Chapter 12 Dream, Dream, Dream

485 8 0
                                    

"Late at night when all the world is sleeping, I stay up and think of you. And I wish on a star that somewhere you are thinking of me too. 'Cause I'm dreaming of you tonight."
                        - Selena

"Arya, Arya!" paano napunta si ate kina Wilber? Boses niya yun. Biglang naglaho si Wilber. "Tumindig ka na riyan at tanghali na. For sure, late ka na sa class mo."

OMG. Panaginip lang lahat yun. Parang nobela na sa haba ah.  Heto kasing si ate KJ kung kelan nasa magandang parte na saka ako ginising.

Narinig ko uli si Ate, "Arya 7:45 na. Hindi ba 9:00, ang class mo.

"7:45 na. Oh no!" Dali-dali akong kumilos. Hindi na ako nag-shamppo at make-up. Pagdating ko sa kanto, punuan ng mga sasakyan. Nang makasakay naman ako, tatlong kanto na lang, may nagrarally pa kaya traffic. Hay naku, pag minamalas ka nga naman.

30 minutes late ako nakapasok. Papasok ako sa classroom ng lahat ay nakatingin sa akin tapos kay Wilber. "What time is it, Ms Labrador? What did I say about latecomers?"

"I'm sorry sir. I got caught up in the traffic. There's a rally three blocks from here," alam kong mahinang rason ko hindi ko naman masasabi sa kanyang na-late ako sa paggising kasi napapanaginipan ko siya.

"Well, you should always be ready for any circumstances. You should have woken up much earlier.." Hindi niya natapos ang sasabihin niya.

Pinutol ko agad. "Sir, I already said I'm sorry and why I was late. Do we need to discuss this lengthily and waste our class time?"

Nagulat ang buong klase, kahit ako, sa tinuran ko. Pati na rin si Wilber na biglang nanahimik.

"I'm sorry, sir," sabay upo ko sa tabi ni Leih na namumutla.

"Well, that's what you're good at. By the way, that's not your seat. From now on, you will sit here in front, left aisle, so I can keep an eye on you. Mr., what's your last name again?"

"Roberto Canlas, sir?" panerbiyos niyang sagot.

"You will sit on the chair that will be vacated by Ms Labrador. You two people move."

Habang nagpapalit kami ni Robert ng upuan,  namataan ko si Wilber nakangisi parang sinasabi niya sa akin. "You got what you deserve for answering back." Darating din ang araw mabubura kong mga ngisi sa mukha niya. Pero kelan kaya yon? Hays talaga!

Habang nagkaklase kami, panay ang tingin ko sa kanya pag hindi nakadako sa pwesto kong mga mata niya. Kahit saang anggulo mo siya tignan talagang guwapo. Gaano kaya talaga siya kagaling humalik sa totoong buhay? Bitin kasi panaginip ko eh.

Nahihirapan akong huwag siyang titigan para siyang bato balani na hinihila ako, kaya may pagkakataon na nahuhuli niya ako at ngingisian niya. Parang sinasabi niyang, "Guwapong-guwapo ka sa akin, ano?"

"Yes, Ms Labrador, do you have any questions? You're looking at me like you have one?" kausap na pala niya ako.

Siniko ako ng katabi ko, "Arya, kausap ka ni sir."

"Ha? What's the question, sir?" unprepared ako doon ah.

"Are you daydreaming in my class, Ms Labrador?" ang akusa niya.

Sasagot na sana ako biglang nag-bell. Thank you, Lord. Saved by the bell!

"Ms Labrador, stay behind," pahabol niya.

What? Again? So hindi ako tumayo.

Umupo siya sa gilid ng mesa katapat ng upuan ko. "Ms Labrador, will I always expect your tardiness every meeting? Sayang naman, you're intelligent. You should set a good example."

Hay, semplang na naman ako.  "Sorry na sir! Hayun lang po ba? May I leave?" Medyo painis kong sagot.

"And do you know that it's unethical to stare?" this time nakangisi siya.

"What? I don't stare," tanggi ko pero namumula ang mga pisngi ko.

"You're not a good liar, Ms Labrador! Pinagpapantasyahan mo ba ako?"

"You arrogant.. Never mind," sabay tayo then alis. Akala mo kung sinong guwapo. Halos maiyak ako sa inis.

Pagdating ko sa shed, "Bakit ganyan mukha mo?" si Leih ang nagtanong.

"Kakainggit ka, friend, lagi kayong one-on-one ni Wilber?" tukso ni Louise saka sabay-sabay silang nagtawanan.

"That's not funny anymore. Lagi niyang sinisira araw ko." Kinuwento ko sa kanila.

'Girl, baka type ka!" hirit ni Geri.

"Excuse me, malas magiging girlfriend niya napaka-conceited. Oh, how I hate the man!" salitang parang labas sa ilong.

"Hate is a strong word, opposite of love," pabirong sabi uli ni Louise. Eto'ng si Louise parang she knows something I don't.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now