Chapter 53 Invisible Me

310 3 0
                                    

"But every time you hurt me, the less that I cry. And every time you leave me, the quicker these tears dry. And every time you walk out, the less I love you. Baby, we don't stand a chance, it's sad, but it's true" - Sam Smith

Dumating din siya pero tulog na si Nuelle. "I'll go now. I'll pick you up tomorrow."

"Sir?" Tinawag ko siya.

"Yes, what do you want?" Hinarap niya ako. "Hurry up, speak!"

"How long are you going to hate me?"

"I don't know. Siguro pag wala na akong nararamdaman na hurt," sagot niya sa akin.

"Can you at least be civil to me? Especially pag nasa school tayo. Pinag-uusapan na tayo. Please spare Nuelle of the bad things kahit siya na lang."

"Civil? What kind of civil do you want? Ganito ba?" Bigla niya akong hinapit at hinalikan.

Matagal yun. Una medyo brutal habang tumatagal nagiging gentle.

Yumakap ako ng mahigpit sa kanya at sinabihan ko siya ng, "I love you and miss you, sir!"

Dahil sa sinabi ko, parang natauhan siya at tumingin siya sa akin. "Enough to hurt me twice. Una, iniwan mo ako for California at ngayon ito, nagsinungaling ka tungkol kay Nuelle."

"I did it kasi ayokong ma-confuse ka the moment malaman mo because I found out na may amnesia ka," hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko kasi nagsalita siya uli.

"Hindi masakit yung nilihim mo. You know kung anong masakit? You led me to believe na illusion lang ni Nuelle ang lahat. I played along kasi naawa ako sa bata. Naisip ko what kind of a father would leave a beautiful daughter like that. Ako pala yung ama. I pitied my own daughter," naglitanya siya.

Hindi pa nagtapos dun, "Tell me why shouldn't I hate you?"

Nakatayo lang ako, umiiyak at nakatingin lang sa mukha niya. I did that to him kaya he hated me now. "I'm sorry."

Napatiim baga na lang siya at iniwan ako.

Kailangan kong magpakatatag. Hindi ako dapat maggive up. Ako naman talaga ang may mali sa relationship namin kaya dapat akong magpakahumble at suyuin siya hanggang mabuwag ang pader sa pagitan namin.

Pagkaraan ng ilang oras, nagtext ako sa kanya: "Hope you're home safe. I love you, sir!"

Pero wala siyang sagot kahit isa man lang emoji. That's fine. May bukas pa sabi nga ni Santino.

True to his word, kinabukasan sinundo niya kami. The entire byahe, tahimik kaming tatlo. Ni hindi nga ako tinitignan ni Wilber kahit isang sulyap ay wala akong napala.

Everyday, maaga pa lang nasa bahay na si Wilber. Pag kinakausap ko siya, monosyllables lang ang sagot. At least, ngayon nagrereply na siya.
May improvement na.

Pagdating namin sa school, nagulat kami nung may tumawag sa akin. "Arya? Arya Labrador?" Sabay pa kaming lumingon ni Wilber.

"Is that you, Troy?" Si Troy Samonte, classmate ko sa college at dating manliligaw ko. Asar si Wilber sa kanya kasi lapit ng lapit sa akin noon.

At mas malaking gulat namin ng yumakap pa sa akin, "What are you doing here?" Napansin niya sina Wilber at Nuelle. "Mr. Laureano?" Inismiran lang siya ni Wilber.

"And who's this little girl?"

Bago pa ako nakasagot, inunahan na ako ni Wilber, "Anak namin."

Biglang nagkulay suka ang mukha ni Troy, "Nagkatuluyan pa din pala kayo?"

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now