Chapter 42 Dear Arya

317 6 0
                                    

"Take me to my heart. Tell me I'm the only one. Is this really love or just a game? Tell it to my heart. I can feel my body rock every time you call my name." - Taylor Dayne

Umuwi agad ako. Kailangan kong maabutan si Nuelle baka magpunta siya sa hospital. Good thing sa school pala siya hinatid ni Molly.

Pagka-shower ko. Nagprepare na rin ako para pumasok. Nasa door pa lang ako ng "Boss, akala ko hindi ka makakapasok?" Tanong ni Rosalie.

"Akala ko din. Anyway, how's the office so far?"

"Kinansel ko ng mga meetings mo for today kasi akala ko wala ka, but, Pres. wants to talk to you, as soon as pumasok ka daw." Ininform ako ni Rosalie.

"I see. Please check what time available si Pres, then, block that on my schedule for today."

Nang mapag-isa na ako, gusto ko sanang tumawag sa hospital to check on Wilber. Pinigil kong sarili ko. Ayokong isipin ng lalaking yun na hinahabol ko siya. But at the back of my mind andun yung concern ko. What if he was not feigning it at talagang nakalimutan niya ang nangyari. Bahala na si batman. Amnesiac or not, pag nakapagrest na siya, papasok din yun. Kaya hindi ko siya mamimiss. Yun ang sabi mo, Arya pero sinong niloloko mo?

Very brief lang ang meeting ko kay Pres. Kinakamusta lang niya sina Nuelle at Wilber. Dahil wala naman akong worthy na balita eh nag-beg off na siya. May another meeting daw. Feeling ko nakikimarites lang si Pres. Hehehe!

Pag open ko ng laptop, may email ako galing kay Wilber. Ano na naman kaya ang drama nito?

"Dear Arya, (uy dear daw) Sorry for being insensitive and ungrateful. I can feel something eventful happened. I couldn't remember what exactly. Everything just slipped away. When I come back, can you please fill me in? Always, W."

Hindi ko maintindihan. We were good na bakit biglang nabura na naman ako. Saka bakit fill me in? Boss ko ba siya? Eh, hindi ko na nga siya professor. Teka nga, sagutin ko ito para magtanda.

"Dear Wilber, (pasensiya na, walang originality). You're forgiven for your insensitivity and ungratefulness. You are right, something eventful happened but I can't fill you in. That's for you to figure out. A."

Ewan ko naman kung hindi ka mapaisip niyan. Brain exercise baka mabawasan ang amnesia mo.

Aba, nag-email pa uli. "Dying to see you..."

Then sinagot ko, "Don't die on my account.'

"Let's see!" ang tugon niya.

Nagpatuloy ang palitan namin ng email.

"There's nothing to see. I am busy working, you know."

Then, he stopped.

The following week, hinatid ko na sa classroom niya si Nuelle. Laking gulat namin. Si Wilber nakangiti, nakaupo sa bench at naghihintay sa amin. Pagkakita ni Nuelle humiwalay kaagad sa akin. "Daddy, you're back! How are you?" At ang excited na bata, pumangko sa ama at humalik pa sa cheeks ni Wilber.

"Thank you, baby for the warm welcome. How about you, dean? Don't I get a welcome kiss from you?" Aba, at nagsisimulang managinip ng gising.

"Not in your wildest dreams, And utang na loob, sir, huwag sa harap ng anak natin." Oh no! Ano bang lumukob sa akin?

"What did you say? Anak natin?" Kahit sila ni Nuelle nabigla sa sinabi ko.

"Oh!Oh!" Ang tanging nasabi ni Nuelle

"What, anak natin? Baka groggy ka pa sa mga meds mo. Anak ko. I repeat, anak ko."

"As you wish. Go inside, little girl. You don't want to be late." Tinuon na lang niyang atensyon niya kay Nuelle. Humalik muna sa amin si Nuelle at nag-offer si Wilber na siya ang maghahatid dito sa classroom niya. "But don't leave me again, you have that habit."

Napakunot noo ako. Just what does he mean by that? Para asarin siya, iniwan ko nga, saka ayoko din siyang makasabay sa paglalakad sa campus, noh?

Pagdating sa office nakalock pa ito. Ibig sabihin wala pa si Rosalie. Good thing, may sarili akong susi.

Pinapasok ko pa lang ang susi, namataan kong paparating na si Wilber. Nagmamadali akong mabuksan ang pinto. But luck of all locks, nabitawan kong susi. Akma ko siyang dadamputin ng nakipag-unahan ang mokong.

Kabog! Nagkaumpugan kami. "Ouch! Kasi naman. That's my key bakit kailangan makipag-unahan ka." tanging nasabi ko. Iniiwasan kong tumingin sa kanya.

"I'm just being a gentleman," sagot niya habang kinukuskos niyang noo niya.

"Wrong timing, ayan pareho tayong naging casualty. How's your head? Mamaya lumala ang pagkaka-amnesia mo kasalanan ko na naman," Hay Arya! Ang bibig, walang preno.

Pero hindi naman niya yata narinig kasi, "Give me the key, ako ng mag-open," offer niya.

Pagkapasok na pagkapasok namin, bigla niya akong hinapit at hinalikan. Smack lang naman. Napanganga ako habang nakatitig sa kanya. "Baka akala mo, nakalimutan ko ng pag-iwan mo sa akin. And another thing, what's that about kasalanan mo na naman ang pakakaroon ko ng amnesia?"

Before ako nakasagot, narinig namin ang boses ni Rosalie kaya he kept his distance at pinagbuksan ng pinto ang sekretarya ko. "I'll pick you up for lunch,"at within hearing ni Rosalie sabi niya. "And don't say no, inexcuse ko na si Nuelle sa teacher niya so she can join us."

Na-shock ako kasi hindi ko alam na ginawa nya yun without consulting me. Pero sandali lang yung shock at naka-recover agad ako. "I thank you for the invitation kaya lang I have other plans. Gusto ko sanang mag-bonding nang kami lang ng anak ko. After her sickness ay nawalan ako ng time sa kanya."

O, eh di nasaling kong konsensiya niya. Guilty ang verdict. "I am sorry I forgot na binantayan mo pala ako sa hospital. Maybe next time?"

"Next time? There won't be a next time," Nasa isip ko lang iyan. Ngiti lang reply ko sa kanya.

"Tsk!Tsk!" ang tanging narinig ko sa kanya habang papaalis siya ng nakatungo ang ulo.
And, nagtaka ako he easily accepted his defeat. Very unlike him. Should I worry?Gusto kong sabihin na none of my business pero where he is concerned, it's always my business.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now