Chapter 48 Moment Of Truth

311 7 0
                                    

"Our love is unconditional. We knew it from the start. I see it in your eyes. You can feel it from my heart. From here on after, let's stay the way we are right now." - George Strait

May ilang minutes pa bago ang paglabas ni Nuelle. Enough time para kulitin ako ni mokong.

"Tell me, sweetheat," pasakalye niya.

"Please don't call me that in public. Baka isipin nila may relationship tayo," saway ko sa kanya.

"I understand, sweetheart, ayan pabulong na lang baka may masabi ka pa."

"You're impossible!" Look to heavens na lang ako.

"I think nililihis mo lang ang usapan," akusa niya.

"Nililihis?" At bago pa siya makasagot nakita na namin si Nuelle at nakita na niya kami. Ang ngiti hanggang tenga.

"Mom, dad! You're here again, dad?" Takang tanong ng anak namin.

"Don't worry, baby! I'll always be here from now on," promise niya

"Really, dad? You already know the truth?" Inosenteng tanong ni Nuelle.

"And what truth is that, baby?" Sabay sulyap sa akin. Parang pinapahiwatig niya na si Nuelle na lang kaya ang kausapin ko. Tumingin din sa akin si Nuelle for confirmation.

"Are you hungry, baby?" Salo ko agad.

"I'm good, mom. We ate before they let us go," paliwanag niya.

"Then, let's go home," niyaya ko na sila patungo sa kotse. "On second thought,"

Hinarap ko si Wilber, "We can go home by ourselves. Para naman magbonding kami ng anak ko at hindi na malaking abala sa iyo," patuloy ko

"Nope! Ang usapan ihahatid ko kayo. Saka mas magiging comfortable siya. She looks sleepy to me," magaling talaga.

"Dad's right, mom! I want to ride in his car," kumampi pang isang ito. So two against one. May laban ba ako?

Isang kanto pa lang, nakatulog ng baby namin. Ano yun, daddy knows best?

"Alam ko mapipikon ka na naman pag sinabi kong I told you so," yung ngisi niya nakakairita hindi yung sinasabi niya.

Tumahimik na lang ako. Silence is the best weapon. Tama ba ito? May saying bang ganun? Anyways, siguro kailangan ko ng maging true kay Wilber para sa katahimikan naming lahat. Maaaring hindi ngayon, one day soon. For the meantime, enjoy the moment na family kami

"You're awfully quiet. Are you contemplating the whole truth and nothing but the truth, so God help you," ganun ba ako ka-readable. Naiisip niyang nasa isip ko.

"What truth? Na past girlfriend mo ako?" There, a half truth is out. Half truth kasi hindi lang niya ako girlfriend, fiancee niya ako na pumayag pakasal sa kanya pero tinakasan siya.

"Well, for starters."

"But now is not the right place or the time." Lumulusot pa?

"Fine, we'll talk when we get home." Home, daw, oh, hindi naman kami magkasama sa bahay. Asumero talaga ito.

Nang makarating kami sa bahay, "Baby, go up and change. I'll prepare dinner." Kay Wilber, "Are you going to stay for dinner? Tama lang sigurong alukin kita for driving us home?"

"Hindi ko tatanggihan yan. Would you like me to help you, sweetheart? Ang sarap pakinggan!"

Tinignan ko siya. "Really, tinatawag mo kong sweetheart sa sarili kong pamamahay? Makulit ka talaga, noh?"

"Tell me just this, girlfriend kita di ba?" Boom! Wala talagang warning. Ineexpect ko na yan sooner or later pero not sooner.

Before akong magsalita, "Only the truth please without beating around the bush," habol niya.

Mataman ko siyang tinignan, "What if aminin kong girlfriend mo nga ako before?" Stress on before

"Why procrastinate? Huwag mong sagutin ang tanong ko ng tanong din. The truth please," habang sinasabi niya ito lumalapit na siya sa akin. Halos magkadikit ng katawan namin. Isang hangin na lang ang hinihingahan namin.

"Yes" ayoko ng mag elaborate.

"Sabi ko na eh. Hindi ko na kailangan manligaw." Ang sabi ng mokong.

"But, that was five years ago. A lot has happened." nangangatwiran pa ako.

"Long time ago or just now, same banana lang yun. Nag-break ba tayo?"

"Hindi, pero..." Biglang nag ring ang phone.

"Excuse me, I have to take this." Tumalikod muna siya sa akin at nakipag-usap sa phone.

Pagbalik niya, "I need to go. This is an emergency. Let's talk more, tomorrow."

"I understand. Drive safely," ang sabi ko na lang.

"Bye, sweetheart!" Tapos hinalikan niya ako. "Pabaong swerte so I can sleep tonight."

Napapikit ang mga mata ko. Masaya sa feeling. Kaso ang mokong hindi pa pala umaalis at nakatitig sa akin. "You can close your mouth and open your eyes now, sweetheart. Unless, you want me to kiss you again. Hindi na ako makakaalis niyan."

Nagblush na naman ako kaya umalis siya ng nakangisi at pailing-iling.

Wala pang ilang minuto, tumawag na siya. "Sweetheart, I forgot. Pakisabi kay Nuelle rain check ako sa dinner diyan. Kailangan ko lang asikasuhin itong business ko. I love you, both!"

"Alright. Take care!"

"Siyempre naman. I am looking forward to kissing you again tomorrow. Are you blushing again?"

"Pinagtitripan mo ba ako? Sige na. Drive safely."

Narinig kong humalik pa siya sa kabilang linya bago binaba. Ang sarap ng pakiramdam na nasa buhay ko na uli ang pinakamamahal ko. I feel complete, whole and fulfilled. Walang kokontra.

Nakatulog na ako ng magising ako sa tunog ng phone ko. Si Wilber. "Did I wake you?"

"Obvious ba? What time is it?" Papungas-pungas pa ako at very hoarse ng boses ko.

"It's close to midnight. Sorry to wake you. Gusto ko lang marinig ang voice mo. Kararating ko lang." Paliwanag niya.

"What? Bakit late ka na?" Mapanuri ang boses ko

"Hep, hep! Faithful ako sa iyo. Late na natapos yung meeting ko with a guy exec," may stress sa guy.

"I see, kumain ka na ba?"

"I took a bite. Concern? Girlfriend duty?" Pang-asar na naman.

"Good night na. Maaga pa akong papasok. I asked Molly to watch over Nuelle. Pinagrerest ko siya. She deserves it."

"Alright, dream of me!"

"Baka bangungutin ako, huwag na." Saka ko diniskonek ang phone kong nakangiti.

Now, pabaling-baling na ako. I'm anticipating what will happen tomorrow. Out na ang naging relationship namin before. Will it trigger his memory?

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now