Chapter 8 No Secret Is A Secret For Long

556 11 0
                                    

"I want you to look right in my eyes, to tell me you love me, to be by my side. I want you at the end of my life."
                       - Lady Gaga

Ganoon ang naging arrangement namin, tuwing after swimming class ko, pupunta kami sa cafeteria para kumain at mag usap. Hindi na ako nag-aalmusal sa house para magkasabay kami ni Wilber. This time, magkatabi na ang mga silya namin.

Every TTHS, lagi niya akong binibilhan ng mga favorite chocolates ko. Pag may mahirap sa mga lessons ko, ineexplain niya sa akin. Pero may time limit pa din kami.

At habang tumatagal, lalo naming nakikilala ang isa't isa. Marami na din akong natutunan tungkol sa kanya. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang mga ate niya mga lawyers na tulad ng father niya. Ang mother naman niya ay Psychology Professor sa isa sa mga kilalang unibersidad sa bansa at lawyer din. Siya naman grumaduate ng Political Science at may master's degree sa Public Administration. Nag-aaral pa siya ng Law and expecting to graduate October next year.

Dumating ang October, sports season at the same time review week ko kasi malapit ng finals. Kapag niyayaya ako ng mga friends ko manood ng games, may reason para mapanood ko si Wilber. Buti na lang fans niya sila. Pero passive spectator ako. Hindi ako makapagcheer dahil ayaw kong malaman nila ang tungkol sa amin. Siyempre masaya din si Wilber kasi nanonood ang inspirasyon niya. Flattered na naman ako.

Pero sabi nila, no secret is bound to be hidden forever. Mabubunyag at mabubunyag pa din daw no matter how careful kang magtago.

Hindi kami nakanood ng semi-final games nina Wilber kasi long exams namin sa Public Ad. Nang matapos ang exam, tinawag ako ni Atty Tomas, "Ms Labrador, please stay."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan. ""Why, sir?"

"Girls, you may leave now. Si Ms Labrador lang ang kailangan ko." utos niya sa mga kaibigan ko. Bantulot silang umalis.

"Sir, may hinahabol po kasi kami. Ano po ba iyon?" Umupo ako, malayo sa kanya.

"Hihingin ko lang naman ang opinyon mo?" ang paliwanag niya.

Samantala, sa hallway, nasalubong nila si Wilber, "Good evening, sir! Nanalo po ba kayo. Hindi kami nakanood," ang bati ni Leih.

Of course, ang unang mapapansin niya, wala ang girlfriend niya. Kaya imbes sagutin ang tanong, "Where is Ms Labrador?" siya ang nagtanong.

Namangha silang lahat. Si Louise ang sumagot, "Sir, tinawag po ni Atty Tomas, may pag uusapan daw po sila."

"Ha? Bakit niyo siya iniwan?" pagkasabi nun, nagmamadali siyang pumunta sa kinaroroonan ko. Nag alalang bigla ang mga kaibigan ko kaya sumunod sila kay Wilber.

Noong time naman na yon, very incoherent mag explain si Atty Tomas parang dinedelay lang niya ang stay ko doon. Mula sa platform, palapit na siya sa kinauupuan ko. Medyo nagpanic na ako. Para akong nasusuffocate. Patayo na ako ng biglang pumasok si Wilber.

"Will!" ang bulong ko. Noon pa lang ako nakaluwag ng paghinga.

"Hi Dan, are you finished talking to my girlfriend?" ang tanong niya.

Nagulat si Atty Tomas at ang mga friends ko. Nagkatinginan sila bago mapanuring tumingin sa akin, "Girlfriend? Kelan pa?"

"Yes Wilber, we're finished here. I'll go ahead. Girls!" at nag exit na si Atty Tomas.

Inakbayan ako ni Wilber, "You okay, sweetheart?"

Bago ako makasagot, may naunang chorus nang sumabat, "Sweetheart? Well friend, mukhang you have a lot of explaining to do."

Namula ako. Si Wilber ang sumagot, "Girls, maraming time pa para diyan. Tama na muna ang ilang excitements for tonight. It's late. Time for all of you to go home, Including you sweetheart. Let's talk tomorrow! Ihahatid ko na kayong lahat sa sakayan. Magsisiksikan nga lang tayo."

"Okay lang yon, sir. Excited kami," sabay nagtawanan sila. Lalo silang kinilig nung makita nilang inakbayan ako ni Wilber.

Siyempre ako din kinilig. Hindi lang yon, feeling ko napakasafe ko sa akbay na yon at parang I really belong there. Alam ko naramdaman din ni Wilber yon kasi, pinisil niyang balikat ko at nagkatinginan kami.

"Maaaring may Q&A tayo sa kotse kasi parang matagal pang Friday?" singit ba ng hinding makatiis na Gabbie. Lately nga unusually quiet siya.

Pagbukas niya sa mga pintuan ng kotse, inalalayan niya ako sa harap. Kasama ko si Leih sa harap at yung lima, nagsiksikan sa likod. Bulungan sila ng bulungan tapos magtatawanan.

Sinaway ko na sila, "Girls, unethical ang nagbubulungan."

"Don't worry hindi si sir ang pinagtatawanan at pinabubulungan namin, ikaw,' tawanan uli pero lahat na kami.

"Eto na ang first question, kailan kayo naging kayo?" banat agad ni Leih.

"Huhulaan ko. Noong first day natin ano?" sabat ni Louise. Edi tama ang sinabi ko may kakain dito ng binitawan niyang salita."

"Please enlighten me sa statement mo, Louise ang name mo, right?" naging curious ang only thorn among the roses.

Ako ang sumagot, "Sir, anong sabi ko about privacy among friends?"

"Hay naku, aminin muna kasi na sinabi mong hindi pa pinapanganak ang magiging boyfriend mo at hindi ka magkakagusto kay sir kasi...." Pinigilan ko na si Louise.

"Tigilan niyo na okay. Ginigisa niyo na ako ng husto."

Tumawa si Wilber, "Sige girls, nabubugbog ng girlfriend ko. Next time na lang pag naka-recover na siya."

Hindi talaga magpapaawat si Louise, "Bakit sir, ayaw niyong marinig ang interesting part?"

Na-save by the bell ako nung makarating na kami sa sakayan.

"Kung sineswerte ka nga naman talaga. Saved by the bell ka, friend. Nalugi yata kami doon ah. Technically, isang question pa lang ang natanong namin." Tawanan at hagikgikan.

Nang makababa na kami, doon pa lang muli nagsalita si Wilber, "Girls, mag-ingat kayo. Ingatan niyong sweetheart ko. Good night!"

"Good night lang walang kiss," tukso ni Chloe.

"O sweetheart, kiss daw?" kumagat naman sa tukso ang kumag, akala yata makakaisa muli.

"Bah, Mr. Laureano, nakaakbay ka na nga gusto mo pang kiss. Masyado naman yata tayong nasisiyahan. Good night!" sabay siko ko sa kanyang tagiliran.

Bumulong na lang siya sa akin, "Good night, sweetheart! See you, tomorrow!"

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now