Chapter 2 You Finally Found Me

867 15 0
                                    

"Now you were standing there right in front of me, I hold on, it's getting harder to breathe. All of a sudden these lights are blinding me. I never noticed how bright they would be."
                         - Harry Styles

Enrolment. Nakapila kami sa Registrar's Office. At dahil boyfriend ni Gabbie ang isa sa mga Registrar Clerks, sabay-sabay kaming nakapasok sa opisina.

Nakilala ko agad yung lalaking nakatalikod. Si Wilber. "OMG!"Naka maong at t shirt lang siya unlike nung una ko siyang makita na naka polo shirt siya with his sleeves rolled hanggang siko.

For the first time, narinig kong boses niyang napaka aggressive at the same time sexy, habang kausap niyang Registrar. (Teka, parang narinig ko nang boses na yun somewhere). Aniya, "Just make sure na hanggang 20 lang ang bawat klase ko less hindi ko tatanggapin ang excess. At two classes lang ako a day." Saka siya umalis.

There I was looking at him, he looked back at me and grimaced. Naramdaman kong tumaas ang dugo sa mga pisngi ko. Habol tingin pa din ako ng may nagsalita sa likod ko. Si Louise, "Mukhang magkakatotoo ang sinabi ko ah! Ang aga naman.."

"Tigilan mo ko o hindi ko itutuloy itong enrolment ko. Kayo na lang mag summer," banta ko.

"Pikon!" ang tanging sagot ni Louise. (Sabi nga you can't argue with someone who has the upper hand).

Dumating ang unang araw ng summer class,  as agreed, magkasama kami ni Leih sa Polsci 101. Tuesday, Thursday at Saturday ang sessions namin, 9:00 to 11:00 tuwing umaga. Ang iba naman ay ahead lang ng 30 minutes kasi may klase pa sila ng 2:00 hanggang 4:00 ng hapon. Pero usapan namin hanggang 2:00 lang ako kaya dapat magawa na namin ang mga assignments bago ang klase nila sa hapon.

Nang pumasok na sa klase sina Louise, nag stay pa kami ni Leih sa may campus park.

"Kita mo naman, pag suswertehin ang araw mo, sa iyo talaga," bulalas ni Leih.

"Ha? ano yon?" I asked in amazement.

"Look who's parking behind you! May summer class si Wilber. Ayan na siya!" excited na excited si Leih.

Pag lingon ko, padaan na siya sa kinalulugaran namin. Bakit ganon kaswal at at home siya sa maong at rolled-up sleeves niyang polo? Refreshing kung titignan mo siya unlike any other man na dugyutin lalo na pag summer.

Napadaan siya sa kinaroroonan namin at noong malingunan niya kami, ngumiti siya sa amin. Lalong kinilig si Leih at siyempre hindi ko aaminin na naapektuhan din ako ng ngiting iyon.

Nagyaya pa si Leih na magpunta ng LR kaya ilang minuto na lang malelate na kami. Papalapit na kami sa classroom namin nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Oh no! How can I forget that sexy aggressive voice! Please sana mali ako. Hindi si Wilber ang professor na assigned sa amin.

Pero of course hindi ako nagkamali kasi I came to be familiar with that voice kahit pa sabihin mong bumulong lang. (No, of course not, that's only an exaggeration). Si Wilber nga.

Binati namin siya at derecho kami sa likod ng classroom. Nakakahiya kami ang pinakahuling pumasok. Kauupo lang namin ng marinig namin si Wilber. "Ladies, may I have your course cards? And please next time, come early, I don't tolerate latecomers."

Adding insult to injury, strike 2 na sa pagkapahiya. Pero sabi nila they always come in threes. Pinasabay ko kay Leih yung course card ko. "What's your name?" ang biglaang tanong ni Wilber kay Leih.

Medyo ninenerbiyos pang sumagot si Leih, "Aurelia Sanchez, sir."

Tapos bigla niyang binaling ang atensyon niya sa akin. "And you are, Maria Labrador?" Full force ang pagtaas ng kaliwang kilay niya.

Tumayo ako para iacknowledge siya. "Yes, sir!"

"Don't you know how to hand in your course card by yourself?" pangisi niyang tanong.

Strike 3. Out na sana ko. Gusto kong magwalk out sa pagkapahiya but I am a fighter.

"Why sir? Have you never in your life asked simple favors from friends?" matapang kong tugon pero deep inside ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"I see but I tell you, all of you, I don't need prima donnas here. When I say something for you to do, you have to do it yourself. That's what you call independence."

Hindi ako makapaniwala. Eh power tripper pala itong lalaking ito. At that moment, I was starting to flare up. Kaya with a controlled voice sinagot ko siya ng walang kagatul-gatol.

"I perfectly agree with you, sir. We need to start to be independent. But I hope you are not judgmental in looking at one side of the incident. What passed between us is among friends. If I were nearer the aisle, I will be the one to submit our course cards. As it is, she is. I assure you I am independent as well as a team player. Do we need to discuss this further and waste our time in this petty discourse?" Hinamon ko siya, meeting his eyes.

"I like your spunk, Miss Labrador! We will see   how far your challenge will go. So challenge accepted!" pangisi na naman niyang sambit. Para akong natauhan. Ano ba ito'ng pinasok ko?

"Sir, I don't mean anything. I am just driving a point," malumanay kong  sinabi.

Pero tinignan lang niya ko at nginitian. Para kong matutunaw sa tingin at ngiti niya. Napaupo na lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.

"You're subject is Political Science. Who can tell me what it is all about? Shall we hear from you, Ms. Labrador?" Nag-issue na siya ng unang paghamon.

Good for me. Prepared ako. Kagabi pa lang ay nag aral na ako. "Political science is a study of politics. One who studies it must have a grasp of what's happening around him socially and politically. The ideologies, ideas and beliefs of a certain group, community or government."

"I see you know your subject. I am impressed. I hope you can keep up in the days to come!"

"Suit yourself," I muttered to myself. Lumapit si Wilber sa akin na parang tinitignan ang likod ng upuan ko.

Hindi napansin ng klase na simpleng bumulong ito sa akin, "Don't test my patience." Napatingin ako sa kanya halos magdikit ng mga pisngi namin. Sabay ngumisi na naman siya.

Paano niya narinig ang bulong ko? Si Leih na katabi ko hindi narinig. May bionic ears bang mamang ito? Unbelievable!

Right there and then, napagdesisyunan ko na magdadrop na lang ako. He is a dangerous enemy that I cannot take on.

Ang dalawang oras namin seemed forever. Gusto ko ng magbell at lumabas sa classroom niya and get away from him, as far as possible.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now