Chapter 55 Make It Real

317 5 0
                                    

''And I wanna fall in love with you again. I don't have to try, it's so easy. Who needs to pretend?
But because it's so funny, let's just think about it honey. Let's just fall in love again."  - Jason Castro

Pagkatapos ng mga labs ko, "How are you feeling?" Makikita mong pag-aalala hindi lang sa mukha ni Wilber pati sa boses.

"I'm fine. I want to go home," request ko sa kanya.

"Sweetheart, huwag makulit. Isang gabi lang naman. I won't leave you here. Darating na si Nuelle. We'll all sleep here."

"Paano tayo papasok bukas? Absent na nga tayo today."

"Don't worry. Nagfile na ako ng leave para sa atin."

Tinitigan ko siya. "Are you still angry at me?"

"Now is not the time. I want you to rest. Remember, hindi ka dapat ma-stress. Try to sleep, Dean!" Hinalikan niya ako sa noo. Umupo siya sa may ulunan ng kama ko habang hawak niyang kamay ko.

(Sa opisina, nagkukwentuhan sina Lorrie at Rosalie.

"Confirmed, mars, buntis ang boss ko sa boss mo."

"Sana ol, may Atty. Matalino, gwapo at lawyer na, dean pa. Isama mo pang director siya sa law firm nila."

"Bakit jackpot din naman ang boss mo ah? Maganda, sexy, matalino, dean at doctor naman si boss?"

"May anak naman." May galit yata sa akin itong si Marisol.

"Yun lang. Pero cute at biba naman si Nuelle, parang anak din siya ni Atty." Sekretarya nga kita kahit Marites ka.)

Pagkagising ko, nasa tabi ko na din si Nuelle. "Mommy, I am so happy. I want a baby brother. How about you dad?"

"Preferably boy, too. But if it will be a girl, hope she will be just like you." Sabay senyas sa anak niya. Lumapit ito sa kanya at hinalikan ni Wilber sa pisngi ang anak.

Masaya akong masayang mag-ama ko. "Who's hungry?" Tanong ni Wilber. "Me." Sabay pang dalawa.

"How about you, mommy?" Tanong ni Wilber. Mommy? Anak ko. Siyempre alam naman natin na term of endearment yun pag ina ka ng anak niya.

Nginitian ko siya. "I'm not hungry. I just want to sleep." Nakatulog na uli ako.

Nang magising ako, tulog na si Nuelle. Si Wilber naman nagbabasa ng mga legal briefs niya.

Nang makita niya akong nagising, "kamusta ng pakiramdam mo? Are you hungry?" I can hear the concern in his voice.

"Wala ng hilo ko. Gusto ko lang kumain ng ice cream," sagot ko.

"Ice cream? Wala pang laman ang tiyan mo? Baka kung mapaano ka?" Protesta niya.

"You forgot may laman ng tiyan ko. Ice cream lang ang gusto kong kainin, please!" Complete with doe eyes yan. So paano siya makakatanggi.

"I'm not sure about this pero sige. May malapit naman convenience store diyan. What flavor do you want?"

"Same lang. And if you see, some violet crumbles, please" napailing na lang siya.

Pag abot ko sa phone ko,  may mga messages ako. Ang mga friends ko extending congrats for the coming baby. Siyempre hindi mawawala yung mga pang-asar na remarks like, - "GnG!", "Ambilis naman ibigay uli ang Bataan!", "Do we hear wedding bells soon?", "ang helmet huwag kalimutan para hindi magising sa katotohanan" ang iba surprise emojis. Then, may mga congrats messages din sina Pres, Rosalie at Lorrie.

Hindi naman pala naging busy si Wilber na icascade ang news. Masyadong excited hindi nakapaghintay na kaming dalawa naman ang magbalita. At phone ko pang ginamit para sabihan ang mga friends ko. At least phone niyang ginamit niya sa tatlo.

Dumating na si Wilber. Marami siyang dala bukod sa mga pinabili ko. "Breakfast natin tomorrow. So, ano'ng uunahin mo?"

"All of the above?" Tapos tumawa ako.

"Are you sure?" Tumango lang ako. Hinahanda na niya.

"Just give me a spoon, will you?" Nagtataka man, ginawa pa din niya. Inurong niya yung table para patungan. "Did you buy me some apples?"

"Apples? What apples?"

"Apples. Mansanas. Sabi ko bilhan mo ako."

"Wala kang sinabi. Ice cream and violet crumbles lang ang pinabili mo," nagtatakang sabi niya. "But I can go out again."

"Huwag na. Let's eat. I want the crumbles first. Can you remove the choco coating? Yung toffee crunch lang ang gusto ko."

"You know, hindi ko bet ang chocolate." Tanggi niya.

Sumimangot ako. "Sige, matutulog na lang ako. Ayoko ng kumain." OA pero yun lang ang craving ko.

Na-guilty ang mokong. "Ok, ok! How many crunch do you want?"

"I don't know." Kinain niyang mga chocolates. "Masarap naman pala." Pero nakangiwi naman siya. One for memory talaga ang mukha niya.

Kinabukasan, panay ang dalaw ko sa bathroom. Suka-duwal ang activities ko. Dahil sa pag-aalala ayaw muna akong palabasin ni Wilber sa hospital.

Tinawanan ko siya. "Morning sickness is natural sa pregnancy lalo na sa first three months. Don't worry. Hindi ko ikamamatay yan."

"Are you sure? Let's wait for your OB-Gyne."

"I was alone before habang pinagdaanan ko ang pregnancy ko with Nuelle. Mas madali na ngayon kasi you are here."

"I won't leave you, sweetheart. No matter what."

"Is this part of being civil?"

"You got me there! Let's forget the past."

"Paano pag bumalik ang memory mo? I left you, di ba?" Tinetest ko lang naman siya.

"If that happens, magalit man ako sa iyo, tampo lang yun at shortlived. Like now. Hindi naman kita matitiis because I love you so much, sweetheart."

Dinischarge na ako ng OB ko. Nagbigay lang ng meds at mga instructions. Inassure din niya si Wilber na everything is fine, na natural lang ang morning sickness at cravings.

Napansin kong nag one on one sila ng doctor. Kinabahan ako na baka may mali naman pala sa pagbubuntis ko. Papaaminin ko later si Wilber.

Matiwasay kaming nakauwi. Matagal nga lang kasi ba naman etong father-to-be, lahat ng kanto, may stop over.  Panay ang tanong kung okay ba ako, kung walang masakit. Hindi nahihilo o nasusuka.

Flattered sana ako kaso kairita. Hindi naman ako sumakay sa karo, bakit sobrang bagal?

Nang nakatulog na si Nuelle, kinumpronta ko na siya. "Spill it out! May problema ba sa pagbubuntis ko. Bakit may side bar kayo ni doc?"

Natawa siya. "May tinanong lang ako." Tapos makahulugan ang tingin niya sa akin.

"Ano nga yon?"

"Do you really want to know?" Lumapit siya. Niyakap niya ako at hinalikan. "I asked her kung pwede pang sex. Apparently, we can have it daw, anytime. Some couples do it kahit malapit ng manganak."

"Ows!" Yun lang ang nasabi ko kasi sinimulan na niya akong halikan.

"Do you want to try? Are you up for it?"

Kinabig ko siya, papunta sa akin.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now