Chapter 27 Girl In The Hall

383 8 0
                                    

"I knew I loved you before I met you. I think I dreamed you into life. I knew I loved you before I met you. I have been waiting all my life." - Savage Garden

A week before oath taking nakareceive ako ng email from University of California Los Angeles. Nakapasa ako sa PhD program nila. And classes will start December,  bigla akong napaisip, paano ko sasabihin kay Wilber. Hindi ko na-discuss sa kanya about my application. Binibigyan ako ng two weeks to confirm. At pag na-confirm na, dapat ko ng ayusin ang passport and visa ko. Hay naku, Arya, may bago ka na namang pinasok. Pag-iisipan ko na lang muna. Hope two weeks will come a long time pa.

Araw ng Oathtaking ni Wilber, bigla akong nilagnat at nagka-flu. "I'm sorry, sir," nasa tabi ko si Wilber.

"No, sweetheart! Oathtaking lang ito hindi pa natin wedding. Magpagaling ka agad. Remember, sa Sunday, celebration ko sponsored by my family. Hindi pwedeng wala ka doon. Else, I won't attend. Ngayon pa nga lang ayoko nang iwan ka," turan niya.

"Sir, napakaimportante ng araw na ito sa iyo. Can't take that away from you. Make me proud!" Ginagap niyang palad ko at hinalikan.

"Okay, promise! As soon as matapos, I'll come back," buong seryoso niyang sabi.

"But, aren't you going to have dinner with your family?" paalala ko sa kanya.

"I can always beg off. May sakit ang fiancee ko," ang sabi ng boyfriend ko. How sweet! Humaba na naman ang hair ko. And at this time and age, who does that for his girl?

Pero siyempre hindi ako papayag. I don't want to be on the bad side of his family. "No, you go, don't put off dates with your family for my benefit," encouraging words from me.

"Then, I'll go now. I only have an hour to get there," he laughed, "sana lang hindi traffic."

Hahalikan sana niya ako pero I waved him off. "Huwag na, go baka ma-late ka pa."

"What's the matter? Hahalikan lang kita for good luck!"

Napatawa ako, "Hindi pa kasi ako nagtutooth brush. Nakaka-eew!"

"Ayun lang!" At walang kaabog-abog hinalikan niya ako sa mouth. "Now I know how you taste pag gising sa umaga." Then he laughed habang palabas ng room ko.

Gabi ng dinner celebration niya. Kinakabahan ako. First time kong mami-meet ang family ni Wilber. Habang papasok kami sa gate, "You look pale, sweetheart! Having cold feet?" napansin pala niya.

"A little, how do I look?" kailangan kong reassurance niya. Ayokong ipahiya siya sa kanyang pamilya. Imagine! A family of lawyers, nanay, tatay, mga kapatid niya at maging mga asawa nila. Siya lang ang hindi lawyer ang partner.

Tumawa siya. "Listen, sweetheart. There's nothing to worry about. Ang ganda yata ng girlfriend ko. Matalino pa. They will love you." Everything I needed to hear. Ayan ang boyfriend ko. Magaling na morale booster.

Saka ko pa lang na-appreciate na malaki pala ang bahay nina Wilber, parang mini mansion. Malawak ang garden. Bago kami pumasok, humigit pa ako ng malalim na buntong hininga.

Nakatingin sa akin si Wilber. Nakangisi. "Relax, sweetheart!" sabay hapit sa baywang ko.

Nasa hallway na kami, nang may biglang tumawag kay Wilber, "Son, finally you arrived!" Ang mother niya

Pagtingin namin sa kanya. Nagkatitigan kami ng nanay niya. Familiar siya sa akin. Nagkangitian kami.

"I know you!" pauna niyang sabi. Nagblush ako.

"Kamusta po kayo, ma'am?" nangingimi kong sinabi.

"I'm fine! Such a small world!" ngiti niyang tinuran.

Tumawa si Wilber. "You met again. Formally, mom, this is Arya Labrador, my girlfriend. The girl in the hall who helped you. Sweetheart, my dearest mother, Atty. Lydia Laureano."

Nagulat kaming napatingin sa kanya. Ang mom niyang bumasag sa katanungan namin, "How did you know?"

"I was a few feet away from you. Side view pa lang na-in love na ako," sabay ngisi sa akin. "Fate handed you to me nang makita uli kita noong enrolment and the rest is history," patuloy niya sabay halik sa ulo ko.

Napansin kong malamya ang ngiti ni Mrs. Laureano, parang hindi siya happy sa narinig. Sana imagination ko lang.

Imagination ko nga lang siguro dahil bineso-beso niya ako at sinabi niya, "Thank you for your help that day."

"Wala po yun, Ma'am! Kahit naman po sino gagawin ang ginawa ko." ang tanging naisagot ko.

Biglang may pumasok sa hallway, isang napakaganda at eleganteng babae. (Hmp! Kailangan ko na bang ma-threaten?)

"Cynthia, iha. I'm glad you are able to come! Sabi ng secretary me you are out of town," masayang bati ni Mrs. Laureano sa bagong dating.

"I won't miss this for the world," at tumingin siya kay Wilber ng may ngiting alam mong nang-aakit. (Looks like I have someone to watch over!) "Congrats, Will! Finally..." sabay beso kay Will and then kay Mrs. Laureano. 

Pinakilala ako ni Wilber, "Cynch, this is my fiancee, Arya. Arya, she's Cynthia, my childhood friend."

"Hi Arya, are you a lawyer, too?" makahulugang tanong ni Cynthia, sabay tingin kay Wilber at Mrs. Laureano.

"Nope! I'm a Training Manager sa bank," seryoso kong sagot.

"Oh siya pumasok na tayo at naghihintay na sila sa sala," paanyaya ni Mrs. Laureano, sabay sukbit sa kamay ni Cynthia. Am I jealous? No, keber lang. Hapit naman ako sa baywang ni Wilber papasok sa dining area.

All through out dinner parang sinisipat ako ng mom ni Wilber, isama pa natin ang Cynthiang yun. Pag nagkukrus ang mga mata namin, ayun na naman ang malamya at pilit na ngiti ni Mrs. Laureano, sabay iwas. Si Cynthia panay ang pa-charming at papansin kay Wilber.  But of course, ang attention ni Wilber ay nasa akin.  Kinakabahan ako na may mangyayaring hindi ko magugustuhan.

Pagkatapos ng dinner, nagpuntahan na kami sa living room. Nakorner ni Cynthia si Wilber kaya abala siyang nakikipag-usap dito at kay Mr. Laureano. Lumapit sa akin si Mrs. Laureano.  

At walang pasubaling sinabi niya sa akin, " I always planned Wilber to marry a lawyer tulad ng mga kapatid niya.  We are family of lawyers.  I thought si Cynthia ang magiging girlfriend ni Wilber. Nothing personal. It's not that I don't like you but I  have high hopes for Wilber being the youngest in the family.  If you know what I mean."

"I understand perfectly, Ma'am! But don't you think it is Will's decision to make, not me nor you. I don't mean any disrespect," walang kagatul-gatol kong sagot.  Hindi ako magpapaintimidate sa kahit na sino.  Although I was hurt. 

Downtrodden na ako.  Biglang sumakit ang ulo ko at gusto ko nang umuwi. Paglingon ni Wilber, bigla siyang umalis sa group, na-sense niya siguro ang discomfort ko.


I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now