwarto ni Wilber since mas malaki yun at si Wilber, nag-aaral sa sala.

Kinagabihan bago kami matulog, nagkayayaan ng magswimming. Akala namin hindi sasama si Wilber. Pagjoin niya sa amin, nakatapis na siya ng twalya sa babang bahagi ng katawan niya. OMG! Napatigagal kaming lahat sa tumambad sa amin. Body beautiful. So sexy! Oh Lord, ang mga friends ko naglalaway sa boyfriend ko. Lalo na nung inalis niya ang tuwalya.

Bago pa siya nakatungtong sa may pool, nag-intervene na ako, "Sweetheart, all girls na lang muna ito." Sabay hatak sa kanya papasok. "Girls, sandali lang!"

"Bakit ayaw mong kasama ako?" inosenteng tanong niya sa akin. Paano ko ba siya sasagutin nang hindi kami mapapahiya?

"You know, that's not true. But can you change into a shorts. Masyadong revealing ang trunks mo. Baka patayin ako dahil sa inggit ng mga friends ko," inamin ko na din kahit nalagay ako sa awkward position.

"Hmm, so possessive din pala ang girlfriend ko. Alright, I'll change but you owe me a private swim," ayun na naman siya at may demand agad. "Answer me, sweetheart or I'll go back there in this."

"Fine, sige pag umahon ng mga girls, we'll stay longer para pag balik natin naka shower na sila. Go change, we'll wait for you. No sexy outfit!"

"Yes ma'am. Did you also find me sexy?" bulong niya sa akin sabay tawa, "You're blushing so it's yes."

"Go!" Then, tumalikod na ako at bumalik sa pool.

"Tell us friend, nalingkis ka na ba ng katawan na yun. Oh my, ang sarap siguro!" salubong nila sa akin.

"Tigilan niyo ako. That's gross. Wala pa kami sa stage na yan," depensa ko.

"That's gross! Naku friend sanay na kami sa iyo," akusa ni Louise.

"Guys, he's a perfect gentleman. Ginagalang niyang mga priorities ko. And i love him for that,' Hindi ko alam kung gaano katagal ng nakatayo di Wilber by the pool or how much he heard. Namula ako.

Nagtagal kami sa pool kasi nag swim racing pa kami. Siyempre si Leih ang panalo. Magaling siya. Tinanggihan nga niyang maging varsity.

Nang umahon na sila. "Go ahead, dito muna kami ni sir."

Of course as expected, napuno ng 'Ahem' ang paligid tapos sabay hagikgikan. Humabol pa si Geri ng,"Sir, hinay-hinay sa kaibigan namin. Walang kaalam-alam yan sa mundo." Super blush talaga ako.

Nang naiwan kami ni Wilber, natameme ako. Lumangoy ako papunta sa other side. Kinampay-kampay kong mga binti ko habang nakahawak sa gilid ng pool. Tumabi si Wilber sa akin at pinanood akong kumampay. "Why, so quiet! Afraid that I'll be gross?"

Tumigil ako sa pagkampay at lumevel sa kanya. "So you heard, how much have you heard?"

"Everything! I love you, sweetheart! I won't do anything gross if you don't want to. So, are we official now?"

"It will only be official, once I introduce you to my family, Mr. Laureano. Got that!" mariing sabi ko sa kanya.

"Crystal."

Hindi namin alam na pinanonood na pala kami ng anim. Pinagpiye-,piestahan kami.

" Ano ba yan ang boring! Kasama mong boyfriend mong super sexy tapos kuntento ka na sa kampay at kwento," comment ni Geri.

Palakasan sila ng tawa at hampasan. Biglang nabaling kay Geri ang usapan. "Bakit, kayo ba ni Leo anong stage na ba kayo kasi yung dalawa sa labas batting pa lang eh?" patuksong tanong ni Leih.

Naabutan namin ni Wilber ang mga tawanan, hagikgikan at hampasan nila. "What's going on?" deretsang tanong ko.

Nagtinginan lang sila tapos biglang sabay-sabay tumawa. "What? Kami ang topic niyo ano?" urirat ko.

"Siyempre masarap ang topic nung taong wala. Kamusta naman ang gross kwentuhan niyo?" tudyo ni Louise. Namula ako kasi natanto ko na pinanonood nila kami. Napakamot na lang ng ulo si Wilber. Hindi na yata titigil ang pagtawa nila.

"Girls, anong oras na? Gusto niyo pa bang magstudy session tayo?" tanong ko para tumigil sila.

Si Chloe ang sumagot, "Hay naku ako kailangan ko ng mag beauty rest."

"Sige bukas na lang uli ng morning. Gumising tayo ng 5:00," suggest naman ni Leih.

"Okay girls. Pero for the meantime, lumabas muna tayo ng room para makapagshower si Will at makapagbihis na din." pakiusap ko.

"Hindi ba pwedeng mag stay, Sir?" biro ni Cheska. Namula si Wilber for the first time naapektuhan siya. Talaga si Cheska, masasapok ko.

"Cheska!" pagulat kong sabi.

"Joke lang. Halina kayo, girls. Iwan na uli natin sila," yaya ni Louise.

"Mga tange, kasama akong lalabas. Sige, go out! Out! Out!" taboy ko sa kanila.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now