Chapter 44 People From The Past

295 6 0
                                    

"Though I never lose affection. For people and things that went before. I know I'll often stop and think about them. In my life, I love you more." - The Beatles

The following week, isosoli kong panyo na pinahiram sa akin ni Wilber. Wala yung secretary niyang si Lorrie,  kaya tumuloy na ako. Bago ako pumasok, kumatok muna ako. "Come in. Door is open." Paanyaya niya.

Pagpasok ko, nakilala ko agad yung bisita niya. Si Atty. Ben De Leon, Public Ad professor ko. "I'll come back later."

"Arya Labrador, don't tell me nakalimutan mo ng paborito mong professor," tukso niya sa akin.

"Atty. De Leon, how are you? Sorry to disappoint you pero hindi ikaw ang paborito ko," at tumawa ako.

"Of course, alam naman natin kung sino. Nothing escaped my eyes," may patwinkle pang mga mata niya. Sabay, gagap sa mga palad ko.  "How are you? Heard you already have a child. Akala ko nagkabalikan na kayo," ang ngiti niya abot tenga.

"Mukhang kayong dalawa lang nagkakaintindihan. Care to include me," sumabat na si Wilber.

"Oh, that's a private joke between us, right Arya?" Nakangisi pang matanda.

"Well, I have to go back to my office. See you around, Atty. De Leon," ngumiti ako sa kanila.

Ang mokong akala yata hindi ko maririnig or talagang sinadya niyang iparinig sa akin, "Hmp, hindi mo nabanggit, panyero, na nagkabalikan kayo?"

"What do you mean? Naging kami ba?" Seryosong tanong ni Wilber. Babalik sana ako.

Pero sumagot na si Atty. De Leon, "Ibig kong sabihin, mukhang tinamaan ka na naman kasi ibang mga tingin mo sa kanya."

"Can't do. May Cynthia na ako," ang simple niyang sagot. Ouch! Hayan ang napala ko sa pag-ieavesdrop.

Nakabalik na ako sa opisina. Hinabol ako ng tingin ni Rosalie dahil siguro nakasimangot ako at alam niya kung saan ako nanggaling. Asumera de primera pa naman ang sekretarya ko at kaututang dila pa naman niya si Lorrie.

Hindi pa din mawala sa isipan kong sagot ni Wilber. Lumalabas na he's just been flirting with me. Hindi lang pala amnesia meron siya, may katok din sa ulo. Back to square one na naman pala ako kasi nakalimutan na naman niya ang nakaraan namin.

Nagsearch ako sa net about amnesia. Temporary lang daw yun. Bakit sa kanya, ilang taon na? Unless, binlock na niya sa utak niya ang mga memories namin. Ang saklap naman.

Well, I guess. Let life take its course, one step at a time. Baka yung klase ng amnesia niya hindi dapat pinipilit at minamadali. I won't give up this time. Ipaglalaban ko na siya.

Nasa reflective mood pa ako, hindi ko napansin nasa tabi ko na pala ang mokong. "Penny for your thoughts? Sana ako ang iniisip mo." Ang kapal nang mukha. Sabagay, totoo naman.

(Habang si Rosalie ay tumawag kay Lorrie, "Naku sis, andito si Atty. Pumasok sa kwarto ng boss ko ng walang paalam."

"Talaga?"

"Nanggaling na diyan ang boss ko, pagbalik nakasimangot tapos ngayon si Atty naman ang nandito. May LQ (lover's quarrel) siguro?"

"Baka nga. Sis, mamayang lunch break na lang tayo magkwentuhan at maraming hinihinging files si boss," sabi ni Lorrie.)

At heto na nga kami ..

"Excuse me, you're the least of my concern. And don't forget, may Atty. Palisoc ka na!" OMG! Ang bibig, Arya.

"Sabi ko na nga ba, nakikinig ka sa usapan kanina eh," nakangising akusa niya sa akin.

"Ako makikinig. Hello, I am not interested sa usapan niyo. Saka totoo naman ang sinasabi ko. May fiancee ka na. "Nasa defensive mood ako. Yun lang naman ang magagawa ko, be offensive as your defense.

"I came here to ask you why you went to my office," change of topic bigla. Bakit kaya?

"Isosoli ko lang sana itong panyo mo. Nilabhan ko na yan," pag-abot ko ng panyo, nagcollide ang mga kamay namin. Nagkatinginan kami. Nangungusap ang mga mata.

Pumasok si Rosalie, "Dean, yung 10 o'clock meeting niyo naghihintay na po sa labas."

Nagulat man kami, hindi pa din niya hinihiwalay ang mga mata niya.

Kaya sumagot na ako, "Of course, paalis na naman si Atty. Laureano."

Binigyan niya uli ako ng isang sulyap at umalis na siya ng walang paa-paalam.

(Samantala,  tinawagan na naman ni Rosalie si Lorrie, "Confirmed may LQ nga. Pabalik na diyan si Atty galit ang awrabels niya pagtapos siyang pinaalis ni boss."

"Oo nga, andito na siya. Sige na.")

Pero hindi nagtatapos doon kasi ang mokong nag-email na naman: "I'm not that easy to get rid of. ☹️☹️☹️"

Hindi ko sinagot, humirit pa: "Thank you for putting your perfume on my hankie. 😍😍😍"

Napailing na lang ako kasi yung kausap ko gusto ng mag-uzi.

Nagpangatlo pa: "Let's have dinner. Just the two of us, if that can be possible. 😉😉😉"

"Excuse me, I'll have to answer this," sabi ko sa kausap ko.

"I am in a meeting and you are distracting me. Sorry, not possible and you know why," ganun lang para matigil.

Pero alam natin na hindi yan magtatapos diyan. In one, two, three... Enter.

"May I have a word, Dean?" O hindi ba? Si Wilber hindi na nakatiis. Tumayo sa tabi ko habang nakahalukipkip.

(Si Lorrie naman ang tumawag, "Sis, papunta na yung boss ko diyan "

"Oo, andito na at nilampasan na naman ako.')

Buti na lang tapos na kami sa meeting. "I'll go now, Dean," tanging nasabi ng bisita ko pero ang mga ngiti makahulugan.

"Alright, please give me an update," sinabi ko na lang.

Pagkaalis ng bisita ko, "Why do you always reject me every way possible? Are you mad at me? Tell me," aba, parang kanina lang sabi niya may Cynthia siya. Ano ito? At bakit demanding.

"Look here, Atty. Laureano, I have no obligation to accept all your invitations," kunwari seryoso ko at siyempre complete yan with fighting mode. "Besides, I am busy plus there's Nuelle, that's the most obvious reason."

Guilty verdict na naman siya. "Saka, I don't know why the tirade. Wala naman tayong relationship. May Cynthia ka na.
So, why have that kind of attitude?"

Bago pa siya nakasagot, pumasok na naman si Rosalie. "Dean, you have another visitor, your friend, Leih."

Oh no! Ang galing naman tumiming nitong kaibigan ko. Hindi pa ako nakakalabas, pumasok na siya.

"Mars, asan ang inaanak ko? How are you?" Nang mapansin niyang may kasama ako sa kwarto. "OMG! Atty. Wilber Laureano?"

"Do I know you?" Ang sabi niya, gulat na gulat.

"Alam niyo, sir, palabiro pa din kayo. Student niyo kami ni Arya sa PolSci." Tapos ako naman ang hinarap. "Hindi mo sinasabi nagkabalikan na pala kayo." Kundi ko ito kaibigan, binoldyak ko na sa katabilan.

"You know what, second person ka today ns nagtanong kung nagkabalikan na kami. Just what do you mean by that?" Heto na naman kami. Tinignan kong matalim si Leih.

Buti na lang naintindihan niyang mga tingin ko kaya sumagot siya agad, "This sir, (sabay pagmuestra sa kamay niya) imagine noong college days namin, prof ka namin, ngayon magkasama uli kayo ni Arya, parehong dean." Pinagpapawisan si Leih.

Tumingin lang si Wilber sa akin sabay alis. At least, hindi na niya ako kinulit sa dinner invitation niya. Saved for now.

Napailing na lang kami ni Leih.

(Rosalie kay Lorrie, "Mukhang hindi sila nagkabati, nakasimangot pa din boss mo."

"Palagay ko nga. Heto na.")

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now