Chapter 56 The Two Engagements

299 5 0
                                    

"Is it the look in your eyes or is it this dancing juice? Who cares, baby, I think I wanna marry you." - Bruno Mars

Umuuwi pa din si Wilber sa gabi sa bahay niya. On call naman daw siya if I will need him.

The following day, nagulat ako may kumatok. Pagbukas ko may lalaki, mga 45 years old na yata. "Good morning, Ma'am Arya. Si Berto po ako, company driver po ako sa opisina nina Atty. Ako po muna ang magiging driver niyo."

"Bakit nasaan si Wilber? Tumuloy muna kayo. Kumain na po ba kayo?"

"Opo, mam!"

Tinawagan ko si Wilber. "Bakit may pa-driver? Asan yung personal driver ko?"

"Good morning, sweetheart! I trust okay naman pakiramdam mo kasi nasa fighting mode ang boses mo." Ang masayang bati niya.

"Are you going to answer me or what?" Naiinis na ako.

"Calm down, sweetheart. Mga ilang days lang naman kasi may mga kailangan akong ayusin. See you in school."

"Fine." Tapos binaba na niya ang phone. Ang weird! Walang i love you.

Kaya tinawagan ko siya uli. Pagsagot niya, "I love you, sweetheart. Binaba mo kasi agad ang phone " Ako pala ang nagbaba.

"I love you. Drive safely. Make sure I'll see you at the office."

Pagdating ko sa office, nakangiti si Rosalie, "Boss, welcome back!"

"Ano yun? Bakit ang lakas ng amoy ng honeysuckles?" ang tanong ko sa kanya.

"See for yourself!" Tuwang tuwang sabi ni Rosalie.

Pag pasok ko, halos napuno ng honeysuckles ang kwarto. Naduwal ako kaya tumakbo ako sa restroom. Pagbalik ko, "please Rosalie, itapon mo lahat yan or ipamigay mo. I don't care. I don't want to see or smell any honeysuckle."

"Yes po, boss!" Ang siste, dinistribute niya sa lahat ng secretaries, lady deans at professors.

Tinawagan ko si Wilber, "Sir, huwag mo na akong bibigyan ng honeysuckles. They make me sick."

"Do you need me there?"

"Asan ka na nga pala?" Usisa ko.

"May dadaanan lang ako then off to school na."

"Alright, see you!"

("Grabeng maglihi ang boss ko. Sayang mga honeysuckles. Oops! Andito ng boss mo."

"Alam na kaya niya ginawa ng boss mo?"

"Abangan ang susunod na kabanata.")

"Bakit ngayon ka lang?" Nag-kiss siyempre kami. Kahit kailan hindi mawawala yan.

"Are you okay?" Aba, ang mokong iniiwasan ang tanong ko.

"Muntik na naman akong mahilo. Why did you buy so many honeysuckles. Ayoko na sa kanila." Galit kong sinabi.

"It's a welcome gift. Akala ko matutuwa ka.

"Smell me! Amoy honeysuckle ba ako?"

Inamoy niyang buhok ko tapos bumaba sa leeg, pababa pa sana, "What are you doing?"

"Sorry, sweetheart. I got carried away. You smell delicious."

"Huwag mo na akong bolahin. Sige, pumasok ka na." Malambing kong bulong sa kanya.

"I can work from here, you know!"

"Mahiya ka, Atty. Laureano. Dean of Student Affairs office ito. Hindi Dean of Law. Go, go, go!" Tinaboy ko siya palabas.

"I still got you this." Pinakita niya sa akin ang isang tupperware. Nang buksan ko, toffee crunch. "Ako mismo ang kumain ng chocolates."

"Really? Thank you! Now go."

"Not without a kiss," hay naku, very insistent.

Nakita tuloy ni Rosalie kung paano ko hinalikan. "Ahem, ahem!"

Natawa lang ang mokong. Pero bago umalis, "Rosalie, don't bother to call Lorrie. Ako na lang ang magkukwento." Namula si Rosalie. Napangisi ako. Aware pala siya sa chismax spree ng dalawa.

For how many days, may nilalakad si Wilber. Pag tinatanong ko laging paiwas ang sagot. Mystery man sa akin, I know I can trust him. For sure naman hindi babae yun. We're for each other lang.

Friday came. Gala night na. Hindi nakapasok si Wilber dahil may important hearing siya. Nagtext na lang siya. "I'll pick you up😘😘😘"

Ready na ako. Dressed to the nines. Sa seksing suit ko, hindi pa siyempre halatadong buntis ako. Almost flat pang tummy ko. Naghihintay na si Wilber. Nang makita niya ako, sabi nga ng kanta: 'Can't take my eyes off of you.'

Ngunit noong makita niya ang low neckline, sumimangot. "Is that a dress?"

"You haven't seen everything yet," kaya nag 360 turn around ako.

Nakita kong namula ang mukha niya. Nagpipigil. "We still have time, please change."

"If kinakahiya mo ako, okay, i'll change pero pambahay na lang. You go, i'll stay home." Siyempre ang itsura ko parang na-hurt.

Ang mokong biglang pumayag. Nagtaka ako kasi, he did not put up a fight. Normally, yung challenge, I was expecting na sasabihin niya na mag-stay kami pareho sa bahay. "But do you have a shawl baka mahamugan ka? I don't want you to get sick."

Naghanap na ako. Sabi ko nga, small victories are still victories kahit na big na ito.

Hindi ko pa nasabi. Ang boyfriend ko makalaglag panty. Mukhang marami akong sasampaling mukha. Of course, hindi ko gagawin yun. Dean ako eh. Saka, tiwala lang na I am morejk beautiful. At ako lang ang love of his life.

True ang prediction ko. Pag pasok pa lang namin. All eyes ang mga girls. Parang gusto nila kong sabunutan kasi mahihirapan silang maki pagflirt sa boyfriend ko.

Sa kalagitnaan ng event, nagpaalam si Wilber. Maya-maya, yung lights nakatuon sa pumapasok na si Wilber kasama si Nuelle na may dalang isang bouquet ng red carnations. Yung ilaw sumusunod sa kanila.

Nang malapit na sila sa akin, tumugtog ang orchestra at narinig kong boses ni Louise, kumakanta. Btw, siya ang singer sa amin.

🎵🎶🎵🎶🎶

I never dreamed
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing
And I could swear
Love was just a game that children play
And no more than a game

🎶🎵🎶🎵🎶

'Til I met you
I never knew what love was
'Til I met you
This feeling seems to grow more
Every day, I love you more each day

🎶🎵🎶🎵🎶

Frozen ako. Wala naman si Elsa. Paglapit nila sa akin. Ang lahat ng lights at lahat ng tao, nakatingin sa amin. Pagkaabot ni Nuelle ng bouquet, lumuhod on one knee ang mokong ko, "Dean Maria Labrador, will you be my forever sweetheart? Say you'll marry me this time."

Inilabas niya yung ring, nagulat ako. "Oh no?"

Napatayo si Wilber. Namumutla kasi ni-reject ko siya. "Sweetheart, why?"

"Mommy, what's the matter? Don't you want to marry, daddy?"
naguguluhan na din si Nuelle.

"Of course, I want to marry him." Saka ko hinarap si Wilber at hinalikan ko siya. "I choose you. I want to marry you and be your sweetheart, forever dear sir."

Naghiyawan lahat. Lalo na noong hinalikan ako ng matagal ni Wilber. Pagkatapos ng halik, siyempre hindi na naman ako palalampasin, "why did you say no earlier?"

"Laters!"

("Mars, nakakakilig sila. Noong sinaboy yata ni Lord ang swerte, sinalo ng boss mo lahat."

"Nakakaiyak nga, kasi nakita mo ang surpise ni Dean Arya."

"Mas lalo naman ang boss ko parang pinagsakluban ng langit at lupa noong nag-No ang boss mo."

"Palaisipan nga sa akin yan, eh. Bakit kaya?")

Naku! Marites at Marisol, huwag niyo ng alamin. Out na kayo dun.

I Love You, My Handsome Prof!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon