Chapter 3 I'm Backing Out

714 15 0
                                    

"If you looked in my eyes, would you see what's inside? Would you even care?"
                         - Selena

Pag labas ko ng classroom, gusto kong maiyak sa gigil. Gusto ko mag ala-rambo at pagbabarilin ko yang Wilber na yan. Ano'ng akala niya sa sarili niya, hari?

"Friend, okay ka lang?" concerned na tanong ni Leih. "Terrorista pala yang Wilber na yan," patuloy niya.

"Akala mo kanina swerte tayo nakita natin siya, hindi pala. Malas sa dilang malas naging professor pa natin. Hell and damnation! I hate him!" Hindi namin napansin na nasa likuran lang namin siya.

"Back to our room, Ms Labrador," utos ng hari. OMG! Narinig kaya niya lahat?

"Alright, please take a seat, Ms Labrador," neutral na ang boses nya.

Umupo ako sa harapan. Kinuha niya ang silya sa tabi ko at umupo siya sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakaupo kami ng harapan at close proximity.  Mamamatay sa inggit mga friends ko. Pero will they, after the incident?

Nabasag ang line of thought ko nang nagsimula ng magsalita ang hari. "Do we have a problem, Ms Labrador?'

"Sir, wala po," ang kinakabahan kong sagot.

"Do you know, you're blushing when you lie or put on the spot?" aniya. Tinitignan niya ko na parang minememorize niyang mukha ko.

"And, do you know, sir, that it's unethical to stare?"

Tumawa siya. "Touche! Here I thought you're giving up on a challenge. Next time, Ms Labrador, if you have something to say to me or about me, please tell it to my face and huwag patalikod. I am a reasonable person."

"Yes, very reasonable that you blew up a simple favor to my friend na para bang napakatamad kong tao."

"So, we're good now. You're still on with my challenge. You can't think of backing out. I don't see you as a coward."

Paano niyang nalaman na gusto ko ng magdrop out sa class niya. "How did you know? Wala pa akong pinagsasabihan, not even my friends. What are you, a mind reader?"

Eto na naman, nginisian na naman niya ko. "It's written all over your face. I've been watching you since day 1."

"Day 1? What do you mean day 1? This was our first session, sir?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Tumayo siya, sabay talikod. "See you on Thursday, Ms Labrador. Be ready! I might call you again."

Naiwan ako na still nag iisip. Ano'ng day 1? Ang hirap niyang ispelengin. Hinanap kong mga kaibigan ko. Hinihintay na pala nila ako sa shed sa may ecumenical chapel. Nakahanda na din ang lunch namin.

"How did it go?" chorus nila.

"Hindi ko alam. Naguguluhan din ako. Pero I am considering dropping out parang pointless."

"Sister, pag nagdrop ka parang sinabi mo na din na natalo ka. And hindi ikaw yung taong gumigive up lang basta," words of encouragement mula kay Leih.

"Pero hindi ko alam kung ano ang challenge ng unggoy na iyon," galit na ako.

"In fairness, siya yung unggoy na napakagwapo. Hays," sabat naman ni Gabbie.

"Ano ba kayo hindi kayo nakakatulong! Hindi siya kacrush-crush. Gusto ko siyang tirisin." sabay-sabay kaming tumawa sa sinabi ko.

"Sige, tapusin na natin ang pagkain at may klase pa tayo," paalala ni Cheska.

"Kayo lang. After this uuwi na ko. Magkakafever yata ako," paalam ko sa kanila.

"Hope hindi love fever yan," biro ni Chloe,  bibihira lang sumali sa usapan. Pagmemake up kasi ang inaatupag.

"Excuse me, hindi pa pinapanganak ang taong maiin-love ako."

"Kelan naman pag lola ka na. Matalino at maganda ka. Maraming nagkakandarapa na sagutin mo sila. All you have to do is choose," birada naman ni Cheska.

"Not on my list of priorities. Okay girls, mauna na ako. See you on Thursday," nagpaalam na ako.

Papunta  na ako sa may pagliko ng building ng mamataan ko si Wilber, kausap ang tinaguriang campus beauty. Babalik sana ako para makaiwas kaya lang nakita na niya ako at ang ngising yon, gusto kong burahin sa pagmumukha niya.

No choice ako kaya dumerecho na ako baka isipin niya pang takot ako sa kanya. Nang madaanan ko sila, tumungo na lang ako. Pinagpapawisan na yata ako sa kili-kili. Hindi ko alam kung mabilis ba ako o mabagal maglakad kasi parang feeling ko sa bawat hakbang ko, lumalayo ang gate.

Sa wakas nakarating na din ako sa gate. Ilang hakbang na lang ako ng marinig kong tinawag niya ko. "Ms Labrador,"

"What now? Hindi mo ba talaga ko lulubayan?" Of course, sa isip ko lang yan. Nang marinig kong tawag niya, huminto ako at hinarap ko siya.

Unfortunately, wrong quarter turn, na-off balance ako. Akala ko bumagsak ako sa lupa dahil matigas na bagay ang naramdaman ko. Nang idilat ko ang mata ko, nasa mga bisig niya ako. Oh no!

"I'm sorry, sir! I mean thank you po! Whatever..." I'm blabbering. I can feel a different sensation coursing through my body. I am on a different world.

Nang tignan ko siya, nakangisi siya sa akin at hawak pa rin niya ako. "Are you okay, Ms Labrador? Are you hurt?" Wow! His voice was gentle. A first. Pwede naman palang maging gentle, eh. Parang ayoko nang matapos itong eksenang ito.

But reality bites. "I'm fine, sir! Maaari niyo na po akong bitawan," ang nahihiya kong sagot.

"Are you going home? Where are your friends?" tanong niya. Bakit friends? Eh si Leih lang naman ang kilala niyang friend ko.

"Yes, sir! I'll go ahead." Gusto ko nang makalayo sa kanya. His presence is creating havoc to my senses. (Sure ako'ng nabasa kong linyang ito somewhere pero this is how I feel right now). And I don't want it.

"Sige sasabayan na kita. I am going to the bookstore in the corner street," offer niya sa akin.

"Kaya ko na po, sir. Baka po pag makita tayo ng girlfriend niyo, magselos siya." Hindi ko alam ba't ko nasabi yon pero hindi ko na mababawi.

"Siya ba ang magseselos o ikaw? For the record, wala akong girlfriend," tudyo niya sa akin.

Naramdamang kong pamumula ko. Kaya lang hindi ko mapigilan, "eh ang misis nyo?"

"Ms Labrador, nagsesensus ka ba?" at bigla siyang tumawa. Oh no, ang cute niyang tumawa and I felt na pretty soon matutunaw na ako.

"Wala, wala akong asawa. See no ring or even a ring mark. Ang college ring ko, nasa middle finger. Satisfied?"

"Sige po, sir! Mauna na ako. Ayan na po yung bookstore" paiwas kong sagot.

"Wait, I have my own question," pahabol niya.

Paglinga ko sa kanya. "Yes po, sir?"

"Any boyfriend that I should know?" nakangisi na naman niyang tanong.

Namula na naman ako at hindi makasagot. Buti na lang dumating na ang jeep na sasakyan ko. "Goodbye, sir!"

"Okay, take care. I'll reserve my question for another day." Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong niya. Pero ayoko nang alamin pa ang sagot.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now