Chapter 24 Can't Shake You Off!

399 8 0
                                    

"Watchin', I keep waiting, still anticipating love. Never hesitatin' to become the fated ones."
                     - Berlin

Nagpahinga lang ako ng isang buwan saka ako nagsimulang mag-apply ng work.  Mabilis naman akong nakakuha ng work as an HR Assistant.
Kasama sa mga pre-employment requirements ko ay ang diploma at Certificate of Completion. Kaya kailangan kong pumunta ng school.

Para mabilis ang proseso, nilapitan ko si Leo. Malapit na ako sa opisina niya ng makita ko si Wilber na palabas nasa opisina nina Leo. Halos nasa pintuan na ako kaya hindi ko na nagawang umiwas.

Pagkakita niya sa akin, hindi na siya nakapagpigil at niyakap na niya ako.

"Will,' sa bigla ko nasabi ko lang ang name niya.

"I'm sorry, super miss na kita. Walang araw na hindi kita iniisip. Hindi ko nga alam how I got by,"  inamin niya sa akin.

"I'm sorry, sir. Ang tanging alam ko hindi ko pa kayang ipaglaban ka sa aking pamilya. Pero kung dumating ng panahon na hindi mo na kaya hindi sasama ang loob ko kung bumitaw ka na," malungkot kong sagot sa kanya. Pasensiya na kung nag-eemote ako. Nahihirapan din naman ako sa sitwasyon namin.

Hinila niya ako papunta sa favorite shed namin. "Never kitang susukuan. Tandaan mo andito lang ako. I love you."

Hindi ko napigilan ang sarili ko, niyakap kong baywang niya at nilagay ang pisngi ko sa dibdib niya. Nang yumakap na din siya sa akin, halos ayoko ng bumitaw.

"Can you have lunch with me? May klase pa ako. I hope you can wait for me ng 30 minutes more," pakiusap niya.

"Sige, sir. Asikasuhin ko lang muna ang mga requirements ko. Saan tayo magkikita?" Hindi ko alam kung tama bang decision ko. Pero ngayong kaharap ko siya, hindi ko kayang humindi. Hays, ang gwapo talaga ng boyfriend ko hanggang ngayon. Ows! boyfriend daw?

"Here's my car key, pag nauna ka, just stay there," at pumasok na siya sa klase.

Mabilis naman akong natapos. Malaking tulong talaga pag may inside man ka. Pag-upo ko sa
harapan, una kong napansin ang rearview mirror pendant niya, picture namin together na si Louise pang kumuha. Ang cute namin tignan.
Nagulat ako sa ilalim ay mga maliliit na frames ng mga pictures ko.

"Do you like it?" bungad niya sa akin pagdating niya.

Halos maiyak ako. I felt guilty. Ramdam na ramdam kong pagmamahal niya.

Napangiti na lang ako. "Saan tayo kakain?"

"Okay lang ba sa iyo kung sa coffee shop na lang na malapit sa bookstore? May klase pa ako in 2 hours," pakiusap niya.

Sino ba ako para tumanggi sa munti niyang kahilingan? "Sige, sir, para malapit na rin sa sakayan. Lakarin na lang natin."

Habang naglalakad kami, hinawakan niyang kamay ko, tinignan ko siya at nginitian. As usual,  umorder na naman siya ng pang-limang tao, at lahat ay mga paborito namin.

Pag-upo niya, "Did you like my gift?"

"Siyempre nanggaling sa iyo. At huwag kang mag-alala lagi ko siyang kayakap at katabi. I called her, Ilya, combination ng names natin," natatawang sagot ko sa kanya.

"Mamaya pag uwi mo, try mong yakapin ang kanyang leeg, andun ang talagang gift ko sa iyo," sabi niyang may misteryo sa mga mata niya.

"Alright! Ubusin mo lahat yan ha? Mukhang pumayat ka eh," sabay  hawak sa kamay. Pinisil niya ito.

"May nahanap ka na bang work? Pag wala pa, pwede kitang irefer," alok niya sa akin.

"Okay na ako. Saka ayokong matanggap dahil may nagrefer sa akin.  Gusto ko dahil sa credentials ko," tinuran ko sa kanya.

"Diyan ako bilib sa iyo, meritocracy ang pinapairal mo lagi," comment niya sa akin.

"Eh kayo sir, ano naman pinagkakaabalahan mo?" gusto kong malaman mga happenings niya para kahit papaano may pinanghahawakan ako na galing sa kanya.

"Pinagpatuloy ko yung law course ko kasi nahihiya naman ako kung ako lang ang hindi abogado sa family. Mahirap talaga ang family pressure," patama niya sa akin.

"Bilisan mo nang kumain. Magtataka ng mga Ate bakit wala pa ako sa bahay," paiwas ko.

"Sweetheart, I have a class at 2:00. Hindi mo ba pwedeng ibigay ang 30 minutes  mo?" So pina-guilty pa ako.

"Pasensiya ka na kung lagi kitang pinapahirapan. Pero sige, magdadahilan na lang ako?" Saka ko sinandal ang ulo ko sa bisig niya.

"Sweetheart, huwag mo akong lambingin baka hindi na kita pakawalan, tao lang ako," sabi ba naman niya sa akin.  Pag-auditionin ko kaya ito sa Star Magic para may kakumpitensiya si Papa P.

"Sinasabi mo lang yan but eventually hindi mo ako mapipigilan. Bilisan mo 20 minutes na lang time mo na. Ihahatid mo pa ako. Maglalakad ka pa. Remember ayaw mo ng mga latecomers," tinukso ko siya.

"Let's go! Hatid na muna kita."

Nasa may sakayan na kami nang sabihin niya, "Kailan kaya tayo magkikitang muli?" Bigla naman akong nalungkot.

"Wala akong maisasagot, sir! Sige na, ayokong ma-late ka." Niyakap niya kong mahigpit at dinampi niyang labi niya sa akin.

"Up to what time ang klase mo?" tinanong ko sa kanya.

"4:00," matipid na sagot niya.

"Late na rin naman ako sa pag-uwi. Antayin na kita. Bahala na si batman!" Hindi siya nakapagsalita. Hinawakan kong kamay niya at hinila kong pabalik sa school. "Okay lang bang sa kotse mo ako mag-antay?"

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Thank you! You made me so happy!"

Hinatid niya muna ako sa kotse. "Buksan mo yung ac. May bago akong binili na Grisham book, "The Firm". Basahin mo, pag nagustuhan mo, iyo na lang."

Natawa ako. "Sige na sir, 2 minutes na lang bell na. I can manage."

Nakakailang pages pa lang ako nakatulog na ako. Favorite ko pa naman si Grisham saka mukhang maganda ang plot. Napagod ako siguro.

Nagising ako ng may bumukas sa kotse. Si Wilber, nakangiti. "Kahit saang anggulo, pati pagtulog, maganda ang sweetheart ko."

"Binola mo pa ako. Halika na ihatid mo na ako."

Nagulat siya, "Bumalik ka para matulog lang sa kotse ko?"

"Joke! May dalawang oras pa tayo at talagang uuwi na ako."

Nagkwentuhan kami sa kotse niya. In between ng kwentuhan siyempre konting kissing naman. Pwede bang mawala yun.

6:00 pm.  Hanggang diyan na lang kami. Walang goodbye. Kiss lang at wish na magkita kami agad.

Pagdating ko sa house, sinabi kong mahabang pila sa kuhanan ng diploma at certification of completion, traffic pa sa pagpunta sa school at pag-uwi.  Hindi na sila nag-usisa kasi nakita naman nilang nakuha ko ang talagang pakay ko sa school.

Pagpasok ko sa kwarto ko, una kong hinawakan ay ang bear na niregalo ni Wilber.  Kinapa ko ang leeg nito at nakita ko ang isang gold-silver na singsing na nasa gold chain na may heart picture pendant. Inalis ko ito sa leeg ni Ilya. Binasa ko ang inscription sa singsing - Arya, I Love You! W. Binuksan kong heart pendant, pictures namin ang nandoon.  Na-touch ako.  Imagine, ilang months ko nang kayakap at katabi si Ilya, wala akong kaalam-alam na may suot pala siyang singsing at kwintas. Nakaka-proud at the same time kilig to the bones ako.




I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now