Chapter 25 Hello, It's Me!

390 7 0
                                    

"And I don't wanna give somebody else the better part of me. I would rather wait for you"
- Lady Gaga

Three years had passed. Training Manager na ako sa bank. Mabilis ang promotion ko dahil sinubsob kong sarili ko sa work. Panay pang overtime ko pag gusto kong matapos agad ang mga programs na inaassign sa akin, at pinag-aaralan ko mabuting mga programs ko bago ko i-submit for approval.

Nawalan ako ng ME time. Hindi ko nga nasasagot mga messages sa akin ng mga friends ko. Kahit anong socmed ay hindi ko bet. Ang hinihintay ko lang ang message ni Wilber pero NADA. Hindi din siguro mahilig sa socmed kasi sinesearch ko siya kahit sa FB pero wala. Napahawak ako sa necklace na gift niya sa akin. Kamusta na kaya siya?

Ang kolokoy na yun tatlong taon ng nakalipas hindi man lang nag-eeffort na kontakin ako. Nababahala tuloy ako mamaya tinotoo niyang suggestion ko na pag hindi na niya kaya, kalimutan na lang niya ako. Me and my big mouth! Try ko kayang bisitahin siya sa school o sa bahay niya.

Pagtapos ng project ko, pupuntahan ko na siya talaga. Ngayong may napatunayan na ako sa aking pamilya, it's about time na I stand up for him.

Isang Saturday (half day kami pag Saturday), pag uwian, unahan kami sa Ladies Room para mag freshen up. Nagtootooth brush ako ng may tumawag sa akin, si Lenie ang ka-close ko, "Arya, andiyan ng sundo mo. Ang guwapo naman ng boyfriend mo? Kainggit ka!"

"Ha? Eh wala naman akong boyfriend?" sagot ko.

"Sige, tapusin ko lang ginagawa ko't lalabas na ako."

Pagdating ko sa Receiving Lounge, ang laking gulat ko, si Wilber. Nang makita niya ako, tumayo siya. OMG! Ang boyfriend ko naka-tshirt lang at maong. Napakaguwapo! Makalaglag panty.

"Hi, sweetheart! Surprise?" at ngumisi siya sa akin. Halos nakalimutan kong ganito siya kaguwapo!

"Will, paano mo nalaman na dito ako nagwowork?" ang masaya kong tanong. At siyempre flattered ako kasi nahanap na niya ako.

"Well, I have my resources. Off mo na ba?" ang misteryo niyang sagot.

"Oo, pero halika muna. Ipapakilala kita sa mga officemates ko."

"Guys, si Wilber Laureano, ang boyfriend ko," pinakilala ko siya.

"Teka, kanina lang sabi mo wala kang boyfriend. Ambilis mo namang mag-turnabout," bintang ni Lenie.

Napatingin ako kay Wilber at pulang-pula ang mukha ko. Guilty as charged na naman kasi ako.

Tumingin din siya sa akin, nakakunot ang noo. "I'll explain later, sir!"

"You better! Hindi ako nagpunta dito para lang itatwa ng girlfriend ko. Ang tagal kong hinintay ang moment na ito," mariing niyang binulong sa akin.

"Guys, magfo-four years na kami ni Wilber. Hindi lang kasi kami nagkita ng tatlong taon kaya akala ko wala na akong boyfriend," nagawa ko pang magbiro. "O sige! Mauna na kami kasi for sure pagagalitan ako nito kasi dineny ko siya."

Paglabas namin sa Training Department, "Hmm, parang may nakakalimutan ka, Ms. Labrador?"

"No, dala ko nang lahat ang kailangan ko," nagtataka kong sagot sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinapit sa baywang ko't hinalikan. Nag-blush na naman ako.

"Sir, nasa loob pa tayo ng bank baka isipin nila easy akong babae," sabi ko sa kanya sabay alis sa mga kamay niya.

"Sige, bilisan mo ng paglakad at nasa harapan ang kotse ko. BTW, may class ako ng 4:00 kaya may 4 hours lang tayo."

"Talaga! So, pag vacant period lang pala ang peg ko," kunwari na-hurt ako pero that's good enough for me.

Tumawa siya, "Ikaw nga three years, hindi mo na ako binalikan. Kailangan ko pang mag-bribe ng mga tao para mahanap ka."

"Sino naman ang sinuhulan mo? Let me guess, si Leo, ano? Siya lang naman ang may contact pa sa amin," ang akusa ko sa kanya.

"Binigay niyang number ni Gabbie, from there siguro mahuhulaan mo na kung anong mga sumunod na pangyayari," tukso niya sa akin.

"Hay naku naman talaga ang mga kaibigan ko, hanggang ngayon pagdating sa iyo, laging laglagan blues."

"Bakit, sweetheart, parang ayaw mo pang makita ako? Isn't three years long enough?" aba, super drama na naman ito. Hay naku Papa P, malapit ka nang malaos.

"Mr. Laureano, kanina lang iniisip kong puntahan ka sa bahay niyo kasi hindi ko alam ang skeds mo. Kaya lang naunahan mo ako."

"Palusot!" Nakapasok na kami sa kotse. Nang hahalikan na lang niya uli ako, may kumatok sa bintana, "Naman, pag talagang suswertehin ka!" Pagtingin namin, isang batang babae ang nakangiti sa aming dalawa. Binuksan niyang bintana, "Sir, Mam, palimos po!"

Natawa kami, "Ineng, ang galing ng timing mo!" ang sabi ni Wilber sabay bigay ng P100 sa bata. "O, huwag mo na kami uling iistorbohin." Nagtawanan kami.

Pumunta kami sa isang mall na malapit sa school niya, doon kami nag-lunch. Ang boyfriend ko hindi pa din nagbabago. Hindi pang teacher kung kumain, pang construction worker.

Siya ang nagsimula ng usapan namin. "Kasama pa ba ako sa mga plano mo?"

"Sir, kumain ka muna saka na natin pag-usapan yan," tinutukso ko siya.

"Okay, sige walang imikan pala gusto mo," tapos tumahimik na siya.

"Sir, maaari ba kitang imbitahan? Dinner at my house, tomorrow, 6:00." kaswal ko lang sinabi sa kanya.

"Wrong timing, sweetheart, may pasok ako!" aba at nag-inarte pa. Gusto talagang mag-audition sa Star Magic.

"O di ngayon pa lang, magbreak na tayo. Ayaw mo na pala?" akala mo ikaw lang magaling umarte ha? Pang-famas ito, hoy!

"Teka, joke lang yun. Patola ka din ano? Does this mean, official na tayo?"

"Ewan ko sa iyo, professor ka pero ang slow mo!"

Dahil walking distance lang school niya mula sa bahay namin, dumerecho na kami sa school baka ma-late siya. Binigay ko na lang ang address ko at mga important landmarks.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now