Chapter 50 Meet Daddy

310 6 0
                                    

"Every single day and every word you say, every game you play, every night you stay, I'll be watching you. Oh, can't you see?
You belong to me? How my poor heart aches with every step you take? - The Police

Araw-araw nang nagpupunta si Wilber sa bahay. Pag weekends, hanggang gabi siya nag-iistay. Kahit may hearings siya, hindi pwedeng hindi siya magdaan.

Sa school naman, alam na nang buong campus na kami na. Maraming natutuwa sa love story namin. Talagang everybody loves a love story.

From professor/student to campus sweethearts. Marami din naman naiinggit lalo na sa akin kasi ang bago ko pa lang daw ay nabingwit ko nang most elusive bachelor sa campus at gwapo't matalino pa.

Kung alam lang nila na matagal ng relationship namin, long before pang matapos ako ng college. 

Walang may alam na si Wilber ang ama ni Nuelle. Akala nila, gusto lang ng bata na tawagin siyang daddy lalo pa ngayon na may relationship na kami. Ang swerte ko daw for having a man like him especially considering na may anak na ako.

Hindi ko sila kinokorek. Katwiran ko hindi na nila dapat malaman ang buong buhay ko. As long as masaya kami, that's enough.

Iyan ang malaking pagkakamali ko...

Isang weekend, ginulat kami ni Wilber. Nagdala siya ng napakalaking inflatable swimming pool complete with floaters and slides. Kulang na lang diving board, ang tubig lampas baywang ko. At ang mokong may baon pang swimming trunks. OMG! Ang sexy ni mokong sa trunks niya

Na-stress tuloy ako. Siyempre hindi ako dapat pakabog. Ayokong maging manang sa tabi niya kahit ba kaming tatlo lang.

Buti na lang, niregaluhan ako ng skimpy bikini ni Ate noong pumunta kami ni Nuelle sa kanila.

Ay! Nakasimangot ang mokong. Hindi nagustuhan ang bikini ko. "What?"

"Don't you have any other swimwear. That's too sexy for my taste," reklamo niya.

"Ows, but you wear that?" Sabay turo ko sa trunks niya.

"But, I'm a man," katwiran ba naman.

"So kelan pa naging issue ang gender sa ating dalawa?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Since this," biglang kabig niya sa akin at halik sa mga labi ko. Syempre hindi ako pumalag. I love it. Yumakap na din ako sa leeg niya.

Pagtapos ng halik, "I'll let you now but today only. Kami lang naman ni Nuelle ang nandito."

Lumabas na si Nuelle, "Daddy, look at my bathing suit. It's nice, isn't it?"

"It's cute on you," at itinaas ang anak at inikot niya. Tuwang-tuwa si Nuelle.

Enjoy na enjoy ang mag-ama. "Daddy, you're unfair. You're always catching mommy. I want you to catch me, too," reklamo ni Nuelle.

Eh paano naman. Naghahabulan kami. Ako lang ang hinuhuli niya sa pool. Kasabay noon, yakap at halik. Nagselos ng anak namin. Hindi alam ni Nuelle, sinasadya ng ama para makayakap at makahalik sa akin. Bulok ang style. Kitang-kita ang tali.

"Sorry, baby! Closest lang kasi sa akin si mommy. Here, I got you," nagpalusot pa ngayon. Tuwang-tuwa naman ang bata lalo na nung sabay namin siyang kiniliti.

Huminto muna kami. Pare-pareho namang pagod at gutom. Unahan sa pagsuot ng robe at pagtakbo sa mesa. Lahat ng food namin mga pina-deliver. Ayaw na kasi ni Wilber na maistorbo ng pagluluto ang oras ng kasiyahan namin.

Napaisip tuloy ako. Sinayang kong five years na dapat sana'y masaya kaming magkasama. Pero sa isang banda baka maging shortlived lang ang kasayahan namin. Laging naka-out ang katotohanang hindi ako gusto ng nanay niya dahil hindi ako abogado. Eh ngayon, kahit Doctor of Philosophy lang ako, doctor pa din ang tawag sa akin. Maaaring mababaw pero self esteem ko din ang nakataya dito. I hope magiging okay nang lahat at wala ng magiging kontrabida pa. I hope.

Bumalik lang ako sa realidad ng marinig kong boses ni Wilber, "May problem ba, sweetheart?"

"Wala, wala. Naisip ko lang sana huwag nang matapos ang kasiyahan natin." Deja vu ba ito?

Niyakap niya ako, "Hindi mangyayari ang kinatatakutan mo. Trust me. Lahat ay may solusyon."

Biglang may pumaradang kotse sa harapan ng kotse ni Wilber. Pag baba ng lalaki, napangiti ako, "Riel?"

Nakita din ni Nuelle kaya sumisigaw itong tumakbo at winelcome ang newcomer. "Daddy Riel, you came." Kinarga ni Riel si Nuelle at pinupog ng bata ng halik ito.

"You did miss me, kiddo?" Masayang sabi ng lalaki. "Arya, we missed you both." Sabay yakap at halik sa akin

"Kelan ka dumating? Bakit hindi ka man lang nagsabi para nasundo ka namin. Kamusta naman sila?"

"I want to surprise you both! Marami silang padala sa inyo lalo na sa babying ito."

"Halika, andito si Wilber. Siya ngang mastermind nitong kasiyahan namin," anyaya ko kay Riel.

"Really! Finally, nagreconcile na kayo. They will be happy to hear the good news." ang masayang sabi ni Riel.

Pag balik namin sa may pool, wala si Wilber. Hinanap ko sa loob ng bahay pero wala din Bigla kong narinig ang kotse niya. Umalis, bakit siya umalis?

Tinawagan ko siya. "Sir, where are you going?"

"Ayokong makaistorbo sa inyo ng bisita mo. May payakap pa kayo?" Pagalit niyang sabi.

"Ano ka ba? Si Kuya Riel yun, asawa ni Ate. Ipapakilala sana kita bigla kang umalis," sabi ko.

"Asawa ng ate mo?"

"Nagselos ka noh?" Biro ko sa kanya.

"Hindi noh? Mas gwapo ako sa kanya ng ilang paligo at to top it all, hindi ka naman sa kanya dead na dead, sa akin." Nakita niyong over confidence ng mokong na iyan.

"Talaga lang, ha? Bumalik ka na, mamang sseloso," hikayat ko sa kanya.

"Okay sige, bibili lang ako ng ice cream sa convenience store para may alibi ako," tumawa na lang ako.

"Bumili pala ng ice cream pero pabalik na yun," paliwanag ko sa dalawa na naghihintay ng sagot sa misteryo ng pagkawala niya. Pero, I don't think naniwala si Kuya Riel. Halata naman talagang nagselos ang mokong. Lol!

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now