Chapter 45 Nuelle Goes Camping

295 6 0
                                    

"Alone at last, you and I
Together locked in a sigh
The musics soft, lights are low
The mood is one all lovers know" - Jackie Wilson

Pag tinakda, walang bagyo o sibat na makakapigil sa kung ano'ng mangyayari.

May camping sina Nuelle sa daycare, two days and one night. Mula ng bumalik kami, ngayon na lang kami maghihiwalay ni Nuelle.

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Wilber kasi nag-email siya sa akin. "Alone at last. Not that I don't like Nuelle joining us pero I want you all by myself kahit sandali😁😁😁"

"Unfortunately, I have plans with my friends. I haven't seen them for awhile, 😔😔😔" sagot ko sa kanya. Masyadong intense siya at hindi ko siya kayang harapin pag ganyan siya.

Nagtaka ako hindi na siya nag-email back. Hindi ko alam kung marerelieve ba ako or dapat kabahan.

Kabahan is the key word. Dahil sa day ng camping, papasok pa lang kami ng daycare, naghihintay na si Wilber.

"Hi daddy! Why are you here?" Ang bati ni Nuelle sa ama.

"I missed you, baby," ano na naman kaya ang pakulo nito.
At binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin na parang nagsasabi ng "You're not off the hook."

"Alright, baby! Give me a kiss and you may join your friends," ang tanging nasabi ko. Humalik si Nuelle sa aming dalawa.

Nang makapasok ng bata, "I have to go now. Nakakahiya kung ma-late ako. Sige, mauna na ako," paalam ko sa kanya

"Why are you running from me, Dean Labrador?" Pahabol niya.

Hinarap ko siya. "I'm not running from you, just avoiding conflicts. And you know what that is. Look here, I cannot play you're third wheel."

Biglang nagring ang phone ko. Si Leih. "Yes, Leih. I'm on my way now."

"Asan ka na? Hindi tayo matutuloy, mars! Sinugod sa hospital si Gabbie, apparently, stroke. we're going there now," balita niya sa akin.

"What? What hospital?"

"St. Clare's."

"Sige, see you there. Ang galing ng ating reunion, hospital."

"Oo nga, see you!"

Nasa likod ko pa pala si Wilber, "What happened? I heard St. Clare's."

"Si Gabbie dinala sa St. Clare's. Mukhang doon kami magrereunion. My friends are on their way now. Sige, have to go," paalam ko sa kanya.

"I"ll take you there para mas mabilis kang makarating," offer niya sa akin. Hindi pwedeng makita ng mga friends ko si Wilber. Baka ako ang matuluyan.

"I can manage saka moment namin yun. I don't want you there," sinabi ko na lang sa kanya.

As expected, makulit talaga. "Ihahatid lang naman kita. What's wrong with that?"

"Fine, have it your way. Hatid lang ha?" Humihingi lang ako ng assurance. Pero ngiti lang ang sagot niya sa akin.

"So what about answering my earlier question?" Sinimulan na naman niya ako.

"Hindi mo ba narinig ang sagot ko. Very loud and clear naman. Not very lawyerly ha?" Pabirong sagot ko sa kanya.

"I am serious," sabi niya sa akin.

"Don't worry! Papunta na tayo sa hospital. You can have yourself checked," pabiro ko ulit.

"So, dinadaan mo na lang sa biro. Are you in love with me?" Nagulantang ako sa pasabog niya.

"What? Are you being funny? Bakit naman ako magkakagusto sa iyo?" Siyempre magmamaang-maangan ako. Ano siya sineswerte at ako pang unang magsabi ng feelings ko. Kamag-anak ko yata si Maria Clara. Talaga lang, Arya?

"Bakit nagbablush ka?" Patuloy niya.

"Ano ka? Blush on lang yan," defensive.

"Eh halatang wala ka namang make-up! Blush on ka diyan," nakangisi niyang sagot.

Natameme ako. Arya, sagot. Matutuwa yan pag natalo ka niya. Wala kong maisip kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

"Cat got your tongue! Okay, for your info, bago ako maospital, tinapos ko nang kaugnayan ko kay Cynthia," ang mokong nakangisi pa.

"Really? Bakit sabi mo kay Atty. De Leon, may Cynthia ka na?" Naku, Arya! Masyado kang transparent.

Tumawa siya. "Alam ko kasing nakikinig ka. Pinagselos lang muna kita."

"Ba't naman ako magseselos? Hindi naman kita boyfriend or manliligaw?"

"Edi gawin mo akong boyfriend! Anyways, crush mo naman ako since you're in college." Walang kasing kapal ang mukha.

"Excuse me, studies lang ako noon. Hindi ako nagboboyfriend lalo na pag hindi ako nililigawan. Ano ako? Cheap?" Inirapan ko siya.

Nakarating na kami sa hospital. "Thank you for the ride."

"Ganun lang?"

"Bakit mayroon pa ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Pagkatapos sinenyas niya by way ng pagturo sa lips niya.

"Ewan ko sa iyo. You just wish..Diyan ka na nga." Sabay baba, sarado nang pinto at wala ng lingon-lingon pa. Deretso na ako sa hospital entrance.

Ako na lang pala ang wala. Good thing, mild stroke lang ang nangyari kay Gabbie. At parang walang pasyente sa amin, para kaming mga high school girls. Buti na lang nasa private room kami. Nag order kami ng food. Si Gabbie parang hindi na-stroke kung makahagikgik.

Kung pwede lang kaming mag overnight sa hospital, ginawa na namin. Bitin ang bonding namin.

Paglabas namin ng elevator, nakita namin si Wilber sa hospital lobby. "Bakit andito ka pa?"

"Hi girls, I remember your faces but not your names pasensya na kayo," hindi niya ko sinagot.

"Understandable naman, sir, age does matter," ang pilyang sagot ni Louise.

"Ouch! Do I look that old?" Kunwaring na-hurt ang mokong.

Si Leih ang sumagot to his defense," Naku sir, ang gwapo niyo pa din nga hanggang ngayon. Parang ganun pa din kayo. Di ba, girls?"

"Walang kupas," chorus ng lima.

"How about you, sweetheart?" Bumaling siya sa akin.

"Kayo uli?" Si Cheska ang nagtanong para sa grupo.

"Bakit naging kami ba?" Ang mokong curious na naman.

Siniko ni Leih si Cheska. "Gaya ng sinabi ko sir, dati prof namin kayo, ngayon equals na kayo ni Arya."

"Kelan mo nakausap si Sir?" Pagulat na tanong ni Louise. Pinandilatan na lang namin siya para tumahimik.

Hindi na nagpa-explain si Wilber. Malakas ang radar niya at alam niyang may takipan among friends.

"Okay sinabi niyo, eh. Are you going somewhere?" Tanong na lang niya.

Sasabihin ko pa lang na may dinner pa kami. Naunahan ako ni Louise. "Uwian na po kami, sir. Bukas na lang uli kami babalik para mapasaya namin si Gabbie.

At nagsecond the motion naman si Cheska. "Alright, see you tomorrow. Andito ng ride ko."

Beso-beso at naiwan na ako kay Wilber. Maski si Leih umeskapo na rin.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now