Chapter 18 Starting Over Again

412 5 0
                                    

"I can't believe the way that I feel whenever I'm with you. Don't make me wait. My body aches. I wanna get next to you."
                         - Bananarama

Wednesday, kahit na anino ni Wilber hindi ko nakita. I'm already missing the guy - his handsome face and his gentleness.

This crazy feeling na dapat kong iwaksi sa katauhan ko. Masisira mga goals ko. Ilang buwan na lang ang bubunuin ko at gagraduate na rin ako. So no time for love.

The struggle inside me is so difficult. Pag nakikita mo siya, kokontrolin mong true feelings mo kaya maiirita ka sa kanya. Pag hindi mo nakikita, parang mababaliw ka na sa kakalinga. Sabi ko na nga ba kaya ayoko ng love, love na yan.

"Hoy friend, anong ganap at hindi ka namin ma-reach kanina pa?" tanong ng hindi makatiis na si Leih. "Hindi naman siguro si Wilber yan?" patuloy pa niyang pagbuska.

"At bakit ko naman siya hahanapin?" laking tanggi ko.

"Bakit nga ba?" chorus nila sabay tinginan at tawanan. Ang sarap paghahampasin.  "Hi Arya, Good luck this sem! W." patuloy nila.

"Mga liamera, maghanap na kayo ng makokopyahan. Hindi ko na kayo pakokopyahin," kunwaring galit ako.

Hindi naman tatablan yang mga yan. "Huwag mong gawing bookmark para hindi namin makita," sagot ni Gabbie.

"Siguro kayo na ni sir," giit ni Chloe.

"Excuse me! NBSB pa rin ito hanggang grumaduate tayo," stressed ko sa kanila.

"Naku, hayan na si sir!' bulaga ni Cheska.

Hindi ko nilingon. Dali-dali akong tumayo, "Girls, wala ako!"

Sabay-sabay silang nagtawanan. "Umupo ka nga. Wala po si sir. Napaghahalata ka, girl, may gusto ka na, ano? Tell us!" himok ni Louise.

"Wrong, wala akong gusto kahit na kanino," paiwas kong sagot. Patuloy ko pa, 'Pag may nagustuhan na ako, hindi ako magkakamaling sabihin senyo, mga nanlalaglag kayo!" Tawanan na naman sila hanggang magbell.

Natapos ang araw, talagang kahit ga-hibla ng buhok hindi ko nakita. Good! (Really? Bakit may hint of bitterness?)

Thursday, sa loob ng gym. Patapos ng badminton ko ng mapansin ko si Wilber, nakaupo sa bleacher. Agad ngumiti ng makita niyang nakuha na niyang atensyon ko. Sinimangutan ko siya.

Sinabayan pa ako sa paglabas ng gym. "Sweetheart, pumunta tayo sa kotse ko. Andun mga books," bulong niya sa akin.

"I told you not to call me that," bigla akong napahiya kasi nasa likod lang ang aming badminton instructor. "Goodbye, sir!" tinuran ko kay Mr. Rodrigo.

"Goodbye Ms. Labrador, Will!" bati ni Mr Rodrigo na nakangiti at may laman ang pagbati.

"Yes, Dave. See you at the court soon," sagot naman ni Wilber at nauna na sa amin si Mr. Rodrigo.

Nang wala na si Mr Rodrigo, naglakad na kami papuntang parking kung saan andoon ang kotse niya. Doon ko siya hinarap.

"Sir, bakit naman niyo kong tinawag na naman ng sweetheart, malamang narinig ni Mr Rodrigo yun, nakakahiya," inis kong sinabi sa kanya.

Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko bagkus, "Ang swerte mo naman lahat ng male professors mo ngayon mga gwapo, magaling kang pumili ng class." Saka ngumisi sa akin.

"Hay naku, dinededma niyo na naman ako. Hindi ko po kasalanan kung mga gwapo sila, if it's any of your business, pinipikon niyo na naman ako," mariing kong sabi.

"Medyo mabigat yung mga books kaya ihahatid na kita," patuloy niya, lagi na lang iniiba ang usapan.

"Sir, bakit niyo po nililihis ang usapan?" naiirita kong sabi sa kanya.

"Ms. Labrador, ganito ka ba sa lahat ng lalaki o sa akin lang?" bato niya sa akin.

"Galit lang po ako sa mga lalaking presko na pilit akong tinatawag na sweetheart," sagot ko.

"So sa akin nga lang, pero sweetheart is a term of endearment sa taong special sa iyo," aniya.

"I agree, sir, ang point ko I am not your special someone neither are you to me," nagsisimula ng tumaas ang boses ko.

"Deny it all you want, our kiss said it all," sabay ngiti sa akin.

Bigla akong namula, hindi ko alam ang sasabihin ko. "See, speechless ka and you're blushing."

"Mauna na ako, sir. Thank you na lang," saka ako tumalikod. Hindi ko gustong nararamdaman ko.

"Okay go! Lagi kang tumatakas that you forget to be practical. Get the books or I'll throw them to the trash bin," galit ng lolo niyo.

Hinarap ko uli siya pero namumutla na ko, "ang sabi niyo no strings attached."

"Yes, I said that pero pati ba naman ang pakikipag-usap lang sa iyo ay masama na, unless you're affected," pagalit pa rin niyang turing.

"I'm sorry, sir! I'll get the books. Thank you," apologetic naman voice ko. I know I went overboard. Nagmagandang loob lang siya. May motive man, o wala, it's as if masasaktan ako physically.

Dala kong mga libro ng may pahabol pa siya, "I know when I am not wanted, Ms. Labrador!"

Pag lingon ko sa kanya, nakasakay na siya sa kotse at pinaharurot na niya ito palayo sa akin.








I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now