Chapter 13 One-on-One, Anyone?

460 8 0
                                    

"You're brave to say that you get lost in love. But you opened your heart to me"
                     - Air Supply

Final Exams na namin. Sa wakas, I'll be free of him. Talagang sa finals pa ako muntik ma-late.

Habang nag-eexam kami umiikot si Wilber pero panay ang hinto niya sa tabi ko na parang binabasa niyang mga sagot ko. And when I looked up at him, bibigyan lang niya ako ng isang matamis na ngiti. Himala ngiti at hindi ngisi. Iniiirapan ko naman siya.

Pag hindi naman siya nakatayo sa side ko, uupo siya sa gilid ng mesa sa harap ko. Hindi ba niya alam he's distracting me. And it's not good for my comfort.

Nang magkatinginan uli kami, I glared at him. Kulang na lang pagsabihan ko siya to stop it. Buti na lang nag-aral ako at lahat ng items ay napag-aralan ko.

Katatapos ko lang sagutin ang last question ng mag-bell na. "Class you may stop and pass your paper then you may go. Ms Labrador, I want you to stay."

Wala kaming magawa ni Leih kaya pinauna ko na siya. Tiyak ako na naman ang magiging topic ng mga iyon.

I stayed on my chair, waiting kung ano na naman ang atraso ko sa kanya.

"Ms Labrador, I want you to help me check the final exam papers" ang sabi niya.

"Really, it's a command at hindi request," ang sagot ko. "Look who's acting like a prima donna!" dagdag ko pa.

Akala ko sasampalin ako, uupo lang pala sa tabi ko. "Touche! Hayan ang one thing I admire about you, your spunk." Did I hear it right hinahangaan niya ko?

"Okay, I got it! I was wrong there." Is that a sorry I hear. Napaflatter na ako.

"So will you help me out, Ms Labrador?" patuloy niya.

"Sorry po sir but I am not available," pinahindian kong unggoy. And I saw him smirked.

"Why not?" at tinitigan niya ako ng malagkit. Hoy unggoy hindi mo ko makukuha sa pa-charming mo. A no is a no, no matter what.

"Sir, may study group ako ngayon with my friends. I'm helping them with their lessons kaya nga ako nag summer," I explained para huwag na akong kulitin. Ayokong magkaroon ng kahit na anong koneksiyon sa kanya. I'm only a girl facing the handsome crush ng bayan. Anything goes.

"Hanggang what time yan? 2:00?  Kasi I know for a fact may klase mga friends mo ng 2:00 kaya nga umuuwi kng mag-isa after that."

"Sir, exactly after 2:00, I have to go home. Can't you ask somebody else na lang?"

"Ms Labrador, nakita ko ng mga answers mo sa exam. And you aced it kaya ginawa kong key to correction ang papers mo. Congrats, by the way," explained niya. Masyado naman akong nililigawan ng unggoy na ito.

"Okay sir, give me the papers, sa bahay ko na lang chechekan," I insisted.

"I need to correct them now kasi deadline din to submit the finals results to quantify your final grades," he countered. "Please a favor for me." dugtong pa. Gotcha!

"So Mr Laureano knows the term favor," sabi ko.

He laughed. "I see, you're giving me a dose of my own medicine. Please, Ms Labrador! If you want, once we're finished I can bring you home."

"No need, sir. Okay, I'll help you. Babalik na lang po ako dito pagtapos namin." Did I make the right decision? Bahala na si Batman.

Bumalik na ako sa group at lahat sila mga nakatingin sa akin. "What?"

"Ano'ng what? Ano'ng pinag usapan niyo o baka mga labi niyo lang nag usap?" kantyaw ni Cheska. Tapos nagtawanan na sila.

"Titigilan niyo ko or iiwan ko kayo?" iba talaga pag may pamblackmail ka. Hindi pa kasi ako handang magkwento at wala naman yata akong dapat ikwento.

Magto-two o'clock ng lumapit sa amin si Wilber. "Girls, tapos na kayo? Maaari ko na bang hiramin ang kaibigan niyo?" ang sabi niya sa amin.

Star-struck sila kaya walang makasagot. Sasabihin ko sanang hindi pa, biglang nakarecover na si Gabbie, "Of course, sir, basta kayo kahit iuwi niyo na siya sa bahay niyo."

"Really, bebenta niyo ako. Here I thought na mga kaibigan ko kayo," kunwari nasaktan ako. Alam ko namang joke lang yon.

"Now, we know bakit panay ang tingin mo sa watch," buska ni Chloe. Wala, laglagan na ito at ako yung nilalaglag. Namumula na ako mula talampakan hanggang mukha.

"Nakakatuwa pala kayo. Siguro one of these days makikiseat in ako sa group niyo," sabi ni Wilber. Nagpabola naman ang mga walang utang na loob.

"Halina na nga kayo, sir!" yaya ko kay Wilber.

"O tignan niyo, sir. Nagmamadaling masolo kayo," sambit ni Louise. Napa "hay naku" na lang ako habang tawa ng tawa si Wilber

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now