Chapter 19 The Cold Shoulder

378 8 0
                                    

"I've never felt alone 'til I met you. I'm all right on my own and then I met you."
                     - Third Eye Blind

Huling pag-uusap na namin ni Wilber yun. Hindi na niya ako uli nilapitan. Pag nasasalubong ko siya, ni walang ngiti o ngisi siyang pinakikita sa akin. So, nabura ko din ang ngisi niyang kinaiinisan ko. Blangko na ang mga tingin niya sa akin, walang buhay ang kanyang mga mata. Nakuha ko ng gusto ko na tantanan ako ni Wilber. Hindi ko alam bakit parang hindi ako masaya. Biglang may kulang sa akin. I feel empty inside.

Hindi ko napapansin pati ako hindi na ngumingiti. Less ng bonding time ko sa mga friends ko. Nawalan ako ng gana na makipagbiruan o makipagkwentuhan sa kanila.

Pati sa studies ko, naging que sera sera na lang. Hindi na ko nag-eexcel. Parang okay na lang na passing ang grades, nawala nang outstanding performance.

Minsan nasa shed kami ng mga barkada, sinesermunan nila ako. "Friend, anong ganap sa iyo? Napapansin na din ng mga profs natin na so-so na lang ang recitations and exams mo?" concerned ang boses ni Louise.

"Arya, mga kaibigan mo kami. Pwede mong sabihin sa amin ang mga problema mo," banat naman ni Geri.

"Ano bang bumabagabag sa iyo? Tell us," re-affirmed Chloe.

"Ano ba kayo? Okay lang ako," pinipilit kong iassure sila.

"Girls, look. Si Wilber, kasama si Laurie, yung campus beauty," tawag sa amin ni Cheska.

"May bulung-bulungan nga na sila na daw ang hot item ng campus," dagdag ni Leih.

Para akong nauupos na kandila sa nakita ko. Hindi pa doon nagtapos, dumaan pa sila sa malapit sa amin. Napatingin si Wilber sa amin pero deadma lang. Sana sinaksak na lang niya ako.

Nangingilid ng luha ko sa sakit na nararamdaman ko pero pinipigilan ko pa rin. Hindi ba yun naman ang gusto ko. Ngayon may iba na siya, wala akong right maghimutok.

"Bagay sila, kakainggit naman!" buntung hininga ni Gabbie.

Tumayo ako at niyaya na sila sa susunod na subject, "Girls, tara, baka ma-late tayo," napansin nila na halos gumaralgal ang boses ko. Nagkatinginan na lang sila. Walang gustong mag-comment.

Tuesday. Badminton day. Tinatamad ako kaya nag-absent ako. Hay, mukhang magdadrop na naman ako. Next sem, last sem ko na para mapasa ang PE. Otherwise, dahil sa PE, hindi ako gagraduate.

Nag-extend ang katamaran ko pati mga academic subjects ko hindi ko rin pinasukan. Tiyak, mag-aalala ng mga kaibigan ko.

Ang Ate Trish kinausap ako, "Sabi ni nanay hindi ka pumapasok mula kahapon. May problema ba?"

"Wala, Ate. Feeling ko kasi burned out ako kaya nagrerecharge lang. Don't worry, papasok na ako!" pangako ko sa kanya.

Dahil sa kaiisip ko kay Wilber, na-sidetrack ako at ngayong pinag-aalala kong pamilya ko. Hindi maaaring masira kong pangako sa kanila. Have to put my acts together bago mag-crumble down mga goals ko. So what, kung nasaktan ako ng first love ko. Charge to experience na lang.

Badminton day. Tinanong ako ni Mr Rodrigo kung bakit ako absent. Nagdahilan na lang ako. Ngumiti siya sa akin. Napangiti na lang din ako sa kanya.

Nagisparring na kami sa badminton. Pinili ako ni Mr Rodrigo laban sa isang classmate ko. Pag may maling tira, nilalapitan niya at ituturo niyang proper way.

Nang magkamali ako, lumapit siya, "Ms. Labrador, masyadong tight ang paghawak mo ng raketa. Gaangan mo lang, like this," Hinawakan niyang kamay ko na may hawak ng raketa. Habang nasa likod ko siya, giniya niyang kamay ko. Nagtawanan lahat.

Nasa ganoon kaming sitwasyon, nang makita ko si Wilber, nakatingin, nagtitiim bagang, parang galit. Bumalik ang tingin ko kay Mr. Rodrigo na hawak pa din ang kamay ko.

"Ano, Ms. Labrador, ready to fight me? Just one set.." saka niya binitawan ang kamay ko't tinuro ang court.

"Why not, sir?" nakangiti kong sagot. Sa corner ng isang mata ko, nakita kong nanonood pa din si Wilber.

Natalo ako sa set, "Nice game, Ms Labrador. I know you will be a worthy opponent." Lumapit siya't inakbayan ako. "Baka gusto mong mag-join ng team ko?" alok pa niya.

"Sorry sir, not my priority right now. No sports for me this year," tinuran ko sa kanya.

"Sayang naman. Anyways, if you change your mind, andito lang ako," alok niya sa akin.

"I wish mabigyan ko kayo ng sagot, but it's not really my priority," nginitian ko na lang siya.

Uwian. Nakasabay kong lumabas si Mr Rodrigo. "I saw Will earlier. Akala ko susunduin ka niya. But I saw him leave with Laurie Solis." Tsismoso pala itong si Mr Rodrigo. Guwapo pa naman.

"Dati ko lang pong prof si Mr Laureano. He helped me to obtain my books for this sem from his students na grads na . That's all," paliwanag ko sa kanya. If that is any of his business.

"Sige po, sir. Mauna na ako. Magla-library pa ako. Bye!" nagpaalam na ako baka humaba pang interview portion.

Papunta na ako sa library, nang makita ko si Wilber. Kasama niya nga si Laurie. Halos mapako na ako sa kinatatayuan ko. Napatingin siya sa akin at nakita kong nakakainis niyang ngisi at tumungo na lang ako.

Hindi ako apektado. Wala akong pake sa kanilang dalawa. Bakit nahihirapan akong huminga? Weeh, gusto ko nang umiyak.







I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now