Chapter 7 Excited Much

579 10 0
                                    

"Cause when you stop and start, baby it's just too hard upon my heart, that part-time kind of love."
                        - David Gates

"Hmm mukhang magandang gising ng ating kaibigan, blooming eh!" bungad ni Geri sa akin.

"Ano ka ba excited lang akong makilala ang iba pa nating profs. Sana naman kumpleto na sila para nasisimulan na natin mga lessons natin," sa isang mala-convincing voice.

"Siguro pwede ka ng magkwento?" sabat kaagad ni Louise.

"Kwento tungkol saan?" nagpapaliguy-ligoy ako. Alam ko ang gusto nilang malaman ay kung ano'ng nangyari sa amin ni Wilber noong Monday.

"Spill it out! Bakit ka niya pinaiwan? tanong ni Leih.

"Ano ba kayo, sandali lang kami nag usap. Sinisiguro lang niya na hindi na ako magda-drop out sa klase niya. Tapos uwian na!" hindi ko na kailangan ikwento ang nangyari kahapon.

Inip na inip na ko na mag-5:00. Eto ako ayoko ng distraction pero hindi makapaghintay makita ang love of my life. Buong araw ding hindi kami nagkikita. Nasa classroom na kami before 5:00. Nagkaphobia ng mga friends ko.

Pagdating ng 5:00, may prof na sumilip sa room namin. "Is this the room of Mr. Wilber Laureano, Public Administration?"

"Yes sir!" chorus ng mga classmates ko.

"Good, so I am in the right place," ika niya. Nagulat kami may sinulat siyang name sa blackboard. "Class, I am Atty. Danilo Tomas.  Mr. Laureano exchanged classes with me. I already have your classcards."

Nabigla ako. Bakit hindi niya sinabi na nakipagpalit siya ng klase? Hindi ko alam kung magagalit ako o maiiyak sa inis.

"Very good, wala na tayong terroristang prof," side remark ni Gabbie.

"Eh kaso may nadurog ang puso dito, biglang nawala ang crush niya," biro ni Louise. Tapos binalingan niya ako, "Masakit ba, friend?"

"Excuse me, I don't care," aray, yon lang kaya kong isagot.

"Talaga lang ha? Bakit malungkot ang face mo?" ayaw akong tantanan ni Louise.

"Tigilan niyo na ako, makinig na kayo kay sir," wala na akong alam isagot pa.

Umuwi akong daig pang heartbroken. Ba't ganoon? Kahapon lang, masaya kami. Tapos ngayon, iniwan niya ako sa ere. Hay naku! Sabi ko na nga ba distraction ang mga lalaki.

Thursday. Swimming session ko. Para ma-feel good ako,  ung short tight maong shorts at hanging blouse sinuot ko. Nag-apply din ako ng konting lipstick. Kailangan good vibes ako after ng frustration ko kagabi.

Hindi naman ako nalunod sa swimming lesson kahit na ang isip ko'y nakatutok sa kung anong dahilan bakit lumipat ng klase si Wilber at walang warning sa akin. Hay naku, ayoko na muling makita siya. Good riddance!

Oh no! Paglabas ko ng complex, nakita ko si Wilber sa shed at nakangiti na sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nang makita niyang dadaan na naman ako sa back entrance, dali-dali siyang humabol sa akin.

"Arya, ganyan ba dapat tratuhin ang boyfriend na nagsakripisyo ng klase niya para sa girlfriend niya?" bigla akong nag-about face.

"Ano'ng sabi mo? Ano'ng sakripisyo?" nagtatakang tanong ko.

"I miss you! Maaari ba tayong mag-snacks sandali sa cafeteria bago ka umuwi" iniwasan niyang tanong ko.

"Explain mo munang sinabi mo earlier," ang pilit ko.

"Sasabihin ko sa iyo pero doon tayo sa cafeteria. Nagugutom ako't hindi pa nagbe-breakfast, please!" nag make face pa. Edi ako naman nagbigay. Saka miss ko din itong kumag na ito. So much for good riddance. Hay naku, buti na lang wala si Louise kundi magiging popcorn ang mga tenga ko sa mga kantyaw. Tiyak sasali pang iba.

Nag-order lang ako ng fries and iced tea. Nag-heavy breakfast naman ako kanina. Kay Wilber, dalawang tapsilog at pineapple juice. Ang lakas namang kumain nito, pang-dalawang tao. Gutom talaga.

"Sweetheart, talaga bang yan lang ang order mo? Ako naman ang magbabayad," tukso niya. Pero kinilig ako kasi tinawag niya akong sweetheart, ang sarap pakinggan.

Pagkaupo namin. "So?" ang sabi ko agad. Complete with kunot ng ulo.

Tumawa siya. Ang guwapo niya lalo. Over the moon ako kasi boyfriend ko ang crush ng bayan.

"Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Nasabi ko na ba sa iyo kung gaano ka kaganda. Sexy pa pero sana huwag ganyan kaikli ang shorts. Dapat ikaw ay para sa aking mga mata lamang." sinasabi niya na halata ang pride at lambing sa boses niya. O di lalo akong kinikilig.

"Sir, iniiba mo naman usapan natin eh. Tell me what happened at bakit hindi na ikaw prof namin," ininsist ko.

"Alright! Ginawa ko yon para sa iyo at sa ating relationship," seryoso niyang sabi. "Kung hindi na akong professor mo, walang classroom awkward moments. Mahirap magtago ng feelings kapag nasa harapan ang love mo. Saka mababawasan ang time natin na magkasama. Imagine magiging everyday tayo magkikita kasi classes ng MWF tapos TTHS kailangan kitang sunduin.
Full attention ka sa studies. At least, TTHS eh non academic." Naisip niya agad yun overnight.

And here i am, bursting with happiness. Speechless ako. "Hey sweetheart, say something. Bakit parang iiyak ka na? Oh, hindi mo pa ko sinasagot ang question ko, did you miss me?"

"Thank you for doing that!  And of course, I miss you. Akala ko hindi na tayo magkikita." ayan buko na niya ako na may pagka-intense nang feelings ko sa kanya.

"May dala pala ako sa iyo. Ayan, Public Administration book. May mga underscores at footnotes na yan, Gusto kong mag-excel ka sa class niyo. Mahigpit si Danny Pero iwasan mo siya kasi lady killer iyon," paalala niya sa akin.

"Oh? Hating the competition?" biro ko sa kanya.

Pero seryoso pala siya, "Please do this for me, sweetheart. Iwasan mo siya for your own good."

"Opo kuya!" kunwaring sinimangutan ko siya.

"One more thing sweetheart," may pahabol pa saka pagpisil sa kamay ko, "never again will you call me sir pag dalawa lang tayo. Agreed!"

"Copy, sirl Joke lang. Ano naman itatawag ko sa iyo? biro ko uli sa kanya.

"Kung anong convenient sa iyo basta huwag sir o kuya," pakiusap niya.

"Did I already tell you I miss you?" tumingin ako sa mga mata niya na may ngiti sa labi ko.

"Don't ever do that, sweetheart!" ang sabi niya.

"Ha? What did I do this time?" pa-inosente kong tanong.

"You have to help me out. I'm summing up all my strengths para mapagbigyan ka na huwag mo akong bibigyan masyadong attention. Looking at me and smiling like that, will melt my resolve. Ganyan ang effect mo sa akin."

"Alright. Ganito na lang?" i made faces at tumawa siya ng malakas.

"I never thought that you're a funny girl. I'm glad," masaya niyang tugon.

"Mag eeleven na. Magtataka na sa amin. On or before 10:00 nasa house na ako."

"Alright hatid na kita sa sakayan para mahawakan ko pa ng matagal ang kamay mo."

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now