Chapter 31 California, Here We Come?

324 8 0
                                    

"So how come when I reach out my finger, it feels like a distance between us." - Rihanna

Wala sa sarili and with a heavy heart, pumunta ako sa Teller para magcheck-in sa flight ko. Naisip kong mga pangyayari last night and earlier today. Buong akala ko si Wilber ng magiging hubby ko, ang future and everlasting happiness ko pero parang ilusyon lang lahat na nawala like soap bubbles. I was so devastated. Well, sabi nga if you're not meant for each other, just accept it and learn to move on. Pakiwari ko ba kung dati ay feeling long hair ako because of Wilber, ngayon ay para kong bald headed na puno pa ng dandruff. Huhuhuhu!

Pagkatapos, ma-stamp ang passport ko, umupo ako sa isang bench. Nanlulumo. Gusto kong magsisisigaw sa pagiging broken hearted ko. Hindi pa rin ako maka get over sa fact na nireject ako ng mother ni Wilber. At siya ang stumbling block sa amin. Hindi ba ako katanggap-tanggap? I was an HR Manager at a prestigious bank and a Master's Degreeholder. Now I am on my way to being a doctor in my own field.

Now I'm doubting my decision. I am a fighter and not a coward. Dapat pa lang pinaglaban kong pagmamahal ko kay Wilber. Hindi naman ang mama niya ang pakikisamahan ko forever bakit tumiklop agad ako. But paano na? Any minute my flight will be called, wala na ding atrasan ito. Hindi biro ang mga sinacrifice ko para dito: my work, my family, my savings and of course, si Wilber.

Mas lalo akong napaisip. Feeling ko I'm backed in a corner and there's no way out. "What am I going to do? Ang hirap naman ma-fall in love tapos may kontrabida. Hays, pag-ibig, ano na ba?"

"OMG! Napak-painful naman. Kamusta na kaya si Wilber? Does he know I'm gone? Hahanapin pa ba niya ako?"

"Okay, no use dwelling on the past. How? Oh no! How can I forget the only man I ever loved?" Naloloka ka na, Arya Salvador. 

Dahil sa aking mixed emotions, natatagalan ako sa flight baka kasi pag nagtagal pa more, eh, magbago ang isip kong umalis.  Ngayon pa lang na-mimiss ko na si Wilber.  What more pag so many miles away na ako. Hindi naman sa Divisoria lang ako pupunta.

Nang mapatingin ako sa flight board, na-shock ako kasi parang pinaglalaruan ako ng tadhana, tinitignan kung hanggang saan ang resolve ko to stick to my plan. Delayed ang flight ko.  Kailangan ba talagang pahirapan ang kalooban ko.

Naluluha na ako ng may nag-abot sa akin ng puting handkerchief. "Is it worth it?" Napaangat ang aking mga mata sa taong kaharap ko.

Hindi ako makapaniwala nang makita ko si Wilber ang nag-aabot ng panyo. Bigla akong napatayo at yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Ang yakap mo parang yakap ng isang fiancee na hindi nagbalak iwan ako sa ere, ah" pabirong sabi ni Wilber. Then, he laughed.

Nang pinakawalan ko siya, bigla naman niya akong hinalikan sa labi ng may ilang segundo din, sabay sabi, "I missed you sweetheart kahit ilang oras lang yun. It's like eternity."

"Sa tingin mo ba ako hindi kita namiss.  It's breaking my heart, sir," naiiyak ako.

"Then why did you do it? Dahil kay mommy! Sweetheart, ako yung pakakasalan mo hindi ang nanay ko. I chose you the moment I saw you sa hallway. You were only 15 at that time. How many times do I have to tell you that?"

"I'm sorry, naduwag ako.  Hindi man lang ako nag-attempt na ipaglaban ka. First opportunity to get away from you, sinunggaban ko.  Hindi ko man lang inisip ang feelings mo. Lagi  na lang ako ang naggigive up, in the process, ikaw yung sinasacrifice ko.  I was selfish," paliwanag ko sa kanya na may halong pagsisisi dahil muntik na siyang mawala sa akin.

"Dapat lang kasi marami akong pinakiusapan para lang hindi ka makaalis ng hindi ako kasama."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya, "Ano'ng hindi ka kasama? Don't tell me you are coming with me?"

"Of course, sa tingin mo ba papayag akong magpunta ka ng California on your own?  Baka makakita ka ng bagong professor, hindi na hoy! Ako lang ang professor sa buhay mo."

"Naloloko ka ba? Paano ang work mo dito? Baka lalong hindi ako mapalapit sa nanay mo.  Ano na lang sasabihin niya?" may pag-aalaala kong sinabi sa kanya.

"Gusto mo bang nanay ko na lang pakasalan mo? Hindi siya ang dapat ma-impress sa iyo kundi ako, always remember that!" seryoso niyang sinabi sa akin.

Nakanganga na lang akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ko, tatawa o maiiyak sa tuwa. 

"O, ang bibig baka pasukan ng langaw. Where you go, I go kahit saan pang lupalop ng mundo yan. Huwag kang mag-alala, kung prepared ka sa pupuntahan mo mas prepared ako.  Boys Scout yata ako hanggang high school."

Hindi ko napigilan ang sarili ko, hinalikan ko siya sabay yakap ng mahigpit. "I love you, sir, more than you ever know!"

"No problem, as soon as our plane lands, we are going to look for someone who can perform our marriage.  Hindi na ako papayag makawala ka pa."

A voice over called out their flight. "Finally, our flight together forever.  This is it, pansit!" Napatawa ko sa mga tinuran niya.

"I can't wait to be Mrs. Wilber Laureano."
Pumasok na kami sa loob ng tarmac.

Hep, hep, hep. Stop right there...Did I hear it right?

"This is your Captain speaking, we are ready to land on LAX airport, please fasten your seatbelt."

"Sir..." Binaling kong mukha ko kay Wilber and napabalikwas ako, "What the...bakit naging elderly lady ng katabi ko? Whers is Wilber?"

The harsh reality hit me, I left Manila alone. Everything was a dream. I lost my greatest love....

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now