Chapter 21 Love Is A Rainbow

376 7 0
                                    

"Watchin' in slow motion as you turn my way and say. Take my breath away"
                   - Berlin

Hanggang ngayon nasa wonderland pa din ako.  Mahirap paniwalaan kami na but that's the plain truth. Hindi ko na din tinago sa mga friends ko. Gusto ko rin naman i-share ang nag-uumapaw kong kaligayahan sa kanila. Hindi ko pa kasi masasabi sa pamilya ko kahit kay Ate Trish. Hindi ko alam magiging reactions nila especially nangako ako no boyftiends for me yet.

"Oh, so yung pag-iinarte mo nung mga nakaraan eh kasi ngitngit ka sa selos kay Laurie pagkatapos no pansin at dinedema ka ni sir?" patudyong sabi ni Chloe.

"In the process, halos mangamote na tayo," dagdag ni Cheska.

"So, siguro naman ngayon ay back to normal na tayo?" urirat ni Geri.

"At wala nang biglaang absent?" singit ni Leih.

"And speaking of the handsome devil, ito na siya at mukhang may dalang maraming food," excited na sinabi ni Gabbie. Si Wilber nag-park malapit sa amin. Paglabas ng kotse, may nilabas din siyang mga supot.

"Wala kong masabi sa haba ng hair ng kaibigan natin. Nasusuklayan mo pa ba yan?" sumali na sa biruan si Louise.

"Good morning girls! I can see from your faces, alam niyo ng good news," ang masayang bati niya sa kanila. At sa akin, " Hi sweetheart. Sunflower for you to brighten your day."

Imbes na akong kinilig,  ang mga bruha hindi mapigilan ang mga "sana all!" nila.

"At para sa inyo itong mga dala kong food," nagsalita uli si Wilber.

"Sir, hindi niyo naman kailangan ligawan din kami. Boto kami sa iyo noon pa," sinimulan ni Louise.

"Si Arya lang naman pakipot," dugtong naman ni Gabbie. Ayan, namumula na naman ako.

Bigla silang naghiyawan nang dumako na si Wilber sa tabi ko at inakbayan ako. "Sir, si Arya lang? Paano naman kami?" kantyaw ni Leih.

"Ano ba kayo, girls? Behave! Pinagtitinginan na tayo," saway ko sa kanila. "Sige, magsiupo na tayo at kumain," niyaya ko para tumigil na sila.

"Sir, dito na kayo umupo ni Arya!" offer ni Geri.

Masaya kaming nagsalu-salo sa mga dala ni Wilber. Hindi pa din nawala mga kantyawan at nadagdagan pa ng mga hampasan at hagikgikan.

Through it all, pinapanood lang kami ni Wilber ng nakangiti. Tumatawa naman siya sa mga jokes nila laluna na pag nilalaglag nila ako. Bentang-benta sa kanya pag ang kwento ay tungkol sa akin.

"Alam niyo ba, sir, maraming nanliligaw kay Arya? Pero ni minsan hindi niya pinagtuunan ng pansin," pagbibida ni Cheska.

"Ano'ng laging bukambibig niya?" tanong ni Chloe.

Sabay-sabay sila, "Boys are a distraction I can't afford!" Tapos nagtawanan sila pati si Wilber.

"Heto pang pinaka-classic. Nung makita niya si sir for the first time at ayaw aminin sa atin na naapektuhan siya?" singit ni Louise. (Aba, ano ito Arya's trivia?)

Biglang naging sobrang interesado si Wilber, "What?"

"Stop it, girls! Malapit ng class natin. Hindi ba kayo magpefreshen up?" nag-intervene na ako.

Nagtawanan sila. "Alright, ramdam namin if we are no longer needed. Girls, gusto na ni Arya masolo si sir," ani Cheska.

"Wait, hindi niyo pa sinasagot ang mga tanong ko," pinipigilan sila ni Wilber. Amusement in his voice.

"Sir, siya na lang po ang tanungin niyo," sagot ni Geri. At bumunghalit uli sila ng tawa. May pahabol pang chorus, "Good luck, Arya!"

Nang naiwan na kaming mag-isa ni Wilber, hinawakan niyang kamay ko't seryoso siya, "I miss you, sweetheart! Thank you at hindi mo ikinahiyang aminin sa mga friends mo about us!" (Wow! Ako pa ang mahihiya.)

"I miss you, too. Thank you for blending in with my friends kahit mga super kulit sila."

"Speaking of which.." Alam ko ng sasabihin niya. May hanging question pa kaya sinagot ko na.

"Hindi ko siya type considering older siya sa akin, parang kuya ko na siya. There!"

Tumawa siya ng malakas. Then he faced me, "Eh ngayon?"

Nagblush ako. Ano ba naman ang face ko laging nagbablush? Ang laking giveaway. "I know. Kinain kong mga sinabi ko. Satisfied?"

"Hmm, hindi pa. You have to kiss me for hurting my ego," lambing niya sa akin.

"Pwede later, kasi baka may makakita sa atin," paiwas kong sagot.

"Sige pero pag mamaya, I won't settle if not torrid," his eyes were twinkling with mischief. Bago ko pa siya nasagot, nag-bell na.

"You know, the bell is always saving you pag nakokorner ka na," tumawa uli siya.

"Have to go baka ma-late ako," paalam ko.

"Here, mauuna kang ma-dismiss ng 30 minutes sa akin. Wait for me in the car," inabot niya sa akin ang car keys niya. "See you later!"

Hinalikan niya ko sa labi ng padampi. Para akong natulala. Time stopped, "Sweetheart, go. Male-late tayong pareho niyan 'coz I won't be able to stop kissing you."

Tanging nasabi ko lang, "See you, sir!" At lumakad na akong palayo sa kanya. Nasa cloud 9 ako.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now