Chapter 15 Dine With Me

461 6 0
                                    

"Where do we go from here? Why do we stand in silence waiting for the other to make a move?"
                          - Donna Lewis

Tahimik akong kumakain. Hindi maalis sa isip ko yung next time. Anong ibig niyang sabihin sa next time? I was so deep in thought ng biglang nabasag yun.

"Is there a boyfriend na maaaring sumugod while we are eating?" tinatanong na pala niya ako.

"Baka ang girlfriend niyo ang sumugod, sir. I told you boys are not my priorities," I said in sarcasm.

"Good! Pareho tayong walang commitment. I am so relieved."

"Relieved of what, sir?" malabo pa lang kausap itong unggoy na ito, kung anu-anong sinasabi.

"Relieved dahil wala ka pang boyfriend," pangising sagot niya sa akin.

"Aren't you listening to me, sir? Boys in general,  and men in particular are not on my list of priorities," kapagod na, ah. Ano ba itong kausap ko may alzheimer?

"Heard you loud and clear, Ms. Labrador," nakangisi pa rin niyang sagot.

So divert na naman ako sa ibang topic. "Eh sir, bakit nga pala kayo absent sa class namin kanina?"

"O, namiss mo na ako agad?" biro niya sa akin, biglang ngisi.

"You wished, sir but sadly, I did not miss you, not even a single bit," sagot ko. But of course, miss ko siya kaya lang bakit ko iaadmit, hindi pa ganon kalala ang kabaliwan ko sa kanya.

"Ouch, thank you for bursting my bubble," kunwari na-hurt. (Sir, hindi bagay sa iyo ang drama, comedy pa baka uubra ka.)

"Kasi naman, sir, magkape ka naman paminsan-minsan para nerbiyosin ka bago ibuka ang bibig," nakangiti kong sabi.

Ngumiti lang siya sa akin.

Ang katahimikan mas nakakabingi laluna pag hindi mo alam kung anong nasa isip ng kasama mo. Panay nguya lang ang pinapakita niya sa akin.

Kaya ako na naman bumasag ng katahimikan. "Sir, bakit nga kayo absent? Not that it matters, last day na naman ng summer school," hirit ko.

"Well, if you insist, I took my mother sa clinic kasi nagkaroon na naman siya ng fainting spells niya," he explained.

"The dutiful son. Hope she is alright!" I told him sincerely.

Ngumiti na naman siya, "I am the youngest in the family of three boys. Saka ako din ang nasa bahay pa."

Hindi ko napansin, nakatitig na pala ako sa kanya. Nakaka-admire naman.

"Ahem, ahem!" patikhim niya. "Alam ko gwapo ako pero sobra ka namang tumitig, Ms. Labrador. O, eto napkin. Tumutulo ng laway mo," halos humagikgik na siya. Yes, hagikgik. Hindi ko alam na may lalaki pa lang humahagikgik. Pero mind you, bagay sa kanya.

"Hoy sir! Bakit naman tutulo laway ko? Hindi naman kayo yummy," pairap kong sabi.

"But, you are yummy to me especially your lips," pabulong niyang sinabi. Kinilig ako. (Say it one more time please.) Wala nababaliw na naman ako.

Nag-blush ang lola niyo para makarecover ako, tanging nasabi ko lang, "Sir, pag hindi kayo tumigil magwowalk out na ako."

Tinawanan niya ako at sinamahan pa nang pang-aasar, "Pikon, talo. Mabilis kang mapikon o sadyang defense mechanism mo lang pag sukol ka na."

Inirapan ko uli siya at ayaw ko ng mag-comment kasi lagi namang nagbabackfire sa akin.

"Curious lang ako, bakit ang tingin mo sa amin, distraction? Hindi ba kayo yun?" biglang kambiyo niya. Seriously, yan ang naisip mong topic?

"Bakit sir, paano kaming naging distraction laluna sa isang Wilber Laureano?" hamon ko sa kanya.

"Do you really want me to answer that?" bwelta niya sa akin, amusement on his face.

"Kayo sir? Hindi ko naman kontrolado kung anong sasabihin niyo. Kanina pa nga kayo, eh," more challenge from me.

"Well, you asked for it. Since time immemorial ang mga babae ang unnecessary distractions like Cleopatra  kay Mark Anthony, si Briseis kay Achilles, si Imelda Marcos kay Ferdinand Marcos. Let's narrow it down! You to me," tumingin siya sa akin ng ngiting-ngiti, waiting for my reaction.

"Ako? Eh ba't naman pati ako nasali diyan? Tapos kayo pang na-didistract ko? That's.." hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Language, language Ms. Labrador!" warning niya sa akin.

"Sir, I don't even know you. Etong summer class tayong nagkakilala. Tapos you're claiming na dinidistract ko kayo. You're unfair!" umuusok ng mga tenga ko. Warfreak na yata ako. (Tone down, Arya, professor mo pa rin yang kaharap mo.)

"If you will calm down, Arya. I will tell you why," mahinahon niyang sabi.

"Sir, no. I don't want to hear it. Pwede bilisan niyo ng kumain. Gusto ko na pong umuwi," yun na lang sinabi ko. Natatakot ako sa mga sasabihin pa niya.

We ate in silence na. Panay na lang akong sulyap sa kanya. Ang kumag lagi akong nahuhuli tapos kinikindatan na lang ako.

And finally, natapos din ang dinner namin. Another thing I learned about him, mala-army pala siya kumain, with gusto.

Tahimik kaming nagpunta sa antayan ng sasakyan. Ayoko ng magsalita kasi baka kung saan na naman mapunta usapan.

Dumating ang sasakyan ko, bumulong lang siya bago ako sumampa ng estribo, "Take care. I love you!"

OMG! Muntik na akong mahulog sa estribo buti nakaalalay pa siya sa akin. Napatingin ako sa kanya, nakangiti lang ang unggoy.



I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now