Chapter 46 Alone At Last

306 9 1
                                    

"This time you can be sure, I'm never gonna let you go. I'm gonna hold you in my arms forever." -  Sergio Mendes

"It seems that you have nowhere to run or hide this time," panunukso niya sa akin.

"Bakit naman ako tatakbo o magtatago? Are you a terrorist?" Mabagal kong sagot kasi nangangapa pa ako kung anong sasabihin ko. "Bakit ba hinintay mo pa ako? Ang tagal din niyon. You shouldn't have done that." O, di ba?  Magaling akong mag-segue.

Pero wala akong laban sa isang magaling na lawyer. "Sabi mo, ligawan kita. Heto, nagsisimula na ako. Magpapakipot ka pa ba?"

Tinignan ko siya, mapanuri, nananantiya, naninimbang. "I'm serious kahit alam kong dead na dead ka na sa akin. Manliligaw pa din ako sa iyo pero sana huwag matagal ang pagiging pakipot." Patuloy niya.

"Naku, kung ganyan ka manligaw, basted ka na," ang kaya ko na lang isagot.

"Baka gusto mo pa akong mag-igib ng tubig or magsibak ng kahoy, sabihin mo lang kahit obsolete na" Aba, ibang level din.

"Sige nga. Tignan natin," chinallenge ko siya.

"Okay, mamaya na yan. Kumain muna tayo. Gutom na gutom na ako. Baka makaubos na ako ng isang baka," sabay akbay sa akin.

"Atty. Laureano, kahit isang tingting or isang tabo wala ka pang napapatunayan, alisin mong kamay mo," suway ko sa kanya sabay inalis kong kamay niya sa balikat ko.

"Baka makalusot lang. Hop in."

"What do you want to eat? Let me guess, Italian?"

Nginitian ko lang siya. "Italian it is."

"Was I really handsome back then?" The nerve of this man talaga. Never-ending.

"As far as I was concern, I was not interested kahit all the girls were swooning at your feet," pasopla kong sagot. "Aral lang ako noon."

"Talaga! I don't imagine na manang ka pala noon." Halakhak niya.

"People change, you know," talaga lang Arya?

At last, nakarating na kami sa resto kaya panandaliang katahimikan. Lahat ng house specialties, inorder ng mokong. "I hope maubos mo yang mga inorder mo kasi mahina akong kumain."

"Diet pa ako niyan. Pag nakita mo kung paano talaga akong kumain baka hindi mo na ako sagutin," then he laughed out loud. Pinagtinginan tuloy kami. Akala mo hindi ko alam ang kapasidad niya sa pagkain, daig pang construction worker.

"At sino naman may sabi sa iyong sasagutin kita. Don't be so assuming." Paalala ko sa kanya.

Bago pa siya nakasagot, dumating ng mga pagkain. Tahimik lang kami. Naubusan ng mokong o baka natameme sa sinabi ko.

"Nagustuhan mo ba yung mga orders ko?" Seryoso.

"Of course, wala akong itulak-kabigin." ang eager reply ko.

"Be my guest! Kaya nga dito kita dinala. I want you to enjoy your food," seryoso pa din.

"Thank you, kaya lang mahirap masira ang figure" natatawang sagot ko.

"Hindi bale, I will still love you kahit lumba-lumba ka na," binola na naman ako.

"Lumba-lumba talaga, grabe ka," tumatawa pa din ako.

At may biglang pasabog na naman ang mokong, "Madalas ba tayo dito noon?"

"No, it's my first time here. Bakit mo naman ako dadalhin dito in the first place? Worlds apart tayo." Pinagtaasan lang niya ako ng kilay.

"Ibaba mo yang kilay mo,ngayon pa lang ako nakakain dito. Baka si Cynthia or some other girl ang dinala mo dito." Ako naman ang nandilat ang mga mata. Challenge me?

Umiling-iling na lang siya. Finally ang nga desserts na inorder niya to die for - strawberry gelato at Baba Napoletano.

Papunta na kami sa kotse niya, "Thank you. I enjoyed every morsel.  Cosi delizioso! (It's delicious)"

"Di niente, mi bellisimo amore, (Not at all, my beautiful love)" ayaw talagang magpatalo.

"Hindi ko alam na marunong kang mag-Italian," puna ko sa kanya.

Tumawa siya. "Na-pick up ko lang sa resto pag kumakain ako," nung tumingin ako sa kanya, pahabol niya, "Nang mag-isa. Satisfied?"

Tumahimik na lang ako baka kasi kung ano pang masabi ko.

"Gusto mong mamasyal muna by the bay?" Alok niya. Lumang style para tumagal kaming magkasama.

I begged off. "It's been a long day. Pupunta pa uli kami ng hospital bukas. Then susunduin ko na si Nuelle."

"At least, let me take you home," Pag hindi ako pumayag, kukulitin lang niya ako. Saving grace ko na lang na ngayon pa lang pumayag na ako. Binigay kong address.

"Pasado  na ba akong driver mo?" Hay naku, hindi talaga nauubusan ng panggulpi de gulat.

"Konti pa baka tanggapin na kitang driver," Ganyan pala ang gusto mo ha? "Pakitabi mo na lang. Ayan ng bahay namin sa kaliwa mo."

"Your house looks familiar. Are you sure hindi pa ako nakarating dito?" Heto na naman.

"Would you like to come in for a nightcap?" Anyaya ko.

"Sure, tatanggi ba ako?"

"What do you want?" Wrong question.

"You." Opportunity grabber. Sabay hawak niya sa kamay ko. "Pwede ba?"

OMG! Nangangatog ang aking mga tuhod. Humarap siya sa akin. "No answer?"

"You know, that's not what I mean. Tea, coffee, soda?" Nakatungo ang ulo ko. Hindi ko kayang masyado kaming magkalapit. Nahihirapan akong huminga.

"You smell so nice and delicious. What's that smell?" Nilagay niyang mukha niya sa buhok ko.

"Honeysuckle. Are you done with my hair? Coffee, tea or soda?" Hindi ako dapat magpadala sa enchanted moment na ito lalo pa, miss na miss ko siya, baka kung saan mauwi. He smells so musky and masculine.

"Iced tea, please!"

" Maupo ka muna."

"Hindi ba pwedeng sumama sa iyo?"

"I prefer you seated."

Naramdaman niya na asiwa na ako kaya nagbehave na siya. Nagkapagkwentuhan na kami ng matiwasay at mga general topics.

Nakaubos muna kami ng isang pitcher ng iced tea bago siya umuwi.

"See you soon. Good night!"

"Good night lang, walang kiss?"

"Nasa courtship stage pa lang tayo, remember? Tapos nanghihingi ka na ng good night kiss. You take care."

Hindi siya nakatiis. Hinapit niyang baywang ko't hinalikan niya ako sa labi. Una, dampi lang pero naging malalim. Nadala na ako ng emosyon ko kaya, hinalikan ko na din siya. 

Hindi ko namalayan gaano katagal ang halik. Nabigla ako ng bumulong siya, "I can sleep better now. Good night!" Ramdam na ramdam ko pa din ang halik niya. Grabeng intense nang gabi mo, Arya.




I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now