Chapter 58 Love Will Lead You Back

333 5 0
                                    

"Someday I just know that love will lead you back to my arms where you belong.  I'm sure, sure as stars are shining. One day you will find me again, it won't be long. One of these days our love will lead you back" - Taylor Dayne

Monday. May feeling akong something is brewing. According kay Wilber, ang mga parents na lang niya maghahatid kay Nuelle. "Alright, dalhan na lang natin siya ng uniform."

Nagsuot naman ng suit si Wilber at may hearing daw siya.

Nang papasok na kami, napansin ko na ibang way ang binabagtas ng kotse. "Sir, you missed the turn to school."

"Maaga pa naman. May kukunin lang akong docket sa city hall. I'll make it quick." Ang paliwanag niya sa akin habang nakangisi.

Kinakabahan ako. I can feel something is off. Dumating kami sa City Hall. Sinama niya ako sa loob. Pumasok kami sa isang room.

Laking gulat ko. Andun ang mga parents niya kasama si Nuelle at si Pres.

"What's happening, sir?"

"We're going to get married. Civil nga lang muna. I want us to stay together from now on."

Maybe because of the hormones. Naging iritable ako at unreasonable. "Getting married without my consent?"

"It is a surprise, sweetheart!"

"I'm not ready," then nag walk out ako. Nag-sorry si Wilber sa mga tao. "Nabigla lang siya. Let me talk to her first."

Sa lobby,  hinabol ako ni Wilber." Wait, sweetheart!"

Huminto ako at hinarap siya. Hindi na ako nakapagsalita. Siya na ang nagsimula, "Are you going to run away from me again? Hindi ka ba napapagod sa cat-and-mouse life natin. How about we settle this now?"

"What do you mean?" Parang natatauhan na ako sa kagagahan ko.

"Nuelle needs my name if you don't need it. Sabi mo sa akin huwag ko siyang saktan. But what are you doing now? Here, I thought you love me so much to stay with me forever."

Hindi ko alam kung ako ba yung umiiyak o siya. Hindi ba ito ang ultimate goal ko bakit ngayon inaayawan ko. Lumalapit na, oh.

Niyakap niya ako. "Don't walk away, again. Wala ka ng reason to do it." Malungkot niyang sabi.

"I'm afraid. What if bumalik ng memory mo and marealize mo na ako ang may kasalanan king bakit na-miss natin ang mga opportunities for love. I don't want to feel the pain of losing you. "

"Sweetheart, hindi ba sabi ko sa iyo pag dumating ang araw na yun. Just give me space, eventually, I will find myself going back to you. Don't you trust me? Don't you trust our love?"

Napaiyak na ako sa dibdib niya. Itinaas niyang baba ko para halikan niya ako. "Forgive me. I love you so much. I can't bear to lose you again.

"Hindi na mangyayari yun. Halika na kanina pa sila naghihintay. Nakakahiya kay judge, kay Pres at mga parents ko." Medyo tumatawa na siya.

"Okay, baka i-unfriend na naman ako ng mommy mo. Let's do this."

Pagpasok namin, nakangiti silang lahat. Sinalubong kami ni Nuelle, "Are you ready, mom? This is it. We waited five years gor this."

"Yes, baby. We are both ready." Si Wilber ang sumagot para sa amin.

Nang marinig ni Wilber ang, "You are now husband and wife. You may kiss your bride, Atty. Laureano."

"The moment I am waiting for," hinalikan niya ako ng paulit-ulit, matagal.

Nagpalakpakan ang lahat. At kinongratulate kami. Pagdating sa mommy niya, "Please, can we talk?"

"Wilber loves you so much. I get it now. Partly, dapat iblame ako kasi naging kontrabida ako. Alam mo bang binitawan niya ang lahat ng kaso niya. Tatapusin na lang niya yung nasimulan niya. He said he wants to have more time with his family. That's how much he loves you."

Naluluha ako kasi nanliit ako sa sarili ko kasi muntik ko na naman siyang masaktan. "I'm sorry po kung nasaktan ko siya. But this time, hinding-hindi na po mangyayari yun."

"I'll expect nothing less." Tapos nagyakap na kami.

Lumapit si Wilber. "What's this? Mom, baka mawala na naman ang asawa ko."

"No, son! I just made sure na hindi na siya makakawala pa." Nagtawanan kami.

"Since nasa honeymoon kayong dalawa, maiiwan sa amin ang baby na ito," ang daddy ni Wilber ang nagsalita habang magkahawak sila ng kamay ni Nuelle.

"Of course, lolo! I don't want to disturb them," ang pabirong sabi ni Nuelle habang nakatingin siya sa amin ni Wilber.

(Sa office, nasa office ni Wilber si Rosalie at kachikahan si Lorrie.

"Sa wakas, kinakasal ng mga boss natin," sabi ni Rosalie.

"Hahanap ako ng producer na gagawa ng love story nila. Nakakakilig at the same time nakakainggit."

"Honga, 19 years old pa lang si Boss, sila na ni Atty. Ang grabeng sweet nga nang pumasa si Atty sa bar, nagpropose na siya kay boss sa harap ng national TV. Kinikilig ako."

"Hindi pa yon, nagka-amnesia na yung boss ko, na-inlove pa rin kay Dean Arya. Ba't hindi sa akin?" Talaga lang Lorrie, kukumpetensiyahin mo pa ako. Sorry but sa akin na siya at sa akin lang.)

After a small lunch gathering, umuwi na kami ni Wilber para ayusin ang mga gamit namin. Itutuloy na namin ang HongKong tour namin.

Habang nasa sasakyan, "Why did you resign, sir?"

"So, yun pala ang pinag-uusapan niyo ni mommy. May case pa naman ako. Gusto ko na lang magconcentrate sa pagiging dean at professor. That way, sabay tayong pumasok at umuwi. I want more time with my family."
Nakangiting sabi niya.

"I am at a loss for words. I'm so lucky I have you in my life."

"Akala mo lang yun. Let'see!"

"Where are we going to live?"

"Pinaparenovate ko pa yung house to give rooms for Nuelle and our second baby. I'm turning my room into our master's bedroom."

I see lang ang sinagot ko. Nag-alala si Wilber. "Unless, you have other plans?"

"No, no no! You're the boss!"

"Are you sure?"

"Yes, but for now only. You'll know din later." Tumawa kami pareho.

Hindi namin napansin may kumat sa aming sasakyan. At para maiwasan ang any casualty, kami ang sumalpok sa poste.

Nang magkamalay ako, nasa hospital na kami.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now