Chapter 47 Are We Or Are We Not

301 7 1
                                    

"Suddenly it's not so clear just what I am to you -- Am I a friend, am I a lover, do we still need each other? When you touch me, when you touch me baby I can tell." - Sergio Mendes

Palabas na ako ng bahay, nang may napansin akong kotse. Si Wilber. Nakasandal sa hood ng kotse niya. "Good morning, sweetheart!"

Dinisregard kong sinabi niya, "What are you doing here so early? Wala pa akong ipapaigib at ipapasibak sa iyo. Unless, sarili mong sibakin mo." Nakakaflatter ang presence niya pero parang OA na para sa akin.

"I'll be your driver. Ayaw mo ba?" Ang sarap burahin ng mga ngisi niya.

"I don't need you as my driver. Mas gusto kong hired cab kasi kumportable akong makakaupo sa likod. Pag ikaw, obligado akong maupo sa harap katabi ka" seryoso kong sinabi sa kanya.

"Ok fine, sit at the back. That's not a problem as long as magkasama tayo."

"You know what? You're impossible." Kinalabasan, sumakay din ako sa harapan.

"Alam ko namang hindi mo akong kayang tiisin. You're madly, deeply in love with me."

"You know what I changed my mind. I'll hire a cab na lang. Ayokong may makulit na kasama," inis kong sabi.

"Kasi ako I fell in love with you the moment I saw you sa plane. Yung face mo was a masterpiece nung makita mong kausap ako ni Nuelle, very classic," Is he professing his love? Oh no, so with or without amnesia ako pa din all this time.

"Nabigla kong makita uli ang college professor ko. Of all places sa eroplano pa on my way back" alibi ko na lang.

"And small world or meant to be, nagkita uli tayo at magkatrabaho pa."

"Well, nagkataon lang yun. Much ado about nothing."

"Do you think so? Sobrang coincidence, ha? And I have this feeling na we're more than professor-student." Ano na, Arya?

"Can we change the topic? Malapit na tayo sa hospital." Ang paiwas kong sagot.

"I'll slide this for now. Pero hindi lahat ng oras iiwasan mong mga tanong ko," umariba na naman ang mokong.

"We're here! Thank you for the ride," galak ko lang saved by the bell na naman si Arya. Bago pa ako nakababa, pinagbuksan na niya ako ng pinto. Hindi lang yun inalalayan pa akong bumaba. Paano ka ba naman hindi ma-iinlove sa mokong na ito, napaka-gentleman. Hays!

"Oh, thank you! See you tomorrow?" Pinilit kong magsalita with conviction.

"You can't get rid of me that easily. I'm going in with you to meet Gabbie," nakangisi na naman itong unggoy na ito. Or shall we say, pusang hindi mailigaw-ligaw.

"What? No, no, no, no! I cannot have you tailing me," laking tanggi ko.

As expected, "I drove you here, kaya, i'll drive you home which means kasama mo din ako pagsundo natin sa baby girl natin."

"Baby girl ka diyan! How many times do I have to tell you, huwag mong patulan ang ilusyon ni Nuelle. Please don't hurt her feelings," pakiusap ko na sa kanya.

"I love Nuelle as much as I do you so paano ko siya sasaktan? Ikaw lang ang nag-iisip ng masama. My intentions are pure, " Ano na, Arya, nasa hospital kayo. Talagang diyan pa kayo magliligawan? Heto kasing mokong na ito eh.

"Suit yourself!" Nauna na akong pumasok. Inabutan niya na ako sa pagpasok sa elevator. Habang nasa loob kami, hinawakan niyang kamay ko hanggang magbukas ang elevator. Sure ako hanggang tenga na naman ang mga ngisi niya, kaya hinayaan ko na at dinedma na lang.

As usual, late na naman ako. Complete attendance na ang grupo. Namangha sila ng makitang kasunod ko si Wilber.

"Is that you, Atty. Laureano? I can't believe it nang ibalita ng mga girls andito ka kahapon at gwapong-gwapo pa din. They were right! Super handsome ka pa din," aakalain mong hindi naistroke itong si Gabbie. Umarya na naman ang katabilan. Napansin na din niyang nag aahem ng asawa niya kaya, "but of course second lang sa my loves ko. "Sir, si Teddy, my only love. Loves, si Atty. Wilber Laureano, college professor namin at.." Hindi na niya natapos ang sasabihin pa.

Umeksena na ako. "At ngayon, pareho na kaming dean sa university."

Inabot ni Wilber ang kamay niya for a handshake kay Teddy, "Wilber na lang, pre!" Wow, may instant kumpare na siya ngayon. Sabagay, technically, magkumpare sila since ninong ni Nuelle si Teddy.

At kay Gabbie, "How are you?" Sa ibang girls, "Hi, nice to see you again!"

Nagkakatinginan sila tapos titingin sa akin. Alam kong gusto nilang itanong, "Anong ganap bakit kasama ko si mokong?" Napatingin na lang ako sa kisame.

After ng awkwardness, kwentuhan pero neutral at general topics. Cautious ng mga friends ko dahil ramdam na nila ang estado namin ni Wilber. Sensitive naman pala sila.

Nang 3:00 na, nagpaalam na kami kasi susunduin pa namin si Nuelle. Baka ma-traffic at ayokong maghintay ang bata. Okay lang kami ang maghintay. Gaano man katagal.

Pagka-upo namin sa kotse, "Isn't it fun? Me with your friends. Parang madalas kong ginagawa ito, right?"

Nabigla ako sa tanong, "Yes," Oh di ba nahuhuli ang isda sa bibig, hindi sa palikpik at lalong hindi sa buntot. Hays! Ang bilis ko namang mahuli.

Ngumisi lang siya sa akin, daig pang sinampal niya sa akin ang kanyang sagot, "Gotcha!"

Maaga kaming nakarating sa daycare kaya niyaya muna niya ako sa office niya at may mga naiwan daw siyang mga papers na dapat pirmahan.

True naman pala. Maraming papers ang kailangan ng signatures niya. Umupo muna ako sa sofa para magbasa ng mga law books na naka-display sa center table. Madalas sinusulyapan ko siya. Kahit nakasimpleng shirt lang siya, hindi maikakaila na man of authority siya at talaga namang walang kupas ang kagwapuhan.

Bigla siyang nagsalita habang pumipirma, "Nag-eenjoy ka ba sa view mo kaya baligtad yang binabasa mo?"

Napahiya ako. Namula ako mula paa hanggang anit. Hindi pa nakuntento, talagang may pa adding insult to injury pa, "Gustong gusto ko pag nagbablush ka. Ang cute mo! Ang sarap halikan."

"Pwede tigilan mo na ako? Aren't you done yet?" What can I say?

"Just a few more. Maaga pa naman."

"Gusto ko kasi paglabas ng anak ko ako agad ang makikita niya. And I missed her."

"Last one and I'm finished."


I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now