Chapter 28 End Of The Road

356 6 0
                                    

"If I should stay, well I would only be in your way. And so I'll go, and yet I know I'll think of you each step of the way."
                     - Whitney Houston

"You two, here.  Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo," bati niya sa amin.

"Nothing important," ang sagot lang ni Mrs. Laureano.

"Actually, I was telling your mom na mukhang I'm going down with a headache.  I hope you don't mind, Atty. Laureano, mauna na po ako," makahulugan kong sinabi sa nanay ni Wilber.

"Are you alright, sweetheart?  I'll get the car so we can go home now," pag-aalala ni Wilber.

"No, sir.  I hate to break up your party.  You still have a lot of visitors.  You can hire a cab for me," pigil kong sagot sa kaniya.  Gusto ko ng mag-storm out.  Hindi ko na kayang harapin ang nanay niya knowing her feelings towards me.

"Oh no way! Ako nagdala sa iyo dito so I will take you home.  Saka we still need to talk," he cut me off.

"Talk? What about?" na-curious ako bigla.

"Laters, sweetheart.  Let's go. Mom, excuse us but I have to take home my princess.  Send my apologies to everybody," ayun lang ang sinabi niya sa ina sabay hila sa akin.

Nang nasa kotse na kami, "What happened out there? Para kang pinagsukluban ng langit at lupa," very observant talaga ang boyfriend ko.

"Wala na-mention lang niya na she thought si Cynthia ang magiging girlfriend mo since she is also a lawyer," tungong ulo kong sumagot.

"I hope you are not affected by her remark.  Isang libo mang Cynthia ang iharap sa akin, ikaw lang ang tanging prinsesa ko.  Itatak mo sa isip mo yan, okay?" may pag-aalala sa boses niya.

Tumawa lang ako but inside me may nagging question.  "Paano kami magiging masaya kung walang blessing ng mga magulang niya.  And they don't think highly of me dahil hindi ako lawyer.  Hay naku, ano ito bumababa na bang confidence level ko.

Naging tahimik na kami all through out the trip.  Pagdating namin sa house, "Sweetheart, i hope wala tayong problema.  I will talk to Mom," sabi ni Wilber.

"Oh no, you won't? She did not mean anything wrong with telling me that.  Kinda slip of the tongue lang.  So don't make a big deal out of it.  Mamaya hindi na niya ako magustuhan kasi sumbungera ako," rason ko kay Wilber.  Ayokong magkaroon ng hidwaan ang mag-ina dahil sa akin.

That night, hindi ako makatulog.  Panay ang paling ko sa kama. Laging nagpaflashback ang mga sinabi ni Mrs. Laureano. Akala ko okay ako pero biglang nagnose dive ang aking confidence level at parang di ito makabawi. Now feeling ko hindi ako bagay kay Wilber. Hindi ako  makatiis nagsimula akong maglakad sa buong kwarto, daig ko pang inahin na hirap maglimlim ng itlog.

Natagpuan ko na lang na nasubmit ko na pala ang PhD application ko. Sabi ko sa sarili kong bahala na si batman. Duwag kung gusto niyo akong tawaging duwag. Paano ko naman lalabanan ang nanay niya? Hindi sa ayokong ipaglaban ang love namin ni Wilber pero pag pinagpilitan kong sarili ko, baka magkasira ang mag-ina. I don't like the idea. Iba pa rin yung may blessings ng mga magulang niya laluna nang nanay niya.

After several days, eto na. Nag-email back ng UCLA at pinadala ng final confirmation. Palihim kong inasikaso ang mga papers ko. Bibihira na kaming mag-date ni Wilber kasi panay alibi ako. Alam kong iritable na siya pero as always, understanding pa rin siya sa mga katoyoan ko. Plus, nagsisimula na din siyang maging busy sa practice niya.

Sabi nga ni Kahlil Gibran, "Absence makes the heart grows fonder.." Hindi na nakatiis si Wilber sa pang-iiwas na ginagawa ko sa kanya. Nagulat na lang ako, isang Saturday, may bouquet of flowers na dumating sa office, may kasama pang basket of assorted chocolates at ang favorite sansrival cake ko. He really knows how to melt my heart. At siyempre, mahaba na naman ang hair ng lola niyo.

Pag labas ko ng building, karay-karay kong mga gifts niya. "May I help you, sweetheart?" sabay yakap sa akin.

"Sir, nasa public place tayo. What will people say?" ang mahina kong tugon pero yakap pa lang niya kinilig na ako.

"Oh, to hell with them! Miss na miss ko nang sweetheart ko. Hindi ko alam bakit iniiwasan ako at kung ano'ng nagawa kong kasalanan," ang madamdamin niyang sagot.

"Iniiwasan? At bakit ko naman ikaw iiwasan? That's nonsense!" labas sa ilong kong tanggi.

"Alright, sinabi mo eh. Have lunch with me, watch a movie then dinner. Hindi mo naman pala ako iniiwasan eh!" paanyaya niya sa akin.

"Aber, paano itong mga suhol mo sa akin? Malapit ng matunaw ang sansrival," gumagawa pa rin akong paraan para makalusot.

"That's easy! Iuuwi muna natin yan sa inyo so you can also change into a comfortable dress." Nasukol na ako so we went home muna.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now