Chapter 9 By Your Side

554 11 0
                                    

"Lying beside you, here in the dark,  feeling your heartbeat with mine. Softly you whisper, you're so sincere."
                   -  Journey

One thing kung bakit lalo akong naiinlove kay Wilber ay ang pagiging gentleman, considerate at charismatic niya. Kahit kailan hindi ako nainsecure dahil sa age gap and status namin dahil hindi niya pinaramdam sa akin yun. Ayun lang may pagkaconservative siya. Pinupuna niya usually ang mga damit ko pag medyo exposed mga legs ko. Pero pag suot ko na ay hindi na siya nagrereklamo.

The following day, pinaalalahanan na naman niya ako about Atty Tomas, "Hindi ba sinabi ko na stay away from him? May bulung-bulungang marami na siyang na-harass na mga students. Ayokong mapabilang ka doon."

"Bakit? Ako din naharass na di ba? But I'm good," palambing kong sagot. Tinignan ko siya at nginitian.

"Sweetheart, I'm serious. Dapat siguro from now on, susunduin na kita. I can't take the chance."

"Wil, huwag masyadong exaggerated. And, we have a deal na every TTHS lang tayo magkikita. I can take care of myself. For sure, hindi na ako iiwan ng mga friends ko. Besides, alam na ni Atty Tomas na girlfriend mo ko. Takot lang noon sa iyo," paliwanag ko and mukhang inaccept naman niya.

"Promise?" ang tanging nasabi niya na lang.

"Trust me. I can handle him. By the way, huwag mo muna akong sunduin. Mayroon kaming group study kina Geri, overnight," parang paalam ko na din sa kanya.

Matagal siyang nag-iisip at nabawasan ang attention niya sa akin. Nagulat ako noong magsalita siya, "Why not, do it in my place para kung mayroon kayong hindi maintindihan, I am there to explain," Kaya naman pala, he won't let me go.

Sinimangutan ko siya at hindi ako nagcocomment. Kaya bumuwelta pa siya uli, "Hindi ba appealing ang offer ko. Plus mayroong swimming pool sa mismong floor ng condo unit ko. Please sweetheart! You can ask your friends first." If I know, alam niyang hindi hihindi ang mga yon baka maging mas excited pa sila sa akin.

"User! You're using my friends to get what you want from me. Mukhang unti-unti mo na akong iniinvade," I accused him.

Basta ngumiti lang siya at malumanay niyang sinabi, "Maybe. But, can you blame me? Ganoon ako ka-desperate para makasama ka?"

"And, here I was thinking how considerate and patient ang boyfriend ko. Nagkamali yata ako at gusto ko nang mag-withdraw," pabiro kong binitawan ang mga saloobin ko. Half-truths but not the withdraw part.

Hinawakan niyang kamay ko. May concern nang sagutin niya ako, "Kung hindi okay sa iyo ang idea ko then that's alright. Ang sa akin suggestion lang naman though mas advantageous sa akin. I'll admit. Are we good, sweetheart?"

Natawa ako. "Sir, of course gusto ko din makasama ka. Tomorrow sasabihan ko sila. Happy?"

Napabuntong-hininga siya. "You fooled me there. Shall we eat?"

Nag-order kami ng food namin at naupo sa hindi crowded na pwesto. "By the way, sweetheart! I bought this for you." Inabot niya sa akin ang isang kilalang Political Science reference book. "Next sem mo pa siya magagamit."

Halos maiyak ako. Ganito ba talaga ang mga boyfriends, very thoughtful. "Thank you!" matipid kong sagot kasi hindi ko alam kung anong gusto kong sabihin sa sweet gesture niya.

"Thank you lang, walang kiss?" siyempre biro lang niya yon. Pinandilatan ko siya ng mata. "Joke lang, sweetheart. Darating din tayo diyan but not now."

Natawa ako inside kasi kung nag-insist siya sino ba namang tangang babae ang aayaw sa kumag na ito.

The following day, as soon as nakumpleto ang grupo, sinabi kong suggestion ni Wilber. Hindi ako nagkamali. Unanimous ang decision sa condo niya kami mag-aaral. Excited na lahat at pinag-usapan kung two-piece ba o ordinaryong swimsuit lang isusuot namin. "No girls, behave tayo. Yung uniform na lang natin sa swimming isusuot natin." Bilin ko sa kanila.

"Ha, eh makaluma yun ah. May palda. Palibhasa yung advanced swimming mo mas sexy ang swimsuit. Huwag kang mag-alala nag-concede na kami na ikaw ang pinili."

Tumawa ako. "Mga tange, siyempre yung lumang swimsuit din ang isusuot ko. Kabisado ko na kayo. Alam kong magpoprotesta kayo." Nakitawa na rin sila sa akin, may kasama pang tulakan.

Kinagabihan, pauwi na kami ng masalubong namin si Wilber, "Sweetheart, girls!"

"Akala ko nagkaintindihan na tayo na TTHS lang. What are you doing here?" kunwari inis akong nagtanong pero siyempre masaya ako nakita kong gwapo kong boyfriend.

"LQ agad?" singit ni Cheska.

"Andito ako to confirm ang study group niyo tomorrow," ngising sagot niya. Sabay agaw sa aking kamay.

"Magkikita naman tayo bukas," ang malumanay ko nang sagot kasi nararamdaman kong kilig sa paghawak niya sa kamay ko.

Si Gabbie ang sumagot, "Yes na yes, sir!"

"Good, so ano bang mga gusto niyong food? Pwede din tayong umorder na lang din sa condo," excited din ang kumag.

"Kahit ano, sir. Basta huwag niyong kalimutan mga chichirya," sabat ni Gabbie.

"Hoy, hinay-hinay lang kay sir. Mamaya ibreak niya si Arya dahil sa katakawan natin," pabirong paalala ni Louise.

"Hindi mangyayari yon. Masyadong mahal ko itong kaibigan niyo, di ba sweetheart?" whole hearted niyang sinabi. Na-move ako. Nagdedeclare siya ng pagmamahal sa akin kahit nakaharap mga friends ko.

Hindi ako makaimik. Kantyawan tuloy. "Ang haba ng hair ng lola natin, natatapakan ko  na," buska ni Chloe.

"Halina kayo, samahan niyo kami ni Arya. Maggrocery tayo ng mga gusto niyong kainin," sincere na niyaya ni Wilber mga kaibigan ko. Siyempre, tuwang-tuwa na naman ang mga loka.

Kinagabihan, pinaalala ko sa mga parents ko na sa Sunday ng uwi ko kasi may group study kami. Noong una okay sa kanila. Hindi pala ako naintindihan na overnight yun. Mahabang oras ginugol ko sa pag-assure sa kanila na safe naman kami. Mabuti na lang natanim sa isip nila na kina Gabbie kami kaya hindi na nila tinanong. "Since graduating na po ako, hindi maiiwasan ang maraming projects at group studies, lalo na po next sem. Last sem na po yun at mas hectic ang schedules namin. Ako po ang lider ng grupo kaya hindi po pwedeng mawala ako," paliwanag ko pa. Hindi naman ako tahasang nagsinungaling. Guilty by omission lang ako.

I Love You, My Handsome Prof!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें