Chapter 14 Close To You

467 6 0
                                    

"Every little smile that special smile. The twinkle in your eye in a little while. Give it time, just a little more time, so we can get closer."
                  - Gino Padilla

Tawa pa rin ng tawa si Wilber. "Nakakatuwa pala kayong magkakaibigan," aniya.

"Oh, natutuwa kayo sir kung paano nila ko buskahin," akusa ko.

"Aside from that fact, your candor sa isa't isa very genuine."

"Puwede na po ba tayong magsimula, sir, para matapos agad?" painis kong sabi.

Hinarap niya ako at ngumiti. "Sure, sabi mo eh." Halos matunaw ako sa ngiting iyon. Napansin kong kami lang dalawa sa Faculty Room. Umupo ako sa three-seater sofa. Siya naman sa one-seater.  Ang mga papers nasa center table na.

Nagchechek na ako nang out of the blue, he asked me, "Any boyfriend na magagalit sa pagtulong mo sa akin?"

"Sir, sa tingin mo ba may boyfriend ako? Do I look like someone na nagmamadaling magkaboyfriend?"

Bigla siyang tumayo at umupo sa tabi ko. "Bakit naman? You are beautiful and intelligent? Impossibleng walang nanliligaw sa iyo?"

"Sir, boys are not my priorities. Marami pang time for that," sabi ko. Pero siyempre kilig to the bones ako sa sinabi niyang I am beautiful.

"Almost all female students here are in a relationship," hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Sir, sabi mo nga almost. Part ako nang hindi almost," sabay ngiti ko sa kanya.

He laughed sabay hawak sa pisngi ko, "Ang cute naman ng mga dimples mo." Para kong nakuryente sa touch niya. Namula ako.

"Sir, gusto mo bang matapos ang papers. Stop talking to me, then," walang kaconvi-conviction kong sinabi.

"Where are we now?" tanong ni Wilber. Ano bang tanong yan, nakakaloka. Parang mema lang.

Hindi ko na nga pinansin. Kaya hayun panay na lang ang tingin niya sa akin. Dahil yata sa masyado akong naapektuhan ng mga tingin niyang para akong hinuhubaran kaya accidentally kong nahulog ang pen ko.

Sabay kaming yumuko para kunin ang pen nang bigla kaming nagkauntugan.

"Ouch! Ang tigas naman ng ulo niyo sir," napatingin ako sa kanya. Oh my! His face is only inches away from mine.

Naramdaman ko na lang na tinabig ng kamay niya ang batok ko at hinalikan niya ako sa lips. Una, just a smack lang. Napabuka ang mga lips ko kaya tuluyan na niya kong hinapit papunta sa kanya at lumalim ng halik niya.

Hindi ko namalayan na nakayakap na ako. Ang sarap niyang humalik at ang mga bisig niya'y very solid. Feeling ko natutunaw na ako. (Please, Ate,  if this is another dream, huwag mo kong gigisingin. I got my first kiss and it's for real! Totoo na to!)

Biglang tumigil ang paghalik niya, binuksan kong mga mata ko. He was looking at me with hunger in his eyes. "Akong first kiss mo, right?

Namula ako, "Sir, please release me!"

Bumalik ako sa space ko at nagconcentrate sa pagcheck. Hindi na kami nag-imikan hanggang matapos kaming magcheck. "Thank you, Ms.Labrador! Let me treat you to dinner bago ka umuwi."

"Sir, it's 6:00. Baka mahirapan po ako makasakay. Next time na lang po." Lost opportunity para sa akin.

Nang mapadaan ako sa kanya, tinabig niya ako at ni-lip smack niya. "Thank you for helping me out. I enjoyed our kiss."

Nagblush na naman ang lola niyo kaya ambilis kumaripas ng paglakad. Hindi naman siya sumunod. Naloko ako ah. Sabi niya ihahatid ako. Okay na din kasi hindi naman ako papayag. (Hoy! Hindi ako nagsa-sour grape.)

Nang sumunod na meeting namin at last day ng pasok, absent si Wilber. Hmmp, pagkatapos akong halikan hindi na nagpakita. Ano ba iyan kung kailan last day?

Hindi ko inaantay ang mga friends ko kasi may isa pa silang class. Naglalakad na ako sa walkway, palabas ng gate ng huminto ang kotse. Si Wilber! Ang unggoy na ito akala ko absent.

"Hop in, Arya!" Arya daw oh! "Ihahatid na kita." paanyaya niya. Siyempre, pakipot ang peg ng lola niyo. Pagkatapos niyang magno-show sa klase namin. No way, highway!

"No, thank you, sir, pauwi na ako."

"I owe you a treat so bago ka umuwi. Please!" Oh shooks! ang cute niyang magsabi ng please complete with papungay ng mata. Hayun, nabola tuloy ang lola niyo.

Sumakay ako sa kotse at nagpunta kami sa isang fastfood sa mall. Habang nakapila siya para mag-order, naghanap ako ng mauupuan namin. Buti na lang mayroong pwesto na secluded at tahimik. Pag upo ko, kinawayan ko siya para alam niyang place namin.

Grabe naman itong si Wilber, malayo pa lang nakita ko ng daming inorder. Akala yata barako kasama niyang kakain. Kaya pagdating niya sa table namin, "Eh sir, sino pong kakain lahat niyan. Dalawa lang tayo but you ordered for 5."

"Believe me, before you know it, naubos na natin yan. You're always a worrier. Do you know that?" turan niya. At ngumiti siya uli.

"Ang totoo, sir, you don't have to treat me! A simple thank you is enough," syempre pabalat bunga ko lang yun pero deep inside flattered ako. Plus, I have to divert the conversation from me.

"I told you, you're a worrier. We're already here so enjoy na lang tayo. I hope gusto mo yang mga inorder ko. Mga favorites ko yan," pag mamalaki niyang sabi.

I hate to admit it. Yung mga inorder niya, mga favorites ko rin. Wow! Compatible? So shyly sinabi kong mga favorites ko din mga yun.

And there's that smile again, "Glad to hear. Next time, hindi na ko mag iisip pa."

Napatingin lang ako sa kanya with the burger still in my mouth. Sinalubong niyang mga mata ko ng mga ngisi niya. May next time pa?

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now