Chapter 26 Marry Me

412 7 0
                                    

"Take me into your loving arms. Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart. I'm thinking out loud. Maybe we found love right where we are."
- Ed Sheeran

Pagdating ko sa house, sinabi ko sa family ko na may important akong bisita kinabukasan. Excited silang malaman kung sino kasi okay na naman sa kanilang mag-boyfriend ako. Pero isang salita lang sagot ko sa kanila, "Surprise!"

Nag-ayos at naglinis ang nanay at Ate. Nagluto pa si Nanay ng kanyang mga specialties. Hehe! Ano kayang reaction nila pag pinakilala ko si Wilber sa kanila. Abangan!

Linggo. May kotseng pumarada sa harap ng bahay namin. Nakaupo si tatay sa may beranda, "Arya, andiyan na yata ang bisita mo."

Sinalubong ko si Wilber. "Nay, Tay, Ate Trish, si Wilber Laureano, ang boyfriend ko at ex-professor ko." Nagtataka man sila, walang nagsalita. Naku ang ate, sinisipat mabuti si Wilber. Ate, akin yan. Maghanap ka ng sarili mo. (Guys, sa isip ko lang yan baka pag sinabi ko kay Ate, sapakin ako)

"Kamusta po kayo?" sabay kinamayan niya ang tatlo na hanggang ngayon starstruck pa yata.

"Sir, halika maupo na tayo. Makakarecover din yang tatlong yan," ang anyaya ko.

"Tay, nay, Ate, wala ba kayong sasabihin? Baka mapanisan kayo ng laway," pagbibiro ko baka sakaling bumalik na sila sa wisyo.

"Akala namin nag-break na kayo? Saka bakit sir pa rin ang tawag mo sa kanya?" finally nagsalita na si Ate. Pero ang titig niya kay Wilber parang gusto na niyang yakapin. (Ate, careful ha? Baka yan ang simulan ng warlalu natin!)

"Binreak niya po ako pero aaminin ko na po sa inyo. Sobra ko pong mahal ang anak niyo kaya, hinintay ko pa siyang maging handa na makipag-boyfriend," magalang na sagot ni Wilber.

Simula noong gabi na iyon, natanggap na ng pamilya ko si Wilber. Araw-araw sinusundo niya ako sa office tapos dumederecho kami sa school. Doon na ako bumababa. Tuwing Sabado at Linggo naman, tambay siya sa amin.

Yehey! Gagraduate ng boyfriend ko. Konti na lang, lawyer na siya. Hiniling ni Wilber na sumama ako sa graduation niya. Hindi niya pina-attend ang family niya dahil ang gusto niya ako lang ang nandoon para sa kanya.

Grumaduate siyang cum laude. Very proud girlfriend ang lola niyo. Pagbaba niya sa stage, binigay niya sa akin ang medal at diploma niya. Taray!

"Sweetheart, five months na lang, bar na lang ang bubunuin ko. Then full-fledged lawyer na ako," pagmamalaki niya sa akin. "Malapit ko nang matupad ang goal ko," patuloy niya.

"Akala ko ako lang ang goal mo?" panunukso ko sa kanya.

"Oh you're wrong there. You will see when that time comes."

Natameme ako. Hindi pala ako ang goal nitong kumag na ito. Break-in ko kaya (Joke)!

A week before the bar, nagpaalam ako sa mga tatay, kung pwede akong magstay muna kina Wilber to give moral support. Gusto ko lang masiguro na kumakain siya at nagpapahinga ng tama." At dahil may edad na ako at kaya ko ng magdesisyon, pumayag sila.

Dahil ever supportive girlfriend ako, habang nag-eexam siya nasa labas lang ako ng school kung saan nagaganap ang bar, naghihintay na matapos siya. Kaya naman sobrang tuwa niya kasi I'm with him through it all. Hindi ko lang masabi "Unggoy ka! Andito ako palagi pagkatapos hindi naman pala ako ang goal mo!"

After five months, ang aming kinasasabikang malaman. Nakapasa ba si Wilber sa Bar? Nauna na siyang pumunta sa school para macheck kung kasama siya sa nakapasa. 6:00 pm ang release. May pasok pa ako kaya sumunod na lang ako. Nakarating ako ng past 6:00. Marami nang naghihiyawan at nag-iiyakan sa tuwa (pag nakapasa) or humahagulgol sa lungkot kasi bumagsak.

Sa dami ng tao hirap ako makarating sa results board. Tinext ko si Wilber kung nasaan siya. Naghihintay na pala siya sa harap ng school entrance. "Nakapasa ka, sir?"

Hindi niya ako sinagot. Tanging tinext niya sa akin ay pumunta na agad ako sa entrance. Nagmamadali ako kasi excited ako dahil itong kumag na ito gusto pang suspense. Mahilig pala sa suspense story itong lalaking ito, ngayon ko lang nalaman.

Pagdating ko may mga reporters at cameramen nakakalat. Yung iba nag-iinterview sa bar passers. Nakita ako ni Wilber, Hinatak niya ako papunta sa isang reporter. "This is my girlfriend, Arya. Sweetheart, I topped the bar with 90.06%. Kaya andito siya para interviewin ako. Sabi ko antayin lang muna kita sandali."

"I'm happy for you, sir!" Nagulat ang reporter sa tawag ko kay Wilber.

Siya nag-explain. "Former student ko si Arya. Age doesn't matter, di ba? Unang kita ko pa lang sa kanya, I fell in love kaya hindi ko na siya pinakawalan." Nagpalakpakan ang mga nakarining sa sinabi niya. Ang haba na naman ng hair ng lola niyo.

Walang kaabug-abog, binigay ng reporter kay Wilber ang microphone tapos nakatuon ng camera sa amin. Biglang lumuhod sa harap ko si Wilber, "Ms. Maria Labrador, may I have the honor of being my wife?" Sabay bukas sa isang maliit na red box. Isang gold-silver ring na may diamond ang nakalagay dito.

Namangha ako at nabigla, hindi ko pa alam isasagot sa kanya. "Sweetheart, mahirap ang nakaluhod." (Manigas ka muna diyan kasi pinag-alala mo ako sa ultimate goal mo. Unggoy na ito!)

Napaiyak na ako sa tuwa, "Yes, i will take you as my husband, Atty. Wilber Laureano!" Naghiyawan uli ng "Kiss!" "Kiss!" Hinalikan ako ni Wilber sa harap ng camera.

Bumulong siya sa akin, "Being my wife is my ultimate goal." Napatingin ako sa kanya, tears in my eyes. OMG! So bottomline, ako pa din ang kanyang goal. Hindi ko napigilan ang sarili ko, hinalikan ko siya and it lasted like forever.

Live and telecast yun kaya napapanood nationwide and I don't care. I love this handsome man beside me who's going to be my husband.

Hep!Hep! Engaged pa lang. Hindi pa tapos ang master's degree ko.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now