Chapter 41 Don't Leave Me Again

290 3 0
                                    

"I never felt so good, yet felt so bad. You're the one I love. And what makes it sad is you don't belong to me." - Barbra Streisand

Hidden Scene:

Dumerecho pala si Wilber sa law firm nila. Tamang-tama katatapos lang nang Management meeting kaya andoon lahat ng mga magulang at kapatid ni Wilber. Ang nanay niya ang unang nagsalita, "I thought you can't make it to the meeting kaya we proceeded without you."

"I need to ask you this and you have to be truthful. Sino si Arya Labrador bukod sa siya ay former student ko, Mother?" Ang tagal bago nakasagot ang nanay niya.

"Arya was your fiancee that's best forgotten," ang madiin na sagot.

"And why is that?"

"Son, siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente. She left you for her ambition. She's not good for you." Ang nanay pa rin niya ang nagsasalita habang tahimik lang ang iba, nakikinig at nakikiramdam.

"That's according to you, who's good for me? Cynthia? Is she even my fiancee?" Umaatake at tumataas ng mga salita at boses ni Wilber.

"Watch your tongue, son. You don't know what you are saying. Listen to your mother. Kapakanan mo lang ang iniisip namin," hindi na nakatiis ang ama niya.

"I never proposed to her during my convalescent period. You made it appear na siya ang fiancee ko. When you knew very well, Arya was. How could you do that?"

Wala na siyang hinintay na sagot. Lumabas siya ng conference room na nakatiim ang bagang. Ang malas pa nito, nasalubong pa niya si Cynthia, "Don't pretend anymore. I know the truth now."

"What?" Hindi naintindihan ng babae ang sinabi ni Wilber. Kaya nung pumasok siya ng conference room, "What's that all about?"

Samantala, nagtagal na nag stay si Wilber sa kotse, he understood now bakit siya tinatawag na daddy ni Nuelle at kung bakit nakasuot ng engagement ring si Arya samantalang walang fiance na nagpapakita sa school, not even once. Pero bakit wala siyang maalala.

Bumalik si Wilber sa school, para sa evening class niya. Pero hindi pa siya nakakalabas sa office niya, nang biglang nanikip ang dibdib niya. Nahihilo siya. Napaupo na lang siya. "Sir, are you alright? Namumutla po kayo." Nang hindi sumagot si Wilber, dinala siya sa clinic.

Kinuhanan kaagad siya ng BP. Mataas ito kaya ang advice ng doctor dalhin na siya sa nearest hospital. His symptoms are that of having a stroke. "Dean, we can call a relative to meet us sa hospital."

"Please call Dean Arya Labrador." At naging unconscious na siya.

Kaya heto na ako sa emergency room, nakaupo sa tabi niya, full of worries. Ang sabi ng doctor, it's not a stroke. He seemed stressed daw. He needs to rest for a few days.

Inasikaso ko muna ang room niya para makalipat na siya. Habang nasa Admitting ako hindi pa din mawala sa isip ko bakit ako ang tinawagan hindi ang pamilya niya. Mabuti na lang hindi pa nakakauwi ang bantay ni Nuelle. After ko sa Admitting, tinawagan kong secretary niyang si Lorrie para tawagan ang family ni Wilber to inform them.

Nilipat na si Wilber sa room niya pero unconscious pa din. Effect na daw yun ng sedative. Anytime ay pwede na siyang magkamalay.

Nilagay ko ang isang silya malapit sa kama niya at ginagap kong palad niya. "Wake up, sir! We need to talk," ang bulong ko sa kanya. "Nuelle needs you. I need you." Naluluha kong bulong sa kanya.

Effective talaga ang bulong kasi pinisil niyang kamay ko at dumilat ng bahagya. "Don't leave me again, sweetheart. Welcome home!" Marahan niyang bulong. After noon, pumikit siya uli at natulog. Hawak pa din niyang kamay ko. Pag hinihila ko, hinihigpitan niya ang hawak dito.

Tinawagan kong bantay ni Nuelle. "Molly, okay lang bang magstay ka tonight. Hindi kasi ako makakauwi. Unstable pang pasyente ko." Pasyente mo, Arya? Doctor of Philiosophy ka hindi ng medicine.

"Okay po. Nag eenjoy naman po kami ni Nuelle. Kakausapin daw po niya kayo." Binigay niyang phone kay Nuelle.

"Darling, I can't go home tonight. I'll take care of your dad muna."

"Is he okay? Can I see him?" Naiiyak na tanong niya.

"Don't cry, baby. Tomorrow, you will visit him. Promise! Be a good girl," Saka nagpaalam na ako.

"Sir, magpagaling ka na. I did not know na you are stressed out," kinakausap ko siya kahit tulog. Sabi nila mas madali daw gumaling ang maysakit pag kinakausap mo ng unconscious. Na-tatap mo daw ang subconscious niya.

Hindi ko namalayan nakatulog na ako na magkahawak pa din ang aming mga kamay habang nakatungo ako sa gilid ng kama.

"Sweetheart, wake up!" Ginigising ako ni Wilber.

Pupungas-pungas pa ako. "May kailangan ka ba or may masakit sa iyo?"

"Wala. I'm fine. I want you to lay beside me." Wow! Ang Lolo iba din mag-request.

"Sir, it's against hospital policy to sleep on the same bed with the patient."

"Nakalimutan mo yata. Lawyer ang kaharap mo. I'll defend you."

Not funny but original. Magaling na nga ang kumag. "Okay ako dito. Don't worry wala akong planong umalis."

The following morning, hindi ako makapaniwala. Ang boyfriend ko may amnesia uli. "Arya, what are you doing here? At bakit ako nasa hospital? Naaksidente ba uli ako?"

Hindi ako nakasagot agad. Ano ito? Pinaglalaruan niya yata ako ah. "That's a bad joke, Atty. I don't fall for it."

"I don't understand bakit ako nandito. Wait, did I faint?"

"Yes, apparently, stressed out ka kaya bumigay ang katawan mo."

"But, why are you here? And you spent the night taking care of me? I'm flattered. Sana they called my mom or Cynthia."

Doon ako nagpanting. "Ganun ba? Eh di tawagan mo sila for all I care," sabay nilayasan ko siya. Ang lolo napanganga na lang. Hindi niya alam kung anong tumama sa kanya.

Author's Note: Sorry for the mix up. This should come first before "Dear Arya". Thank you for your patience. Enjoy reading!

I Love You, My Handsome Prof!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin