Chapter 51 Fight Night

332 4 0
                                    

'One minute, it's love and suddenly it's like a battlefield. One word turns into a war.

Why is it the smallest things that tear us down? My world's nothing when you're gone. I'm out here without a shield, can't go back now." Jordan Sparks


Pagbalik ni Wilber, may dala siyang tatlong flavors ng ice cream: strawberry and coffee crumble favorites ko at double dutch para kay Nuelle.

Pagkakita niya kay Riel, inextend niyang kamay niya, "Riel, right? Wilber."

Pagkatapos nilang magkamayan, "Alam na ba ng mga tatay na nagkabalikan na kayo?" Ang tanong ni Kuya Riel  sa akin.

"Hmm, tumatiming pa ako." Nakatingin sa akin si Wilber parang sinasabing, 'Anong timing?' Dinugtungan ko agad ng "later siguro." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Dumaan lang ako ngayon. Pangako ko kasi sa kanila, i'll check on you. Pupunta din ako kina Tita Mary. Maaari ko bang isama si Nuelle para ma-meet niya din mga iba pa niyang mga kamag-anak, lola, tiya at pinsan?'

"Baby, do you want to go with Daddy Riel?" Tinanong ko si Nuelle. Tumingin siya kay Wilber parang nagpapaalam.

"Go ahead and change, if you want to go," sagot ni Wilber. "I'll wait until you come back."

"Really, dad. We'll come back early. Right, Daddy Riel?"

"Sure, honey," nakangiting sabi ni Riel.

Habang hinihintay namin ang pagbaba ni Nuelle, "Kuya, saan ka nag-istay? You can stay here sa dating kwarto ni Ate?" Anyaya ko sa kanya.

"Binook ako ng office sa hotel para sa entire stay ko. Sayang naman yung privelege. Malapit sa kung saan ako mag-aattend ng conference. Dumaan lang naman ako para dalhin ang mga pasalubong at isama si Nuelle."

"Okay, pag nagsawa ka doon, welcome ka dito. Baka kagalitan ako ni ate pag tinaboy kita, hahaha."

Bumaba na si Nuelle at umalis na sila. Naiwan kami ni Wilber. "O, ayan, paano natin uubusin ang ice cream? Andami mong binili."

"The ice cream is the least of my concern. Matunaw sila for all I care. We're all alone," nakangisi niyang sabi.

"Yes, we have all the time in the world. Let's swim uli!" Iniwan ko siya at pumunta na ako sa pool.

"Sige, I'll play your game." Nagslide siya papunta sa akin.

"Hindi pa pala ko nakapagthank you sa lahat ng mga efforts mo to make Nuelle happy," hinawakan kong kamay niya.

"Si Nuelle lang?"

Yumakap na ako sa kanya. "Mas lalo na ako. Masyado mo akong iniispoil, you know? Baka hanap-hanapin ko yan," naka-angkla ng mga kamay ko sa leeg niya.

Tumawa siya. "Yun nga ang gusto ko. Hahanap-hanapin mo ako. I want you to be addicted to me as I am to you."  At doon na kami nag-kissing scene. Torrid na ito.

Hindi ko napansin ng napaupo na kami, ang tubig ng pool unti-unting nagsasubside. At nang ga-papel na lang ang taas ng tubig, inihiga niya ko. Hinalikan niyang tenga ko. "I love you, Dean Labrador."

Hindi na ako nakasagot kasi tinakpan na ng mga labi niya ang mga labi ko. Nararamdaman ko ang bawat hagod niya sa aking katawan. Nararamdaman kong umaakyat ang dugo ko. At unti-unti kinalag niyang bikini top ko, sumusunod ng panty...

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now