Chapter 54 Going Soft, Atty.?

320 6 0
                                    

"Looking everywhere haven't found him yet. He's the big affair, I cannot forget. Only man I ever think of with regret. There's a somebody I'm longing to see, I hope that he turns out to be

someone to watch over me."
- Barbra Streisand

Weekend, busy si Wilber sa case niya at meetings with his client. Kaya kami ni Nuelle nag-shopping galore.
Nakapili na ako ng dress na isusuot ko sa Gala Night.

Napili ko ang isang black medieval retro dress. Long sleeves siya pero low neckline. May I silip ang cleavage ko dito, at low back din siya kaya bra less dapat. Magninipple pad na lang ako. Napaka-daring ang dress kasi nakabolgang tight waist siya with lace stitchings. Mid-calf pero you won't miss yung slit niya from knee to my lower groin kaya papartneran ko siya ng black pantyhose. To complete the ensemble black and silver high heels. At least, I'll feel confidently beautiful.

Pagdating namin sa bahay gabi na kasi nagdinner na rin kami sa labas. Bumulaga sa amin ang kotse ni Wilber. Mula sa gate, nakita namin siyang natutulog na sa bench sa front porch.

Binulungan ko si Nuelle. "Go ahead, honey. I will stay with your dad. You have to sleep early."

"Good night, mommy!" Bumulong din at humalik siya sa daddy niya.

Tumabi ako kay Wilber at nilagay kong ulo niya sa balikat ko. Ang guwapo talaga niya lalo na pag tulog. Very peaceful ang mukha niya at ang kinis. Ang sarap halikan.

"Go ahead, don't be shy. You may kiss me," napastraight tuloy ako. Ano yun? Mind reader.

"Excuse me, masyado ka talagang asumero."

"At ikaw, hypocrite. Nag-eenjoy ka naman sa mga halik ko, nagdedeny ka pa," nanunuyang sabi niya.

"Akala ko ba busy ka?" Kinambiyo ko ang usapan.

"You did not receive my text na I can have dinner with you?" Tanong niya.

"Nalobat kasi ang phone ko. Kumain na kami ni Nuelle. Does this mean hindi ka pa kumakain?"

"Obvious ba?"

"May dala kaming lasagna and bagel. Ibibigay ko pa naman sana sa iyo for your lunch tomorrow. Halika imicrowave ko muna," anyaya ko sa kanya.

"Alright!" Inalalayan niya ako sa pagtayo. "Before you do that," hinalikan niya muna ako. Akala ko matagal uli kaya anticipating ako. Smack lang pala.

Nang makita niyang anticipation ko, kinabig niya ako at hinalikan uli. This time longer and more tender. Napabuntunghininga ako.

"See, you're enjoying it! Let's continue later. Gutom na gutom na ako." Sabay bitiw sa akin.

I was moving in a trance. Wilberific effect. Para akong robot na sinusian para iset ang table at iprepare ang food ng hari.

Habang siya'y kumakain nakatingin ako sa kanya. Halos maubos ang isang tray ng lasagna at walang natirang bagel.
"Gutom na gutom ka nga."

Ngumiti lang siya. "I bet bumili ka na ng isusuot mo for the gala. May I see it?"

"And spoil the surprise. No!"

Ngumisi lang siya. "It's already late. Have to go."

"Alright!" Hinatid ko siya sa pinto. "Drive safely. Good night!"

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now