Chapter 20 Enough Is Enough

369 9 0
                                    

"And if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do."
      - Drew Barrymore / Hugh Grant

"Hop in. Mag-uusap tayo," walang kaabug-abog na sabi niya. Habang naghihintay ako ng masasakyan, huminto sa tapat ko ang kotse ni Wilber.

"Sorry sir, wala tayong dapat pag-usapan. Saka mahirap na mamaya sugurin ako ng girlfriend niyo," matapang kong sagot.

"Sasakay ka or gusto mong kaladkarin kita papasok," banta niya sa akin. Kitang-kita kong pinipilit niyang kontrolin ang sarili.

Padabog akong pumasok at umupo sa front seat. "Ano pa bang dapat natin pag usapan?"

"Your place or mine?" nakakapagtakang tanong niya sa akin.

"Anong your place or mine? Bakit?" ang tangi kong nasabi.

"Saan mo gustong mag-usap tayo, sa bahay ko o sa bahay niyo? I prefer sa bahay niyo para makapagpakilala na ako sa family mo," paliwanag niya na parang everyday occurrence yung pagpunta sa amin.

"No, magtataka sila bakit may kasama akong lalaki at professor ko pa. Bakit kung gusto niyo akong kausapin hindi pa sa school? Takot ba kayong makita ni Laurie na kausap niyo ako?" binanggit ko ng pangalan ng girlfriend niya.

Pero hindi na niya ko sinagot bagkus nagpatuloy siya sa pagdrive. Pumasok kami sa isang subdivision, malapit sa school. I guess pupunta kami sa bahay niya. I am correct.

Binuksan niyang gate ng isang bungalow type na bahay at pinasok niya ang kotse. "Welcome to my humble abode! Ikaw ang kauna-unahang babae na dinala ko dito," buong pagmamalaki niya.

"So, dapat ko na po bang ikatuwa yan? Ano po bang mahalagang pag-uusapan natin?" maangas kong sagot.

Hinapit niya ako sa baywang at hinalikan sa labi. It was a long, gentle kiss. Feeling ko nalulunod na ako at tanging mga bisig niyang anchor ko.

Nang bigla ko siyang narinig, "I miss you, sweetheart!"

Naitulak ko siya papalayo sa akin. "Ang galing niyo naman ipakita na miss niyo ako eh parang hindi naman. Lagi niyo ngang kasama si Laurie at pagdating sa akin deadma lang," walang pigil ko na siyang inakusahan.

As usual hindi niya sinagot ang tanong ko. May sarili siyang litanya. "What's this I've been hearing na nagsisibabaan ang mga grades mo. And you'd been absent for two days, why?"

Sige, Q&Q tayo. Matirang matibay. "Bakit sir, hindi na po ba pwedeng ma-burn out ang isang tao?"

"No, not you!" ang sabi niya, this time, even toned na. (See siya ang bumigay)
"May mga goals ka. I relied and respected those goals. Sinakripisyo kong time para makasama at makausap ka dahil sa mga goals mo tapos etong mababalitaan ko. Do you know how hard it was for me na layuan ka to give you space?"

"What are you saying?" Oh no, I am not hearing this. Bumibigay ng mga tuhod ko sa mga narinig ko.

"Sinadya kong lumayo sa iyo para makapagconcentrate ka sa studies mo. You stupid woman! Kailangan ko pang kakuntsabahin si Laurie."

"Hindi kayo?" ang malumanay kong tanong.

"Ikaw lang ang love ko. Wala ng iba. And, I'm willing to wait hanggang maging ready ka na sa akin."

Naiyak na ako. "Here I was thinking na ang bilis mo akong palitan."

"Does that mean mahal mo rin ako?"

"Boys are not my priorities. You, in particular," nakangiting sabi ko sa kanya.

"I miss you, sweetheart! Pwede mo naman pagsabayin ang studies mo at ako. You don't have to give me up or your studies," paglalambing niyang binubulong sa akin habang magkayakap kami.

"Still no strings attached. No commitments. Let our feelings for each other grow," patuloy pa niya.

"Are we good? Can I go home now?" panunuksong tanong ko sa kanya.

"Ang dali mo talagang ibagsak ang moral ko. Answer me first. Do you love me?" giit niya.

'Akala ko ba no commitments. Honestly, hindi ko pa alam ang sagot, but I missed you so much. Is that enough?"

"Okay, I'll accept it for now!" Then, he kissed me again. So much for no strings attached and no commitments.

"Pwede na akong umuwi, sir?" tukso ko sa kanya.

"Yes and make sure, you make up sa mga classes mo. I don't want to hear any bad feedbacks again."

"Promise! Ngayon pa bang I have you back!" Ikinatuwa niyang sagot ko. And I am rewarded with another kiss.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now