Chapter 52 Si Marites, Si Marisol At Si Mama Ogs

296 6 0
                                    

"People talk, people talk but they don't wanna say what they're really trying to say." - Tori Kelly

Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako kung nakarating na bang safe si Wilber sa bahay niya.

Ilang beses ko siyang tinawagan pero pinapatayan lang niya ako ng phone. Kaya tinext ko na siya. "I know what I did is unforgivable, at least let me know you're safe. Please."

Isang emoji lang ang sagot niya sa akin. 😠

Sinagot ko siya, "I love you, sir! Always😌"

Pero hindi na siya sumagot.

Kinabukasan, halos na-late na kami ni Nuelle. Wala na kasi kaming driver.

Pagdating namin sa daycare, andun si Wilber. Nginitian ko siya pero hindi niya ako tinitignan. "May I talk to my daughter, alone?"

Hinalikan ko si Nuelle at nagpaalam na ako.

Mabigat ang pakiramdam ko ng pumasok ako.

"Good morning, boss! Hindi niyo kasama si Atty?" Ang bati ni Rosalie sa akin. Gusto kong maasar pero wala akong panahon pumatol.

"Kausap niya si Nuelle kaya nauna na ako." Hindi ko alam bakit sinagot ko pa siya.

"Wow! Ang sweet naman ni Atty. Sana ol!"

"Rosalie, pakicancel lahat ng appointments ko for today. I don't want to be disturbed. Marami akong gagawin," utos ko sa kanya.

"Boss, paano kung si Atty?" Intremetida?

"I don't know," sabay sarado ng pinto.

(Siyempre, hindi nagtatapos doon yun. May I tawag siya sa bestie niya, "Mars, LQ na naman siguro mga boss natin. Malungkot si ma'am at nagkulong sa kwarto."

"Naku, kapapasok din lang ni Atty. Mainit ang ulo. Huwag daw siyang istorbohin kasi may aaralin siyang kaso."

"LQ nga. Walang gift na dumating sa boss ko. Mamimiss kong mga imported candies and chocolates."

"Bakit kaya? Abangan natin ang susunod na kabanata.")

Pagsundo ko kay Nuelle, andoon si Wilber. "Ihahatid ko na kayo para komportable ang anak ko." Ang sabi niya pero hindi niya ko tinitignan.

"Sige, siya na lang ang ihatid mo. Magrereport ako sa consulting firm. Tatawagan ko na lang si Molly para may bantay siya habang wala ako." Malumanay kong sagot.

"Suit yourself. Say goodbye to mommy, little girl." At umalis na sila. Hindi man lang ako nilingon ni Wilber. Ako naman ay naghire ng cab.

Gabi na ako nakauwi. Andun pa din si Wilber. Nakikipagkwentuhan kay Nuelle. Pagkakita sa akin, nagpaalam na sa bata at umalis ng walang pasintabi sa akin. Naiiyak na ako pero ayokong makita ni Nuelle.

"Aren't you going to kiss your mom?"

Paghalik niya sa akin. "Dad and I talked. He said you made him angry. He does not want to talk to you."

"Yes, I know, baby. Are you mad at me, too?"

"Of course not, mommy. If dad does not love you anymore, I am here. I will love you forever." Na-touch ako sa sinabi ni Nuelle kaya naiyak na ako.

"I'm sorry, sweetie, if mommy is such a cry baby!"

"Don't cry, mommy, you will make me cry, too." Natawa ako sa tinuran ng anak ko.

Isang araw, naghihintay na si Wilber sa amin. "Hop in, sabay sabay na tayong pumasok." Hindi pa rin niya ako tinitignan

Tahimik lang kaming tatlo. Pagdating sa school, hinalikan ko lang si Nuelle at nauna na ako.

Pag open ko ng computer ko, may email si Pres. May meeting lahat ng university deans. OMG ibig sabihin nandoon din si Wilber.

("Lorrie, andiyan na si Atty? Andito ng boss ko pero mag isa lang siya."

"Heto papasok pa lang. At seryoso ang mukha. Hindi nga ako nginitian."

"Ibig sabihin LQ pa din sila."

"Oh no, sana hindi pa sila nagbreak."

"Ang sad naman. Whirlwind romance lang."

"Bakit kaya?")

Back to me...
Ayoko sanang umattend. Biglang pumasok si Rosalie. "Boss, remind ko po yung Dean's meeting at 9. Attendance is a must sabi po ni Pres."

"Sige, remind mo uli ako before 9. Thanks!"

("Mars anong observation mo kay Atty. Yung boss ko parang laging galing sa iyak. Sad din tuloy ako "

"Naku sis, nakasimangot. Hindi makausap. Sana magbati na sila para hindi tayo naapektuhan. Kaya ayoko ng love life, eh."

Natawa si Rosalie, "Bakit meron ka ba nun?"

"Sige na nga, magtrabaho na uli tayo.")

Pagpatak ng 9, pumunta na ako sa conference room. Ako na lang pala ang wala. Pagpasok sitempre lahat nagtinginan sa akin maliban kay Wilber.

Naghanap ako ng mauupuan. Yung vacant seat nasa tabi ni Wilber at para makarating ako doon, kailangan kong makiraan sa kanya.

"Excuse me," marahan kong sabi.
Walang tingin-tingin basta umurong lang siya para makaraan ako. Pero sa kinasamaang palad, na-off balance ako at napaupo ako sa kanya.

"Naku, I'm sorry." Tawanan lahat.

Pa-simple siyang bumulong, "Old style na yan!' Noong tumingin ako sa kanya, umiwas na naman siya.

Napansin kong nakatingin si Pres. Nahalata niya kaya ang coldness namin - ni Wilber lang pala sa akin.

Tungkol sa Gala night na gagawin next month  ang agenda. May bayad ang ticket. More of fund raising ang gabi para sa foundation na sinusuportahan ng school, kahit na may food and dancing. Dress Code: Formal. Maraming mga imbitado especially ang mga alumni ng school.

Hay naku which means bibili pa ako ng formal dress. Sa weekend na lang ako mag shopping para makapasyal din kami ni Nuelle sa mall. Sabagay may 3 weeks pa para diyan.

Pagkatapos ng miting, talagang hindi man lang ako nilingon ni Wilber. Napailing na lang si Pres. "May I talk to you, Arya?"

"Sure Pres. Dito na ba sa conference room?" Sagot ko.

"I prefer sa room ko." So, nagpunta na kami sa room niya.

"Do you and Wilber have a fight?" Birada kaagad ni Pres parang si Mama Ogs lang ang peg.

"What do you mean?"

"I noticed his animosity towards you at parang hindi niya matagalan ang tignan ka." Wala talagang preno. Hindi marunong bumusina.

"It's that obvious, ha? Small misunderstanding lang Pres which I hope will be resolved soon."

"Well, you're already adults kaya I trust na hindi maapektuhan ang respective jobs niyo." Paalala niya.

"Of course, Pres. Thank you for your concern." Nagpaalam na agad ako para hindi na humaba.

Malapit na ako ng office ko nang makita ko si Wilber galing sa kabilang side. Hindi ko na maiwasan kaya nagsalubong kami. Pinilit kong sarili ko na hindi siya tignan para hindi naman ako magmukhang naghahabol sa kanya. Pero masakit sa dibdib. Makirot sa puso.

Pag sarado ko ng room ko, napabuntong hininga na lang ako.

Oops! May email si mokong. "I can't take you home. Have a hearing. I already told Nuelle." Ganun lang, ni walang emoji.


I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now